Mas mabibigyang linaw ang mababasang kwento kung babasahin muna ang mga naunang bahagi:
Unang Bahagi ni @tpkidkai
Pangalawang Bahagi ni @twotripleow
Tahimik at payapa ang gabi. Tanging mga kuliglig lang ang maririning sa paligid. Salungat sa ingay at gulo ng isipan ni Ineng. Nais pa sana niyang pagmasdan ang buwan at mga bituin sa langit ngunit nararamdaman na niya ang lamig na nanunuot sa kaniyang balat.
Madilim ang paligid. Kasingdilim ng mundong ginagalawan niya ngayon. Tanging ang liwanag lamang mula sa langit ang nagsisilbing ilaw niya kasama ang kislap ng mga alitaptap na malayang lumilipad sa hangin. Sana isa na lamang akong alitaptap, malaya at tahimik. Wari niya sa sarili.
Pinahid na lamang niya ang mga luhang walang tigil sa pag-agos habang inaayos ang karton na magsisilbing higaan niya ngayong gabi. Pagod, ngunit hindi niya alam kung matutulog siya o mananatiling gising. Takot siya sa bangungot na gabi-gabing umuusig sa kaniya. Ngunit mas takot siyang harapin ang bangungot sa kaniyang buhay na simula’t sapul pa lang ay nais na niyang takasan.
"Bumangon ka ngang bata ka at magsaing ng umagahan! Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko! Napakabatugan mo, wala ka talagang silbi!" Umalingawngaw ang boses ni Aling Cila sa buong kabahayan, pati ang mga kapitbahay ay nagulantang sa lakas ng kaniyang boses.
"Ano ba'ng paki mo matandang losyang? Kung gusto mong kumain, magsaing ka! Huwag kang nang-iistorbo sa taong tulog. Napagod ako kagabi!" Pasigaw na sagot ni Imeng.
"Aba’y ang tapang-tapang mo na ngayon! Anong pinagmamalaki mo? Sampid ka lang dito!" Galit na litanya ni Aling Cila.
Nanlilisik ang mga mata ni Imeng sa galit nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang madrasta. Bumangon siya at umupo sa kaniyang higaang gawa sa kawayan. Hinawakan niya ang lamparang nasa ibabaw ng lamesang katabi ng kaniyang kama. Isa pang salita, at di ako magdadalawang isip na saktan ka! Sambit niya sa sarili.
"Ano? Uupo ka nalang diyan? Tumayo ka na at magsaing, nang makakain na kami!!!" Dagdag ni Cila.
"Sinabi nang huwag mo akong istorbohin! Di ka ba makaintindi o sadyang bobo ka lang?" Sabay hagis ng lampara sa mukha ni Aling Cila.
Umagos ang dugo mula sa ulo ni Aling Cila na natamaan ng lampara. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam ngunit tila ba ibang tao ang nakikita niya sa kaniyang harapan. Bigla siyang nakadama ng takot at imbes na magalit ay lumabas na lamang siya ng kwarto.
Nakita ni Franko (totoo niyang pangalan) ang kabiyak na umiiyak at duguan ang ulo. Agad niyang tinanong kung ano ang nangyari at nang malaman niya, agad siyang nagtungo sa kwarto ng anak.
"Ano bang nakain mong bata ka at ginawa mo iyon? Napakasalbahe mo na ngayon! Wala kang galang!" Sigaw ni Franko sa anak.
"Sinong salbahe? Ako? Naririnig mo ba ang sarili mo, itay?" Ngumiti lamang ang dalaga na parang hindi apektado sa kaniyang ginawa at umalis ng bahay matapos mag-ayos ng sarili.
Bit-bit ang mga duguang damit na binalot sa isang kumot, nagtungo si Ineng sa batis. Hindi pa sumisikat ang araw kaya hindi pa ganoon karami ang mga tao sa paligid. Gayunpaman, maingat parin siya sa kaniyang paglalakad at nakikiramdam lang. Walang dapat makasunod sa kaniya.
Agad niyang binuksan ang nakabugkos na kumot at tumambad sa kaniya ang mga damit na puno ng dugo ng kambing na walang awang kinatay. Agad niyang nilublob sa tubig ang mga damit at sinimulang kusotin. Hirap na hirap siyang tanggalin ang mantsa ng dugo kaya napilitan na lamang siyang ibaon ang mga ito sa lupa, di malayo sa kinaroroonan niya.
Matapos niyang linisin ang sarili, bumalik na siya sa kanilang bahay. Galit na galit na nag-aabang sa kaniya ang kaniyang ama at madrasta. Pagkapasok niya sa pintuan ay agad siyang hinablot ng kaniyang ama.
"Anong ginawa mo sa kambing natin? Napaka demonyo mo! Mas masahol ka pa sa hayop!"
Iyak lamang ang naisagot ni Ineng sa bintang ng ama.
"Anong iniiyak iyak mo diyan? Wala akong anak na kampon ng demonyo! Ito ang nababagay sayo!"
Isang suntok sa sikmura at isang malakas na tadyak ang tinanggap ng dalaga. Sumali na rin ang kaniyang madrasta. Hinablot nito ang kaniyang buhok at kinaladkad siya papuntang banyo. Paulit-ulit siyag nilublob sa balde na puno ng tubig mula sa balon! Kinakapos na siya ng hininga, ngunit hindi parin tumitigil ang madrasta sa kaniyang ginagawa.
"O ano? Ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon iiyak-iyak ka! Ako ang reyna dito, at ikaw, sampid ka lang! Kaya wala kang karapatang lapastanganin ako!" Sumbat ng madrasta.
Hindi pa nakontento si Aling Cila, kinaladkad pa niya si Ineng papunta sa kanilang palikuran. Wala pang toilet bowl sa panahon ng mga Kastila, maliban na lang kung ikaw ay nabibilang sa mga maharlikang pamilya. May isang bahagi lamang ng kanilang bakuran ang hinuhukayan at nilalagyan ng bakurang yari sa pinagtagpi-tagping dahon ng niyog. Sa loob ng hukay naman nagbabawas ng dumi ang mag-anak. Itinulak ni Cila ang kawawang dalaga sa hukay at nagtampisaw ito sa malapot na tsokolate.
"Diyan ka nababagay dahil mabaho ang pagkatao mo! Kampon ka ni Satanas!" Sabay halakhak sa imahe ni Ineng na naliligo sa dumi. Bakas sa kaniyang mukha ang pagiging kontento sa ganti niya sa dalaga. Iniwan niya ang dalaga sa mabahong lugar nang mag-isa.
Tila nasa gitna ng kumonoy ang pakiramdam ni Ineng. Halos hindi siya makagalaw dahil sa malapot na dumi na umaalingasaw pa sa baho. Animo'y nasa tambakan siya ng tone-toneladang basurang nabubulok na. Diring diri siya sa sarili. Ngunit wala siyang magawa kundi umiyak nalang sa kinasadlakang sitwasyon. Naguguluhan ma'y pinilit niyang maging kalmado. Kaya buong lakas siyang tumayo mula sa pagkakahulog sa butas at pinilit umahon mula rito.
Galit na galit si Imeng sa nangyari. Hindi niya matanggap ang ginawa ng madrasta. Sa pagkabalisa ay naglakad lakad siya sa gitna ng malamig na gabi. Alam niyang delikadong maglakad nang mag-isa sa mga oras na iyon, dahil pakalat-kalat ang mga gwardya sibil, at naghihintay lamang nang mabibiktima. Pero kailangan niyang lumabas mula sa kaniyang madilim na lungga, kung hindi ay mababaliw siya lalo sa galit at lungkot na nadarama.
Dala ang labahang ninakaw niya sa isang gwardya sibil noong ito'y nakatulog habang nagbabantay sa labas ng simbahan, nagsimula na siyang maghanap ng mapagbubuntunan ng galit! Sa kaniyang paglalakad ay may nakita siyang isang lasing na gwardya sibil. Mag-isa lang itong naglalakad, at tila wala na sa kaniyang sarili dahil sa kalasingan. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kaniya sampung taon na ang nakalilipas.
Kamamatay lang ng kanilang ina noon dahil sa sakit na malaria. Gustuhin man niyang ipagamot ang kanilang ina, ngunit kapos sila. Swerte na lang kung makakakain sila ng kanin sa isang araw at may asin bilang ulam. Kamote lang ang pumapawi sa kanilang gutom. Sa sobrang hirap ng buhay, naisipan ng kaniyang ama na ibenta siya sa isang prayle. Akala niya ay magiging maayos ang kaniyang buhay dahil nga nasa simbahan siya, ngunit kabaliktaran pala ito ng kaniyang inaakala. Ginawa siyang alipin ng mga prayle, at gabi-gabi siyang pinagpapasa-pasahan ng mga prayleng uhaw na uhaw sa pangmundong kasiyahan.
Nagdilim ang kaniyang paningin at inakala niyang isang prayle ang nasa harap. Walang takot niyang nilapitan ang lasing at pinukpok ng bato sa ulo. Umagos ang kaunting dugo mula sa ulo ng sundalong Kastila.
Tila may sobrang lakas na pwersang sumanib sa kaniya at nahila niya ang katawan ng lalake papunta sa kaniyang munting tahanan.
Sinindihan niya ang mga panggatong na nakasalansan upang lumiwanag sa loob ng kaniyang tahanang gawa sa bato. Itinali niya ang Kastila sa isang bato na saktong pumormang haligi. Hinintay niyang magkamalay ang lalake.
"¿Dónde estoy? (Nasaan ako?)" Pagtataka ng lalake.
"Wag mo akong gamitan ng Espanyol! Nasa impyerno ka na! Gago!"
Buong lakas na sinampal ni Imeng ng sampung beses ang inaakalang prayle! Uminit lalo ang kaniyang ulo nang magsalitang muli ang Kastila sa lengguaheng hindi niya maintindihan. Lalo niyang naaalala ang pangga-gago sa kaniya ng mga walang hiyang prayle.
Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng sundalo.
"Sisirain ko ang pagmumukha mo, katulad nang pagsira ninyo sa buhay ko!"
Gamit ang isang maliit na kutsilyo na ninakaw niya mula sa kusina ng bahay ng kaniyang ama, gumuhit ang dalaga ng simbolo ng krus sa noo ng kawawang lalake.
"Isang krus, dahil ngayong gabi mamamatay ka na!" Bulong ni Imeng sa takot na takot na lalake.
Sumisigaw sa sakit ang lalake pero hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakagapos sa kaniya.
Sunod naman niyang ginuhit ay dalawang ekis sa magkabilang pisngi ng pari. Nagsisimula nang tumulo ang dugo mula sa kaniyang magandang mukha na ngayon ay wasak na wasak na.
Gamit parin ang kaniyang kutsilyo, pinunit niya ang suot na uniporme ng gwardya sibil at tumambad sa kaniya ang kakisigan nito.
"Makisig ka nga pero demonyo ka! Winalang hiya mo ako, hayop ka!"
Umusbong pa lalo ang galit niya sa lalake dahil sa hubad nitong katawan. Kinuha naman niya ngayon ang kaniyang labaha at dahan-dahan niyang hiniwa ang utong ng lalake. Una ang kaliwa, sumunod naman ang nasa kanan.
"¡Ya basta! ¡Por favor! (Tumigil ka na! Pakiusap!)" Hinaing ng sundalo sa dalaga!
"Para yan sa paulit-ulit na paghimas at pagdila ninyo sa aking dibdib kahit diring-diri ako sa inyo!"
Sumigaw nang sobrang lakas ang sundalo upang humingi ng saklolo. Pero tila walang nakaririnig sa kaniya.
"Walang makaririnig sa iyo dito. Kaya tigilan mo na ang pagsisigaw gago!"
Sa galit ng dalaga, inumpisahan niyang tanggalin ang labi ng lalake! Hinang-hina na ang lalake dahil sa mga sugat na natamo. Hindi na siya nakasigaw pa. Inumpisahan ni Imeng na laslasin ang itaas na bahagi ng labi at nang makita na niya ang puting balat sa ilalim ng labi ay nakontento na ito. Sinunod naman niya ang sa ilalim!
"Para naman 'yan sa hindi mabilang na halik na ninakaw niyo sa akin! Alam niyo bang hindi lang puri ko ang ninakaw ninyo, pati na rin ang kaluluwa ko! Diring diri ako sa sarili ko dahil sa ka demonyohan ninyo!"
Sunod naman niyang kinuha ang itak ng kaniyang ama!
"Pagmasdan mong mabuti ang itak na ito! Ito ang puputol sa iyong kaligayahan! Mas gugustuhin mo na lang mamatay pag nangyari iyon!"
"¡Ya basta! ¡Ya basta!" Hinang-hinang sambit ng lalake sa dalaga!
Hinawakan niyang mabuti ang ari ng lalake at hinimas-himas ito. Sabay pisil sa itlog ng lalake na halos pumutok na sa sobrang higpit nang pagkakahawak.
"Diba ito ang gusto mo? Ano papadilaan mo ulit sa akin? Gago ka! Hinding-hindi na mangyayari iyon! Nakatakas na ako matapos kong patayin si Padre Damaso at Padre Damian! Ang dapat dito putulin!"
Gamit ang itak ng ama, dahan-dahan niyang pinutol ang ari ng sundalo. Inumpisahan niya sa dalawang itlog, at ang huli ay ang sandatang pinaka-iingatan ng lalake. Wala ng boses na lumalabas mula sa bibig ng lalakeng punong puno na ng dugo. Halos mawalan na rin siya ng malay matapos putulin ang kaniyang ari!
"Huwag ka munang mamatay kampon ni Satanas! Pagmasdan mo muna ang mukha ko! Nakikita mo ba ang ari mo? Ito na, hawak hawak ko na! Hindi ba't ito naman ang gusto ninyo? Iyong hahawakan ko ang mga ari niyo?"
Wala nang nasagot ang lalake at humagulhol na lang sa iyak!
"Ito, isubo mo ang titi mo! Masarap ba? Masarap ba ang titi mo? Sagot! Gago! Mga demonyo kayo! Para iyan sa pagnakaw ng aking kabataan! Para iyan sa paglapastangan sa pagkababae ko! Para iyan sa paulit-ulit na pag-abuso sa pagkatao ko! Para iyan sa paulit-ulit na panggagahasa niyo sa akin sa loob ng limang taon!"
Hindi parin tumitigil ang dalaga sa pagpapasubo ng ari ng lalake sa mismog bibig niya! Hindi siya tumigil hanggang naduduwal na ito at tuluyan nang sumuka!
"Ayan, pati sa sarili mong ari nasusuka ka! Ano nalang ang naramdaman ko nung pinapasubo niyo sa akin iyang mga titi niyo! Nakakasuka kayo! Napaka-baboy niyo! Mga demonyo!!!"
Tumutulo na ang luha ng dalaga sa pagkakataong ito dahil naalala niya lahat ng paglapastangan sa kaniya, pero hindi rin niya mapigilang sumaya dahil nakaganti siya sa inaakalang prayle na umabuso sa kaniya.
Nakayuko na lang ang lalake, at tila ba wala nang malay!
"Gumising ka! Tingnan mo ako! Tingnan mong maigi ang batang nilapastangan niyo noon! Sabi nang tingnan mo ako eh! Ito na ang huling beses na masisilayan mo ako at ang mundong ito!"
Gamit lamang ang kaniyang mga daliri, tinusok niya ang mga mata ng sundalo at pilit niyang dinukot ang mga eyeballs nito hanggang matanggal mula sa kaniyang mga mata. Duguan. Walang malay. Tuluyan na ngang natapos ang kaligayahan ng sundalo sa mundong ibabaw!
"Imeng, nandito na ako!" sambit ng dalaga sa kakambal.
Pagkapasok niya sa kwebang nagsisilbing tahanan ng kapatid, nabitawan niya ang mga kamoteng kaniyang bitbit upang magsilbing kanilang hapunan!
Itutuloy...
Unang larawan mula kay @toto-ph
Pangalawang larawan mula rito
Nahirapan akong dugtungan ang pangalawang bahagi ng kwento dahil na rin sa mga komento ng ating mga butihing hurado, kaya mejo natagalan nang bahagya. Isa itong buzzer beater submission kaya nawa'y magustuhan niyo parin kahit sa mga huling segundo na naisumite. Lol!
Ipinapasa ko na kay sis @czera ang korona upang ayusin pa at lalo pang bigyan ng linaw ang misteryo sa pagkatao ng magkapatid.
Ang mga Kalahok sa Horror Serye ngayong Linggo:
Team Paranormal
@oscargabat
@jazzhero
@jemzem
@beyonddisability
Una, ang galing mo na talaga sa pagkuwento gamit ang wikang Tagalog. Natural na ang husay mo sa pagkukuwento pero tuwing nababasa ko ang iyong mga Tagalog na likha, napapaisip ako kung nasaan na yung Maine na nagtatanong ng translations dati haha.
Ang intense ng emosyon ng mga eksena at mula umpisa hanggang dulo, dama na ang kabaliwang namumuo sa kuwento. Masasabi kong epektibo ang huling eksena lalo. Ang sakit XD Buti walang larawan.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Isang baldeng dugo ang tumulo mula sa aking ilong sa pagsusulat nito Jazz. 😅
Pero na miss ko ang TagalogSerye! Sana ay nabigyan ko ng linaw ang mga tanong na bumagabag sa isipan ng mga hurado. Lol
Maraming salamat sa palagiang suporta. Sinadya kong walang larawan masyado, tama na siguro ang imahinasyon na mag picture out sa mga pangyayari. 😅
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Nadagdagan na naman ako ng mas marami pang katanungan. Pero baka sabik lamang ako sa kahihinatnan ng kwento kaya nagkakaroon ako ng mga palaisipan. Maaaring kambal nga ang dalawa pero gusto kong hanapan ng backstory si Ineng at kung bakit tila hindi alam ni Cila na kambal pala. Ambilis magkaroon ng change of heart ni Franko na ang kaulayaw lamang niya at pinagparausan, ngayon ay gigil niyang sinaktan at hinayaan ding saktan ng madrasta dahil lamang sa kambing. Sa pakiwari ko sa mga ganitong emosyon, mas dapat maging malambing si Franko sa dalaga upang makaulit muli at mapagbigyan ang tawag ng laman. May kaakibat talagang pagtataka at patung-patong na tanong kapag ang karakter ay kambal. Dahil nag-aalala rin kami na hindi naipunto ng naunang dalawang manunulat kung sino ba ang sino. Pero sa kabuuan ng sulatin, nasatisfy ako sa torture at paghihiganti na gustong ipadama ng manunulat.
Pinkish : Ahem! Nagustuhan ko ang paggamit ng wikang Español at ang pagsasalin. Nagustuhan ko ang angst na gustong ipakita ni Imeng. Nagustuhan ko ang pagiging foul-mouthed vengeful victim na karakter at ang baho ng bibig nito na namumutawi ang kagaspangan ng ugali at poot sa mga lumapastangan sa kanya. Natuon talaga ang atensyon ko sa torture scene. Ito ang pinakatumatak sa akin. Plus dialogue ni Imeng na punum-puno ng paghihiganti.
Dark : Akala ko typo error lang ung Imeng, kambal pala sila. Mas naunawaan ko na ngayon ang kwento. Kung ang kabrutalan ang nais ipadama ng may-akda sa kanyang sulatin, masasabi ko talaga na tagumpay niyang nakuha ang loob ko sa parteng iyon. Ang paglilitanya ni Imeng, ang pagganti niya at ang matalinong pagpaparusa at pagbabalik niya sa ginawa sa kanya. Pero lalo akong naguluhan sa karakter ni Ineng. Siya ba talaga ung pumapatay ng palaka, kambing at naglaro sa ulong pugot, o si Imeng? Medyo kailangang bigyang linaw ng huling manunulat para mas maintindihan namin at masundan nang maayos ang daloy ng kwento. Pero sigurado ako, si Ineng ang ginahasa ng ama, hindi si Imeng. Dahil may dugo pa na ebidensya ng unang karanasan nito. Samantalang si Imeng ay pinagpasa-pasahan na ng mga Kastila.
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikatlong kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @chinitacharmer makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat po sa pagpuna sa aking mga strengths and weaknesses. Inaamin ko pong marami talagang loopholes (sa ngayon). Pero naniniwala akong mabibigyang kasagutan lahat ng aking ka teammate na si @czera ang mga katanungan sa inyong isip, base na rin sa inyong mga komento. :) Salamat po sa panahon at effort. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha! Nag enjoy aqng isulat ang torture scene, BD! 😂😅 Team brutal eh. Thank u sa palagiang support. ☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
switch naman kaya next week o kaya horror comedy naman haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahaha. Pwede. Pero si @johnpd ang may last say jan. ☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @chinitacharmer! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the total payout received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit