May sampung minuto nang nakatulala sa kawalan si Vita.
Bagong gising siya. Hindi. Sa katunayan hindi pa siya natutulog.
Magdamag at paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang malagim na nangyari kamakailan lang....
Si Vita ay isang maybahay na mayroong payak na pamumuhay sa isang baryo. Kasama ang kanyang asawang si Oca at anak na sina Rap-rap at ang kambal na sina Pol at Ineng.
Si Oca ay nagtatrabaho sa isang lokal morge sa kanilang baryo bilang isang embalsamador. Samantalang si Vita naman ay ang taga pag-alaga ng kanilang mga anak. Si Raprap ay isang iskolar sa bayan kaya't madalas din siyang wala sa kanilang bahay habang ang kambal na sina Pol at Ineng naman ay kasalukuyang nag-aaral sa pampublikong paaralan sa kanilang baryo.
"Pol gising! Bumangon ka na! Mahuhuli na tayo sa paaralan! Wika ni Ineng habang niyuyugyog ang kanyang kakambal.
"Heto na! Babangon na!. Masyado ka namang excited. Porke huling araw ngayon ng eskwela." sagot ni Pol habang pupungas-pungas pa.
"Siyempre. Kasi pagkatapos nito bakasyon na at matutuloy na ang pagtuturo sa akin ni tatay na lumangoy. Naalala mo ba ang pangako nya sa akin?" Usisa ni Ineng.
Napangiti na lamang habang umiiling ang kakambal.
Sabay na umalis ng bahay ang magkapatid. Kagaya ng kanilang kinaugalian, nagpapaalam sila sa kanilang ina na madalas ay nasa likod bahay at abalang naglalaba kundi man ay naghuhugas ng mga pinagkainan.
"Nay, aalis na po kami." Pagpapaalam ni Pol.
"O sya mga anak, mag-iingat kayo sa daan. Gagalingan ninyo palagi sa paaralan." ika ni Vita sabay halik sa magkapatid. Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang magkapatid...
"Pol anak, ikaw na ang bahala kay Ineng, alam mo naman na sa kalagayan nya ay dapat na mag gumagabay sa kanya. Walang ibang makakatulong sa kanya kundi ikaw. Kapag dumating ang panahon na wala na kami ng inyong tatay kayo na lang ang aasahan ng isa't isa. Tandaan mo, hindi madali ang buhay, kaya dapat ay palagi kayong handa". Pagpapa-alala ni Vita sa kanyang anak.
Masayang nagtungo sa paaralan ang magkapatid.
Pag uwi ng bahay ay hindi maikubli ni Ineng ang kanyang kasabikan dahil sa wakas ay matutupad na ang pinakahihintay nyang pangako ng kanyang ama --- ang sila ay makapag bonding at turuan syang lumangoy.
Halos hindi na rin kasi umuuwi ang kanilang ama. Araw araw kasi ay may inililibing na bangkay at kailangan nyang gampanan ang kanyang trabaho bilang taga embalsamo. At dahil nagiisa lang ang morge sa kanilang lugar, ultimo mga taga ibang bayan ay dumadayo pa sa kanilang morge.
"Tay mano po!" pagbungad ni Ineng.
"Tay, tapos na po ang klase, bakasyon na po. Tay, naaalala nyo po ba ang pangako ninyo sa akin?" sabik na pagtatanpng ni Ineng.
"oo naman anak" sagot ni Oca. "Tamang tama at wala akong tarabaho bukas."
Masayang natulog ang buong pamilya, habang si Ineng naman ay galak na galak.
Kinabukasan ay maagang nagpunta sa dalampasigan ang magkapatid. Nagtatakbuhan at naghahabulan sila sa buhanginan habang hinihintay ang kanilang ama. Ilang minuto pa ang lumipas, natatanaw na nina Ineng at Pol ang kanilang ama.
"Tay tara na po!" Ika ni Ineng
"Anak, ipagpaumanhin mo ngunit hindi kita matuturuang lumangoy ngayon, bigla akong ipinatawag sa trabaho. Kailangan na kailangan ako ngayon doon." Malungkot na pagbabalita ni Oca kay Ineng.
"Ang daya mo naman tay, Mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa amin? Palagi ka nalang walang oras." pagtatampo ni Ineng. Hindi na nakasagot si Oca sa kanyang anak na mabilis na tumakbo papalayo na sinundan naman ng kanyang kakambal.
Hindi maipinta ang mukha ni Ineng sa sobrang lungkot at pagtatampo, sinubukan syang aluin ng kanyang kakambal ngunit wala itong epekto.
Samantala, habang balik sa kanilang bahay si Oca upang maghanda sa pagpasok sa trabaho ay sinalubong sya ng kanyang asawang si Vita.
"Mahal, nakita ko ang reaksyon ng mukha ng anak natin." Ika ni Vita
"Nangako noon na gagawin mo ang lahat upang hindi maramadaman ni Ineng na kakaiba sya. Nangako ka na bibigyan mo sya ng oras at panahon, ngunit bakit parang hindi mo tinutupad ang pangako mo?"
Dalawang taon ang nakalipas...
Masayang naglalaro ang magkapatid na Pol at Ineng sa labas ng kanilang bahay, habang abala si Oca na may kausap na kliyente sa telepono. Sya kasi ang nagmamay-ari ng pinakamalaking morge sa kanilang lugar, at siya rin ang nagpapalakad nito. Wala na syang oras sa pamilya dahil sobrang abala sya sa pagaasikaso ng mga kliyente. Ngunit kahit na ganoon ng sitwasyon at masaya pa rin naman ang kanyang pamilya dahil nakaluluwag sila sa buhay.
Papatawid na ng kalsada ang magkapatid dahil tinawag na sila ng kanilang ama ng biglang may humaharurot na sasakayan ang bumundol sa kanila. Habang galos lamang ang tinamo ni Pol, si ineng naman ay malubhang nasugatan. Sa Ospital ay na coma si Ineng. Hindi lamang iyon, dahil maaari rin siyang mabulag kapag hindi siya naoperahan dahil unang tumama ang ulo nya (bandang mata) sa isang bato dahilan ng kanyang maaring pagkabulag. Kakailanganin ng malaking halaga upang maoperahn si Ineng dahil walang dalubhasa sa kanilang lugar ay kailangan siyang dalhin sa maynila..
Ginawa ni Oca at Vita ang lahat upang mapaoperahan si Ineng. Nangutang sila. Ibinenta ang lahat ng maaring ibenta. Ngunit matagal pinagisipan ni Oca kung ibebenta ba nya ang kanilang negosyo.
"Oca, naiintindihan kong mahirap pakawalan ang negosyo natin dahil nagiisa itong pinagkukunan ng ating kabuhayan. Pero kailangan nating magdesiyon, ang negosyo o ang anak natin?" Wika ni Vita
Ng dahil dito ay nasadlak sa kahirapan ang pamilya, ngunit hindi na nila ito ininda dahil ang importante ay mapaoperahan si Ineng.
Matapos ang operasyon ay naging mabuti naman ang kalagayan ni Ineng, ngunit ilang buwan lamang ang nakalipas ay unti-unti na muling lumabo ang kanyang paningin hanggang sa mabulag. Nais man na ipatingin muli ng mag-asawa sa espesyalista si Ineng ay wala na silang sapat na pera para dito. Naging malungkutin si Ineng at pakiramdam nito ay kakaiba sya.
Naipangako naman si Oca sa kanyang anak na tuturuan nya itong lumangoy dahil pangarap nya ito bago pa mangyari ang aksidente, ngunit sa tinagal ng panahon ay hindi ito matupad dahil abala sa pagkayod ang kaniyang ama.
Sa Kasalukuyan..
Pilit na inaalo ni Pol si Ineng, naisip nya na tanging ang pagtuturo lamang ng paglangoy ang makapagpapaligaya sa kapatid..
"Tara Ineng, ako nalang ang magtuturo sayo na lumangoy." pagaaya ni Pol.
"Ha? Marunong ka bang lumangoy, Pol?" pagtataka ni Ineng.
"Oo naman, natuto nalang ako mag-isa." pagsisinungaling ni Pol.
Hindi naman talaga siya marunong lumangoy, naisip nya lang ito para maging masaya ang kapatid. Ang balak lang sana nya ay sa mababaw na parte dalhin si Ineng ngunit malakas ang alon, hinigop sila nito sa gitna ng dagat. At dahil pareho silang hindi marunong lumangoy ay lulubog-lilitaw sila sa dagat.
Napansin agad ito ng mag-asawa at agad na sinagip ang magkapatid.
Ngunit ang problema ay hindi natatapos. Iisa lang ang maaring iligtas ng mag-asawa dahil kapag sumobra sa isa ay lulubog na ang bangka..
Napakalakas ng alon, unti unti ng nilalamon ng dagat ang bangka, kailangan na nilang magdesisyon.
Itutuloy... ni boss @iyanpol12
at dahil mapagmahal sya, sino kaya ang ililigtas ng mag-asawa sa kanyang kwento?
O maililigtas kaya sila pareho?
Nasaan si raprap? bakit inintro lang sya pero wala sya sa istorya?
Hindi ko alam, bahala ka na dyan boss.
Pasensya na at walang litrato, rush. :)
Bilang ng mga Salita
1220
Prompts
Tema : Inspirational Drama
Mga Elemento na kailangang makita sa kwento
Dilemma ng mag-asawa
Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)
May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay
Tragic ending
Mga Kasali
Para sa unang grupo
Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]
Para sa ikalawang grupo
Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat
Naku,ang hirap naman nito. Sakit sa dibdib. Haha!
Napaghahalataan mga pangalan ha, maliban kay ineng.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kayang kaya mo yan boss @iyanpol12. Ikaw pa ba? Easy lang sayo yan alam ko.
Hulaan nyo nalang kung sino si ineng. Hahaha
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang galing! Pangalan pa lang ng mag asawa, nagustuhan ko na! Saan mo kaya naisip ang karakter na oca at vita?😂 nice! Magandang panimula @czera! Ka abang abang ang kasunod nito!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi kasi sila magtagpo-tagpo pag linggo kaya pinagtagpo ko nalang sa kwento ko. Hahaha
Salamat @oscargabat siguradong mas maganda ang karugtong nito.
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha mas lalu akong ginanahan dito.😂💪🏽
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Magandang panimula, Czera at talagang naguumapaw na sa simbolismo ng lungkot at trahedya ang kwento: ang trabaho ni Oca, mga naudlot na pangako. Pero grabe yun ending, unang bahagi pa lang pero parang climax na.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat kuya @jazzhero. Sa katunayan ay pinutol ko na iyan. Ako po kasi ay nagmamadali kaya dire-diretso ang pasulat ko. Siguradong mas kaabang abang ang karugtong nito. :)
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang galing ni Raprap
ay wala pa pala sya sa eksena
bata ako dito ah
gusto ko yan hahaha ( inassume na ako nga si Raprap)
nice one @czera
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
May pasabog siguro yan si raprap sa susunod na episode. Haha thanks @beyonddisability
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
antayin natin
exciting hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mahilig ka pala magsulat ng kwento kabayan @czera
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Dito nalang ako natuto sa TSerye. Hehe nakasali ka na ba rito dati?
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi pa, most of the time kasi tungkol sa technology ang sinusulat ko.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang simula ng kwento ang isa sa mga pinaka importanteng bahagi ng isang serye. Dito malalaman mo kung dapat bang abangan o hindi ang isang akda.
Napakahusay ng panimula!
Sakto yung timpla nya na mapapaisip ang mambabasa kung sino ba ang ililigtas ng dalawa. Though may mga clue na iniwan na hindi sya ganun ka pansin.
👏👏👏👏👏
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thanks kuya @tpkidkai. May naiisip ako. Aabangan ko na lamang kung ganun din ang naiisip ni master-boss-kuya @iyanpol12 hehe. :)
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nice one @czera! uso talaga ang mga pambitin ngayon. haaay!
(ayoko ng mga bitin moments 😢)
pero ang ganda ng pagkakaputol at ang paglalarawan sa pamilya nina Oca.
isang napakagandang panimula! 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ayoko din nang nabibitin. Yung nandun ka na tapos bilang mapuputol. Kairita. Hahaha kaya nakakaexcite yung kasunod na storya e. Hehe
Thanks kuya @johnpd :)
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Simula pa lang ng kwento dama ko na ang bigat. Pero nasaan nga kaya si Raprap? Baka naman siya pa pala ang makapagliligtas sa kambal. Kapanapanabik ang pagkakaputol. Mahusay!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Di ko alam dyan kay raprap kung saan nagpupunta. Kasagsagan ng storya nagliliwaliw ata. Hahaha
Thanks ate @romeskie
Posted using Partiko iOS
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mukhang nararamdaman ko na sino ang ililigtas ng mag-asawa. Pero baka hindi rin dahil si pol ang ililigtas ng magdudugtong dahil kailangan niyang iligtas ang sarili niya. Hehehhee. Pero sana rin silang dalawa na lang ang mailigtas. 😢
Good start, sis @czera! Tiyak na babaha ng luha sa mga sususnod na bahagi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Unang bahagi pa lang pero siksik na sa detalye at emosyon ang kwento. Isa nga itong napakahirap na dilemma para sa mag asawa. Nakakatuwa, kasi kahit bago ka pa lang sa TS ay pro na pro na rin ang datingan mo sis. ☺
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit