Magandang araw sa lahat, sana'y nasa mabuti kayong kalagayan, nais kong pasalamatan ang @tagalogtrail para sa kompetisyon na isinagawa nila para sa lahat ng mga "Artist" na gustong makilahok at sumali. Lubos ko pong ikinatutuwa at ikinagagalak na ang isa sa mga rekisito sa pag gawa ng "post" na ito ay kailangan nasa lingwaheng tagalog. Kasi sa tuwing gumagawa ako ng aking mga "blog" ay minsan hindi maiwasan ang pagdurugo ng ilong ko. (haha) Kaya maraming salamat, nang maibsan naman ang ang aking paghihirap sa paggawa ng aking lathala. Ako lamang poy nagbibiro lamang, totoo talagang akoy nasisiyahan sa paggawa ng "post" na ito dahil matagaltagal na din akong hindi nakapagsulat sa wikang tagalog. Nawa'y marami pang ganitong pagkakataon na maari nating maipagmalaki sa buong mundo ang ating wikang kinagisnan at yaman.
Kailangang Gawin:
-Isang logo na magpapakita ng pangalan ng proyekto (Tagalog Trail)
-Mga kulay at simbolismo na naglalarawan sa pagka Pilipino
-Simbolo at mga katangian na iyong naiisip na pinakanaglalarawan sa TagalogTrail
Inspirasyon
Dahil ang pangsamantalang "avatar" din lamang ng @tagalogtrail ang isang "Tarsier" napagdesisyonan ko na lng na ito ang gawin kong paksa, kasi ang hayop din naman na ito ay isa sa mga pinagmamalaki ng ating bansa, at ito ay napaka espesyal dahil bihira lang ang ibang bansa na magkaroon ng ganitong nakakamanghang hayop. Kaya nababagay lang ang hayop na ito na mag representa sa bansang Pilipinas, ang pagsimbolo sa ating pagka pilipino.
At ang ginamit ko namang mga kulay ang sa composisyon ng mga kulay na matatagpuan sa ating watawat, ito ay Asul, Puli, Puti, at Dilaw. At ang isa pang maganda sa paggamit ng "tarsier na paksa ay, ang kulay nito ay kayumanggi na nagsisimbolo sa kulay nating mga pilipino. At base sa mga naobserbahan kong aktibidad ng @tagalogtrail ay isa sila sa mga taong malaki ang pagpapahala sa Sining, na nasa anyo ng; "Pagkanta", (kaya nilagay ko ang "Tarsier" na nakahawak sa isang (NOTA), alam naman nating kilala ang pilipino dahil sa mga ginintoang boses na dinaig at pinahanga ang buong mundo), "Pagtula" (LAPIS) (isa rin ito sa mga actividad ng @tagalogtrail ang pag kilala sa mga natatanging tula, na nagbibigay ng napakalalim na mensahi na punong puno ng emosyon at pagmamahal), "Pagguhit" (PAINTBRUSH) (isa din sa mga proyekto ng @tagalogtrail ang pagkilala sa pagpapahalaga sa mga "artist" na nandito sa Steemit. kaya lubos ang aking pasasalamat sa pagkakataon nilang ibinigay para sa katulad kong nabubuhay sa paglikha ng sining.
Maraming salamat sa pakikinig, baka kayo'y bagot na bagot na.
Kaya eto ang aking obra, sana'y magustuhan ito ng @tagalogtrail. Ang aking mga gawa ay nasa "High Resolution" makasisigurado kayong nasa maganda itong kuwalidad, kasi ito ay naka "vector".
Gumawa din ako ng ibang composisyon ng kulay, baka sakaling magustuhan ng @tagalotrail
Ito ang processo na aking ginawa (sakaling meron kayong pagdududa)
Sinimulan ko ito sa pag gawa ng konsepto at pagkatapos ay iginihut ko sa papel
Pagkatapos ay inilipat at inilagay ko ito sa "Adobe Illustartor", at sinimulan ko sa iguhit ang bakas
Ang ginamit kong "tool" ay ang "Pentool"
Pagkatapos kong maiguhit ang bakas ay sinimulan ko kaagad kulayan (gamit ang kulay na makikita sa bandila ng Pilipinas)
Pagkatapos ang nilapatan ko ng anino ang "logo" para magkaroon ito ng karagdagang epekto sa aking "logo"
PAgkatapos ang paglapat ng "highlights" itoy inilalagay para magdagdag ng karagdagang buhay sa obra.
Pagkatapos nag lagay ako ng (background)
At panghuli, nilagyan ko ng tekstong "tagalogtrail" para makompleto ang aking inaalay na logo, maaring napansin nyong inalis ko ang ngiti ng "Tarsier", kasi para sa akin, sapat na ang mga matang nangungusap ng tarsier.
At dyan nagtatapos ang aking lathala patungkol sa paggawa ng aking obra para sa patimpalak ng @tagalogtrail
Sana nagutuhan nyo, at ating pagyamanin at pangahalagahan ang wika at kultura nating mga Pilipino, maraming salamat.
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution 4.0 International License.
And you can check this awesome bloggers ✍
@mikaelasinsuat4
@dandalion
@qyugmo
@ishanvirtue
@ediah
@jgonzalez2134
@looserwin
@kennik
Please do support
@slothicorn
@sndbox
@surpassinggoogle
@steemgigs
@steemph
@stellabelle
@stateofthearts
@steemitachievers
@steemitfamilyph
@artzone
join ako pre...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
cge pre goodluck
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @jeeuuzz! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow ang gwapong tarsier naman nyan!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po. Pasok po ba entry ko?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yes po :) Pasok po ang entry nyo ginoo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat Sir. Mabuhay sng tagalogtrail! 😁
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You've received an upvote from @slothicorn! Click Here to Read our New Curation Policy And Updated Rules
(@ghulammujtaba)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you so much @slothicorn
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit