Ang Aking Panukalang Logo para kay @tagalogtrail

in tagaloglogo •  7 years ago 

Una sa lahat alam ko namang hindi ako mananalo rito haha. Pero isasali ko pa rin. Nagawa ko ito nung isang madaling-araw habang inaantay kong maupload ang aking video sa @Dlive. Dios mio inabot ako ng hanggang 6am ng umaga kakaintay. Habang nag-iintay naisipan kong paglaruan ang paint ng aking kompyuter. Hindi po ako graphic artist at wala akong alam sa photoshop. Sa paint lang po talaga ako nakakapag-ikot-ikot. Para hindi masayang oras sinubukan kong gawan ng logo si @tagalogtrail na parang footer o banner... basta ewan kung saan ito papasa

Narito po ang aking kalokohan este entry

tagalogtrail2.jpg

tagalogtrail7.jpg

Ito po ay simbolikong larawan ng isang Filipino. Nakasuot po siya ng salakot. Nais ko sanag palabasin na ang salitang Tagalogtrail ay mistula niyang buhok pero parang hindi ganun ang naganap. Ginamit ko po ang itim at puting tema dahil babagay po ito sa kahit anong bakgrawnd. Gayonman sinubukan ko pa rin po ang ibang kulay

tagalogtrail7.2.jpg

tagalogtrail7.1.jpg

tagalogtrail7.3.jpg

May iba pa po akong ginawang logo na parang footer. Bahala na kayo kung ano iyan.

tagalogtrail6.jpg

tagalottrail5.jpg

tagalogtrail4.jpg

Ito po ay isang pluma at tinta na may sulat na @tagalogtrail. Dahil ang adhikain ni @tagalogtrail ay ang maghanap ng mga Filipinong sulatin, babagay ang pluma at tinta bilang simbolo ng Filipinong pagsusulat. Muli gumamit po ako ng itim at puting kulay dahil ito ang unibersal na mga kulay na babagay kahit saan. Gayonman, sumubok ako ng ibang kulay

tagalogtrail20.jpg

Pinagsama ko rin ang dalawang logo

tagalogtrail9.jpg

Upang maging mas makahulugan. Isang Filipino na nakasalakot, isang pluma at tinta at ang salitang tagalogtrail, magkakasama bilang kumakatawan sa mga Filipinong sulatin.

Sinubukan ko rin gumamit ng ibang kulay

tagalogtrail13.jpg

tagalogtrail14.jpg

tagalogtrail15.jpg

tagalogtrail19.jpg

Ka Toto pinagpaguran ko iyan. Hahaha. Maraming Salamat @tagalogtrail sa iyong adhikain at pagsusumikap. Bigyan ka pa nawa ng mahabang buhay. Maiksi lang kasi ang buhay ng tarsier.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!