Si boy, nagtataka sya bakit hindi nya makontak si girl. Usapan nila magkikita sila pero bakit ngaun di na nya ito makontak. Nagbago kaya ang isip ni girl? Hindi! Alam nyang hinihintay pa din sya ni girl, nararamdaman nya yun. Gusto nyang bumawi sa dami ng nagawa nya kay girl. Maraming nangyari sa buhay nya dahilan para matagalan syang bumalik kay girl. Sunod-sunod na trahedya ang dumating sa kanila. Naloko ang nanay nya sa agency nung mag a-abroad ito, nabaon sila sa utang kaya sya ang kumayod. Na hospital din ang kapatid nya at nauperahan sa ulo, kaya walang ibang makapitan ang magulang nya kundi sya lng kasi sya ang panganay. Ngayong okay na ang lahat isa na lang ang kulang sa kanya, si girl.
Gusto nyang muli silang mag umpisa ni girl pero ayaw na yata sa kanya ni girl. Ang sakit, parang may nakadagan sa dibdib nya, ang bigat-bigat. Sana hindi pa din nagbabago ang pag-ibig ni girl sa kanya, sana sya pa rin ang nasa puso ni girl kasi ni minsan hindi ito nawala sa puso nya. Si girl lang ang taong nakakapagpasaya sa kanya. Si girl na tupakin pero cute. Si girl na kahit hindi maligo, mabango. Haisst namimiss nya ang amoy ni girl. Si girl na sweet at palaging bungisngis. Si girl na palaging yumayakap sa likod nya kapag sinusurpresa sya nito. Si girl na humihilik at malakas din umutot, napapangiti sya pero habang inaalala nya ang lahat isa lang ang alam ni boy, kailangan nya si girl.
Kilangan nyang makahanap ng paraan para makontak nya muli si girl. Miss nya na itong kantahan muli at makita itong ngumiti. Uuwi sya ulit ng probinsya at pupuntahan nya ang ang pamilya ni girl. Hindi nya nakuha ang kontak ni girl nung last nyang punta sa bahay ni girl kasi kapatid lang nito ang nandun nung araw na yun at wala pa itong idea sa cellphone. Iniwan nya lang dito ang sulat nya at regalo para kay girl. Sa kaibigan ni girl nya nakuha ang kontak ni girl, at hindi nya ito matanong ulit kung anung nangyari kay girl bakit hindi nya ito makontak. Kaya sa pagkakataong ito maglalakas-loob syang kausapin ang nanay ni girl at hihingi sya ng tawad sa lahat. Baka sakaling ibigay nito ang kontak ni girl.
Umuwi nga si boy, kinakabahan sya habang papunta sa bahay ni girl. Nadatnan nya ang nanay ni girl pero hindi naman pala ito galit sa kanya. Nagtatampo lang daw ito kasi di sya nagpaliwanag dito. Ok naman daw si girl may syota na daw ito (si Sign). Nanlumo sya sa narinig nya at napaluha kahit sa harap ng nanay ni girl. Hinawakan nito ang kamay nya at sinabi nitong hayaan nya na si girl kasi marami na itong pinagdaanan. Tumango sya at pilit na ngumiti sa nanay ni girl. Tama nga ito, marami ngang paghihirap ng kalooban ang naidulot nya kay girl, pero alam ng Diyos na hindi nya sinadya ang lahat. Alam Diyos kung gaanu sya nagsisi ma nasaktan nya si girl. Pero anu pa ba ang magagawa nya, papanu pa ba sya makakabawi kay girl ngaung may bago na pala ito. Ang lupit naman ng karma sa kanya kung karma ngang matatawag yun.
Malungkot syang umuwi sa kanila, iniyak nya lahat ng sakit na nararamdaman nya. Hindi nya na rin kinuha ang kontak ni girl baka kasi di nya mapigil ang sariling huwag magtxt dito. Babalik na lang sya ulit sa Maynila at magpapakabusy. Mabuti na ang ganun, marahil binalak lang ni girl na makipagkita sa kanya noon kasi magpapaalam lang ito sa kanya. Naiintindindihan niya ito, sya naman ang puno't dulo ng lahat kaya sya ang magdusa. Bahala na ang tadhana para sa kanya. Kung totoo man ang pangalawang buhay hihilingin nyang si girl muli ang taong makikilala nya. At pagkakataong yun sisiguraduhin nyang hindi na masasaktan si girl sa piling nya.
Sa mga magmamahal,nagmahal, at patuloy na magmamahal huwag kayong mawalan na pag-asa, may mga bagay na nangyayari sa atin na hindi nantin minsan maintindihan. Pero malay mo na bukas pala ang magiging pinakamasayang araw mo, so kapit lang mga besh para sa tunay na pag-big! Thanks for reading po at sorry medyo na late ang post ko nito.
Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban
Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart
Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana
Chapter 4: https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo
Kawawa naman si Girl at si Boy huhuhu. Pero maganda sya in all fairness.
Di ko sya nakita sayang! Nga pala pag Tagalog ang gawa mo pa lagay ng tag na Pilipinas para mas mabilis syang makita. Tambak kasi ng English ang Philippines tag. Salamat! @lynbabe10
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Okayss:) thanks thanks po
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit