Naaalala ko noong ako ay nasa kolehiyo, laging binabanggit ng aking propesor na may sarli ng identidad ang mga Filipino bago pa man tayo sakupin ng mga Kastila. Ang Pilipinas ay isa ng napakahalagang lugar ng kalakalan at napakaistratehikal ng lokasyon at anyo nito noong sinaunang panahon.
Ang ating mga pinuno pa nga ay ipinagpapalagay na may kakayahang magsalita rin ng ibang wika upang magkaroon n kakayahan na makipag-ugnayan sa dayuhang mangangalakal. Samantala tayo ay may sarili ng pananalita at pagsulat. Ito nga ang Baybayin. Ngunit ng masakop tayo ng mga Kastila pinababa nila ang moralidad ng mga sinaunang PIlipino na naging sanhi upang ating kalimutan ang ating tunay na kulturan at pagkakailanlan. Tinawag tayong mga barabo at "savage" na lahi. Isa na nga sa binura ng mga mananakop ay ang ating Baybayin. Naniwala ang mga Kastila noon na kung papababain ang ating moralidad tungo sa paglimot ng ating pagkakakilanlan ay mas madali tayong masasakop at hindi manlalaban
Kung saan sila ay tumpak. Sinakop tayo ng Kastila ng 333 taon at kinailangan ng ganito kahabang panahon para magising ang ating isipan na tayo ay minamanipula ng mga Kastila.
Ang Baybayin ay sariling atin at maaari pa nga na may iba pang uri ng panulat sa bansa noon na hindi natin mababatid pa dahil binura ng mga mananakop ang ating identidad. Di gaya ng mga kapitbahay na bansa na hinayaan ng kanilang mananakop ang kanilang kultura, ang paraan nila ng pagsulat ay napanatili.
Mainam na ibalik ang Baybayin na siyang tunay na atin. Gayonman hindi ito agad-agad dahil sa napakalaking pagbabago ang kailangang gawin dahil nakasanayan na ito ng mga Filipino. Subalit maaaring simulan ang lahat sa paglalagay ng assignaturang Baybayin sa eskwelahan. Kung saan unti-unting pag-aaralan at ibabalik ang Baybayin hanggang sa ito ay tuluyan ng maging pang araw-araw na bahagi ng buhay ng mga Filipino.
pinagmulan
Ang paglipat mula sa Alpabetong Ingles tungo sa Baybayin ay mangangailangan ng mahabang panahon bago tuluyan itong kasanayan ng mga Pilipino. Gayonman, ang inisyatibong ito ay magiging malaking tanda ng ating kasarinlan at pagkakakilanlan. Panahon na upang mahalin ng Filipino ang sarili niya kasabay ng pagiging bukas pa rin ang isip sa mga maaring matutunan mula sa mga banyaga. Malaki pa ring adbantahe ang makapagsalita at makapgsulat sa Ingles. Isa itong karangalan dahil ang Ingles ay pandaigdigang linggwahe. Maraming binuksan itong trabaho halimbawa na lang sa mga BPO. Ang BPO ay ang pinakamalagong industriya sa panahon ngayon at hindi mangyayari kung hindi tayo marunong mag-Ingles. Ang mga Hapon, Koryano at mga Tsino nga ay nagpapakadalubahasa na rin sa Ingles.
Ang nais ko lamang ipunto ay pabor ako sa pagbabalik ng Baybayin ngunit kailangan itong unti-untiin hanggang tuluyang maging natural. Sa isang banda ay mainamn pa rin na tayo ay bukas ang isipan sa mga mapapakinabangan pa rin natin mula sa mga banyaga gaya ng wikang Ingles.
Ang Sanaysay na ito ay ang aking tugon sa patimpalak ng #TagalogSanaysay ng @tagalogtrail na magwawakas sa Ikapito ng Mayo ganap na alas dose ng tanghali. Sa mga nais pong makilahok, akin po kayong inaanyayahan. Narito po ang link ng patimpalak TagalogSanaysay: Unang Hamon ng TagalogTrail sa Pagsusulat ng Sanaysay
bilang ng salitang ginamit : 487
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit