Tagalog poetry "Alipin"

in tagalog-poetry •  6 years ago 




"alipin"

Nasa mga rehas ng may kapangyarihan
Bawat hatol ang syang sunusundan
Bawat sabihin ay siyang paniniwalaan
Buhay na ikaw ang may hawak ay kailan?
Napakahirap na gawin ang bagay na di nakapagpapasaya
Di nabibigyan ng galak, ang puso'y walang-wala
Pagkat may mga taong nagdidikta
Sa iyong buhay at ikaw ay natumba
Sa mga bagay na di mo naman talaga
Minahal at pinahalaga
Kagaya nang mga rehas sa kulungan
Di ka makalabas at makalaban
Pagkat iyong pinakinggan
Kanilang mga gusto't ngunit hayaan
Puso mo'y mabigyan
*Nang tibok na ninanais *
Nang buhay na di labis
Ang mamuhay sa iyong kagustuan ay tamis
Na dapat nating huwag ialis
Basta't di wala lang masasaktan
*Basta't ito'y tama at nabibilang *
Sa batas ng tao higit sa diyos na may alam
Lipad ng mataas nang malaman
Ang iyong magandang patutunguhan


src

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!