Magandang araw mga minamahal kong steemian..
Wala na siguro na mas sasaya pa kong ating makikita bayan na masagana. May maayos palakad sa kumunidad at mga disiplinado na mamayan. May mga kongkretong daan,nagtataasang gusali,may magagarang sasakyan na makikita sa lansangan,kabilakabilaan na mga naggagandahang subdivision,mga mall na naglalakihan at mga naggagandahang parkeng pasyalan.
Ngunit sa kabilang banda sa isipan ko'y maraming katanungan. Katanungan na pilit kong hinahanap ang kasagutan . Kong bakit sa likod ng marangya at maunlad na bayan ay may nakatagong kahirapan . Kahirapan na untiunting umuupos sa puso ng mga mahihirap natin na kababayan. Masakit man isipan at tanggapin ang katutuhan na marami parin sa kababayan ang logmok sa kahirapan.
Maunlad nga ba ang ating bayan? Bakit marami sa ating mamamayan ang maspinipili mamuhay sa dayuhang bayan at magpaalila sa banyaga upang kumita ng salape para sa pamilya. Nagbabanat ng boto at kinakaya ang hirap,lungkot at pangungulila sa pamilya. Masasabi bang maunlad ang bayan kong maraming naghihirap at nagugutom? O di kaya may mga bata na palaboy sa lansangan na naghahanap ng gabay at kalinga. Kailan kaya natin makakamit ang tunay na kaligayahan at kaunlaran ng ating inang bayan?
Kaibigan ko tayo ng magtulungan ng sa kinabukasan makita natin ang tunay na kaunlaran..
Congratulations @yhel21! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit