Bilang pagtanggap muli sa hamon ng dugsungan na pinamunuan ni @tagalogtrail ay narito muli ako mga kabayan upang simulan ang natatanging kwento ng aking grupo. sana ay magustuhan nyo ito at subaybayan hanggang sa huling yugto na nitong kwento.
BALITA: MAINIT PA AT NAGBABAGA! ISA NANAMAN PAGPATAY ANG NAGANAP DITO SA SITIO KADILIMAN SA BRGY. CAPRI QUEZON CITY. HINIHINALANG ANG DAHILAN NG PAGPASLANG SA NATURANG LALAKI AY DAHIL SA DROGA........
“ano ang nakuhang detalye sa biktima? Pagtatanong ni Leo sa isang pulis.
“ walang pagkakakilanlan ang biktima sir.” Sagot ng isang pulis.
“ isang mahirap na kaso nanaman to. Eto pa kuhaan mo” utos ni detective Leo sa isang pulis na taga kuha ng litrato sa naturang crime scene.
Abala noon ang mga pulis sa pagsisiyasat patungkol sa naganap na pagpatay sa hindi malamang salarin at si Leo naman ay napapaisip sa naganap na insidenteng ito na halos kaparehas na kaparehas sa nakaraan.
Sya si Leo De Guzman, isang sikat at makisig na detective. May katangkaran at kaputian samahan pa ng katalinuhan na syang nagiging dahilan upang hangaan sya ng iba pero makikita mo lamang sya at makakausap sa tuwing may mga namamatay sa hindi alam na kadahilanan. Walang karelasyon sa buhay si Leo kaya minsan nasasabihan syang paminta. Sya ay nagmula sa malayong baryo ng DIMASISI sa liblib na bayan ng Masbate. Isang simpleng baryo na simple lang din ang pamumuhay. Malayo sa kabihasnan kumbaga, hirap sa kuryente ngunit hindi naman sila nagugutuman. Lumaki syang tahimik at hindi nakikihalubilo sa iba maliban na lang kung sya ay kakausapin ng kanyang mga magulang. Mahilig lamang syang magkulong sa kwarto at magbasa ng mga libro na patungkol sa misteryo at aksyon na talagang kinagigiliwan nya. Minsan naman ay sumasali sya sa mga patimpalak sa kanilang eskwelahan lalo na kung ito ay patungkol sa matematika at siyensya. Nakahiligan na lang din nyang sagutin ang mga malalalim na tanong na parang sya lamang ang kayang sumagot. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya sa tuwing nakakapag-uwi sya ng medalyang napanalunan sa bawat patimpalak na nasasalihan nya.
“ balang araw makakaganti rin ako sa inyo!” nasambit niya ito sa isip habang lumalaki ang galit sa loob ni Isabel.
Lumaki ang kambal na magkaiba ang pananaw. Nasa kolehiyo ang kambal noon ngunit tampulan parin ng pangungutya si Isabel. Si Leo naman ay tahimik paring nag-aaral at tila isang wirdo sa paningin ng iba ngunit sa kabila ng pagging tahimik nito ay ang patuloy na paghakot niya ng parangal.
“ grabe na talaga ang panahon ngayon mga anak kaya kayo mag-iingat kayo” pagbibilin ng ina nila leo na kakauwi lamang.
Si Leo naman ay tahimik lang na tumango at binalik ang atensyon sa binabasang libro na ANGELS AND DEMONS ni DAN BROWN.
“ bakit ma? Anu ba ang nangyare?” pausisang tanong ni isabel.
“ ayun may natagpuan nanamang patay dyan sa ilalim ng tulay si Kardo daw yung walang magawa na tambay kundi pagtripan yung mga maliliit na tao purkit malalaki ang katawan.” Sagot ng nanay nila.
“nakita daw na nakatali ang mga kamay at paa habang nakabitin laslas ang leeg at may kung anung nakasulat sa likod di ko na inusisa” dagdag pa nito.
“ dapat lang talaga yan sa mga katulad nila, dapat nga sinama na nila yung mga kaklase ko e”
Pabulong ni ISabel.
Isang araw habang papalabas si Isabel ng paaral ay may biglang dumukot sa kanya at tinulak sya sa isang sasakyan.
“Leo ang kapatid mo dinukot ng mga naka van!” sigaw ng isang nakakita.
Dali-daling lumabas si Leo ngunit wala na syang naabutan. Nagdaan pa ang mga buwan at taon walang naging balita sa kanyang kambal. Hanggang isang balita ang nahatid sa kanila.
Isang bangkay ng babaeng tinatayang na labing walong taon ang edad ang natagpuang nkasilid sa isang drum na lumutang sa ilog. Hindi na makilala ang bangkay dahil sa ito ay naagnas na ngunit ang suot ng bangkay ang nagkumpirma sa kanila na ito ay Isabel. Nakasuot ng pangkolehiyong damit at sapatos ni Isabel ang suot ng bangkay nanlumo ang buong pamilya ni Leo ng mga panahon na iyon. Isang MUSIC BOX na lamang ang naiwan ni Isabel na lage nyang pinatutugtog sa tuwing sya ay inaalipusta ng iba.
Nakapagtapos ng BS in CRIMINOLOGY at nang makapasa sa board exam para sa pagpupulis ay nadestino sa maynila upang sila ay subukan. At tulad ng gawain nya noong bata pa sya, pinakita nya kung saan sya magaling, pagdating sa pagreresolba ng kaso sa mahihirap na anggulo. Naitaas ang ranggo nya, pangatlo sa mataas na posisyon at matutupad na nya ang kanyang pangrap upang buksan muli ang kasong noon pa nya gustong malaman kasagutan.
“sir?”tawag ng pulis kay leo na tila hindi nya naririnig.
“SIR?!” paulit nitong tawag at sa puntong ito ay narinig na ni leo ito.
“oh ? bakit ? pasensya na nag-iisip lang ako, ano ulit yun?” napabalik sa katotohang tanong ni leo.
“Isa nanamang pagpatay ang naganap sir, at katulad ng iba pang biktima ito ay nawalan din ng isang parte ng katawan” paglalahad ng assistant ni Leo.
“Lahat ng biktima ay namatay sa iisang paraan, nakatali ang mga kamay at paa ng hiwalay, walang saplot, kulang ng isang parte ng katawan at lahat ay may tatak ng jigsaw sa batok.” Paglalahad ng pulis.
“bakit ganun halos lahat ng pangyayari ay magkakatulad, sino ka ba? Bakit mo ginagawa ito sa mga taong ito na sa tingin ko ay wala namang kasalanan?”pagtatanong nya sa isip lamang.
Itutuloy .....
BILANG NG SALITANG GINAMIT: 1000
Mga Karakter
Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social.( ang makisig na si Leo)
Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib.(abangan)
Elemento sa Kwento na ginamit :
Music Box (Memories, Childhood)
ipinapasa ko na po ang susunod na kabanata kay @romeskie na syang magpapatuloy ng ikalawang bahagi.
Sino ang pumapatay?
Sino ang dumukot kay ISabel? Ano ang tunay na nangyare kay isabel?
masusulosyunan ba ni Leo ang krimen na ito? O kasali si isabel sa THE BRIDE OF THE WATER GOD?
babalik ba si HAEBEK sa kaharian nila at iiwan si Lara yoon?
ABANGAN! ......
UNANG PANGKAT
kalahok | araw |
---|---|
@twotripleow | lunes |
@chinitacharmer | martes |
@cheche016 | miyerkules |
@jemzem | huwebes |
@johnpd | biyernes |
IKALAWANG PANGKAT
kalahok | araw |
---|---|
@itsmejayvee | lunes |
@romeskie | martes |
@jamesanity06 | miyerkules |
@julie26 | huwebes |
@tpkidkai | biyernes |
`
PS:salamat kay @tagalogtrail para sa aking bagong banner.
Whoooah! Mystery! Nakakapanabik 'yung susunod na magaganap. Naalala ko tuloy 'yung Detective Conan bigla. Feeling ko nakakawindang kung sino 'yung totoong salarin ng krimen e. Galing nito, @itsmejayvee! :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha halo halo po yan ate @jemzem
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ikinalulungkot ang pagpanaw ni Betty La Fea hehe. Overall sobrang ganda ng kuwento yun nga lang sobrang bitin hehe. Sa susunod na lang.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
misteryoso ha... very good @itsmejayvie
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha abangan po ang mga susunod na kabanata.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit