Para mas maintindihan ang kwento, narito po ang mga naunang bahagi ng aming kuwento:
Unang Bahagi ni @oscargabat
Ikalawang Bahagi ni @jazzhero
Ang Nakaraan...
Lahat kami? ... Pwedeng tumuloy?, tanong muli nito.
Napatango si Jem bago tuluyang napaatras mula sa pinto. Naramdaman nyang hihimatayin na naman sya. Nasilayan nya ang pamilyar na pigura ng kaibigan. Ngunit may napansing kakaiba si Jem bago ito tuluyang mawalan ng malay.
Para bang basag ang salamin na tangan ng mukha nito at may mayabong na agos ng dugo sa kanyang ulunan.
Nagising si Jem dahil sa ingay ng pag-uusap ng kanyang Lola Delia at Nanay Rome. Ramdam niya pa rin ang kaunting pagkahilo kaya kahit gusto niyang bumangon ay nanatili na lamang muna siyang nakahiga. Inilibot niya ang mga mata sa kinaroroonan at takang-taka siya kung bakit na naman siya nagising sa kuwarto ng kanyang lola. Pilit niyang inalala kung anong nangyari at napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang kaibigang si Jazz.
“Sabi ko naman kasing huwag niyang papasukin ang mga iyon, pero ginawa niya pa rin. Buti na lamang at nakababa ako’t nakita ko sila bago nakapasok sa loob.”
Lalo namang naguluhan si Jem sa tinuran ng kanyang lola.
“Nandiyan pa rin sila sa labas ngayon at naghihintay ng pagkakataon na makapasok. Marahil ay binigyan sila ng permiso ng anak mo na pumasok kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umaalis,” dagdag pa nito.
Nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan ng dalaga dahil sa narinig. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari at pakiramdam niya’y mababaliw siya kapag hindi niya nalaman ang lahat ng misteryong nararamdaman niya.
“Lola, ano po bang nangyari sa akin? Nasaan si Jazz? Siya po kasi ‘yong pinapasok ko kanina. P-pero bakit ang dami nila kanina?” sunod-sunod na tanong niya.
Sabay namang napalingon sa kaniya sina Lola Delia at Nanay Rome. Napakunot-noo naman siya nang mabilis siyang nilapitan ng ina at niyakap nang mahigpit.
“Muntik ka na nilang makuha, anak.” Biglang napaiyak si Nanay Rome at damang-dama ni Jem ang kakaibang takot ng kanyang ina.
“Nay? Bakit po…” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang may kumatok nang malakas sa kanilang pintuan.
Tatlong magkakasunod na katok. Titigil ng tatlong segundo tapos kakatok ulit ng tatlong beses. Ang katok na iyon lamang ang ingay na maririnig sa loob ng kanilang bahay. Silang tatlo’y tikom ang bibig at nakikiramdam lamang.
Mayamaya’y biglang may kumalabog sa kabilang kwarto. Nasindak silang tatlo at sabay na lumingon sa pintuan ng kwarto ni Lola Delia. Nang sandali ring iyon ay hindi na nila narinig ang mga katok sa pangunahing pintuan sa ibaba.
Pero lalong nasindak si Jem nang biglang hinawakan nang mahigpit ni Lola Delia ang kamay niya at tila galit itong tumitig sa kanya.
“Bakit mo binuksan ang lumang kwarto? At bakit mo tinignan ang salamin!” galit na turan ng kanyang lola habang mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya kaya nasasaktan na siya.
“N-nay…” Tumingin siya sa kanyang nanay na gaya niya’y naguguluhan na rin sa mga nangyari.
“Nay, ano po ba talagang nasa loob ng kwartong iyon at ayaw na ayaw mo kaming pumasok doon?” tanong ni Nanay Rome na bakas sa mukha ang kilabot na nararamdaman.
Ngunit sa halip na sagutin sila ng matanda ay bigla na lamang nitong itinuon ang paningin sa nakabukas nilang bintana kung saan ang malamig na hangin ay tila iniimbita nito na pumasok sa loob.
“Hindi n’yo ako makukuha! At lalong hindi ko hahayaan na kunin n’yo rin ang apo ko! Hindi ako makapapayag!”
Napayakap nang mahigpit si Jem sa kaniyang ina dahil hindi na niya yata kakayanin ang takot na sumukob sa kabuuan niya. Naiiyak na siya lalo na nang nakita niyang nanlilisik ang mga mata ng kanyang lola habang nakatingin sa bintana. Ngayon lang niya nakita ang kanyang lola na galit na galit, na kahit ang ugat nito sa leeg ay mas lalong bumakat sa balat nito.
Gustuhin man nilang mag-ina na isiping nagha-hallucinate na naman si Lola Delia, pero ang mga aninong biglang sumulpot sa bintana ay sapat na para sabihing totoong may nakikita talaga ang matanda.
Isang pares ng mapupulang mata ang dumungaw sa kanilang bintana. Nanlaki ang mga mata ni Jem nang makita niya ang duguang mukha ni Jazz na nakatitig sa kanya. Kasabay naman nito ang muling pagkalampag ng kung ano sa kwarto ng dalaga.
Umihip ang malakas na hangin at tuluyan nitong natanggal ang kurtinang kanina pang nakikipagsayaw sa hanging pumapasok sa loob ng kuwarto. Ang isang pares ng mapupulang mata ay nadagdagan pa ng limang pares.
Gusto ulit na himatayin ni Jem dahil sa nakita. Hinihiling niyang sana ay panaginip lang ang lahat at sa muling pagdilat ng kanyang mga mata ay manunumbalik na sa normal ang lahat.
Mula sa labas ng kwarto ay dinig na dinig din nila ang mga yapak ng paang paulit-ulit sa pagbaba-akyat sa hagdanan. Sumunod naman ang kung anong ingay sa loob ng kanilang banyo na tila may taong nagwawala.
“Huwag kayong mag-alala at hindi sila makakapasok!” sigaw ni Lola Delia habang nakatuon ang paningin sa pintuan ng kanilang kwarto.
Bumaling naman ang matanda sa gilid ni Jem kung saan ay wala siyang katabi. “Mahal ko, hindi niya sinasadyang galawin ang salamin,” dagdag pa nito habang iling nang iling sa kung sinong kinakausap nito.
Hindi na makahinga si Jem sa tindi ng hilakbot na nararamdaman lalo pa’t may naramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa kanyang kaliwang paa. Nang itinungo niya ang ulo para alamin kung sinong humawak n’on ay nakita niya ang itim na malahibong kamay.
Napasigaw si Jem at nabalot ng kaniyang nakabibinging hiyaw ang kanilang buong kabahayan.
Itutuloy...
Ano nga kaya ang misteryong bumabalot sa lumang kwarto at ng salamin na nasa loob?
Ano nga ba ang totoong nangyari kay Jazz?
At kaninong kamay ang humawak sa paa ni Jem?
Abangan sa kadugtong ng kwentong kababalaghan na ito sa panulat ni @beyonddisability.
Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Narito na tayo sa parte ng kwento kung saan lumalala na ang sitwasyon. Ito ang climax na inaabangan ko. Medyo hindi pa ako handa sa mga kasagutan at napunan ng manunulat ang pagpapanatili ng katatakutan sa kwento. Lalong umangat ang antas ng aking kyuryosidad dahil sa naiwang mga katanungan na sabi ko nga, ayoko pang mabigyan agad ng kasagutan. Lalo akong pinasasabik ng kwento na ito. Sana naging limang myembro na lang para humaba pa ang kilabot na kailangan maramdaman.
Pinkish : Walang masyadong dayalogo pero nangungusap ang mga karakter base sa kanilang mga galaw at POV. Pansin ko agad ang kahusayan ng may akda sa scriptwriting dahil sa “N-nay…” at ang madalas na paggamit ng ellipses. Napuna ko rin ang paggamit ng stream of consciousness na bibihira mong mababasa sa mga bihasa sa pagsusulat ng kwento. At effort din ang paggamit ng apostrophe sa 'yon, n'on at sa iba pang mga salita. Dahil kung gagamitan ng salitang balbal, convenient ang paggamit nila ng un at nun. Plus points sa akin ang disiplina sa pagsusulat at ang pagsunod sa pamantayan ng wikang Filipino.
Dark : Sa panimula pa lang, nadala talaga ako sa paglalarawan ng may-akda. Iyong parte na inilibot ni Jem ang mga mata, nagtataka at naguguluhan kung ano ba ang nangyari. In character talaga si Jem, si Lola na weird pero siya lang ang tanging makakasagot sa mga katanungan at pati na rin ang ina. Ang linis pati ng pagkakasulat. Wala kang mahahanap na butas kung bakit biglang naging ganoon ang pangyayari. May paliwanag kung bakit nangyari pero walang kasagutan kung bakit kailangang mangyari. Sa tingin ko pupunan ng huling manunulat ang mga kasagutan. Bilib din ako sa pagproofread ng awtor. May typo ba kayong nakita Sir Red? Ma'am Pinkish? Parang ako kasi wala. Hindi naman typo error din ang hinahanap at pinagtutuunan ko ng pansin pero makikita mo din kasi ang kahandaan ng manunulat at disiplina niya base sa kabawasan ng kamalian sa naisulat niyang akda. Teka, parang ginaya ko lang yata mga sinabi ng dalawang hurado?!
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikatlong kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @jemzem makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Grabeeeeeeeee! Ngayon lang ulit ako nakatanggap ng ganito kahabang comment. Mahaba at malamang-malaman na comment! 😭😭😭😭😭
Kinikilig talaga ako nang bongga! Dati pa, isa sa mga gusto ko bilang kontesera sa iba't ibang patimpalak sa pagsusulat ay ang makatanggap talaga ng komento, mapa negatibo man o positibo. At sobrang saya ko nang makitang napakahaba pa ng comment n'yo. Maraming salamat, mga hurado! ❤❤❤
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang galing, Jemzem. Nagustuhan ko talaga ang development, pang-climax talaga. Naglabasan na silang lahat, pati si Lolo XD. In real life, naniniwala ako na may positive at negative forces, aabangan ko kung ano mangyayari sa susunod.
Gusto ko din yang hindi nakapasok si Jazz sa bahay haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pero sa totoo lang talaga, nahirapan akong dugtungan 'yong kwento mo. Na-pressure ako na baka hindi ko masundan nang maayos o baka hindi ko ma-maintain o maangat ang mood ng ikalawang bahagi. Pero dahil gustong-gusto ko ang nangyayari sa kwento natin, napaaga na rin ako sa pagsulat. Parang nasapian yata ako ng kung ano dahil hindi na ako na-late sa pag-post ngayon. Hahahaha.
At saka pasensya na rin at hindi na kita pinatuloy sa bahay, Jazz. Si Lola Delia kasi naiinis dahi wala raw dalang foods. Hahahhaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha tama yan. Kung pinapasok mo pa si Jazz, magkakagulo na talaga haha.
Ang galing at ang ganda ng development talaga. Gusto ko yun parang nakorner na ang mag-iina XD Akmang-akma sa climax na bahagi ng kuwento.
At higit sa lahat, salamat at tinapos mo nang maaga ang kuwento haha. Nabasa ko nang mapayapa habang may sikat pa ng araw.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
BD, ikaw na bahala tumapos sa misteryo ng bahay at ng salamin. Party mode ata mga mumu sa bahay ni Lola, meron sa loob at may nakaabang pa sa labas lol.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
baka mga nag invite pa yang mga iyan
aba ay wala ng space, kulang na rin ang fud
ubos na alak.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yung iba daw kasi asa bubong na BD. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang totoo kasi niyan, hindi ko alam anong magandang kwento sa misteryong bumabalot sa salamin, BD. Kaya ipinapaubaya ko na sa 'yo. Hehheheeh. Pero kampante kaming wawakasan mo ito ng maganda. :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang galing at ang ganda. Para akong nanunuod ng sine. Yung tipong ayoko i fast forward ang aking pagbabasa kase masyado mong ninanamnam ang bawat kaganapan! Ayos, yung setting ng kwento hindi na nakaalis sa bahay ni Lola Delia. Ang galing gaking titser @jemzem!👏💯
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat, manong! Ang ganda kasi ng nasimulan n'yo kaya sinusubukan ko lang din na makapantay man lang at ng hindi ko mailihis ang magandang mood ng kwento. Pero nakaka-excite na rin talaga ang pangwakas na kwento ni BD. :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi jemzem,
Welcome to #steemph! Please find below your two footer banners made by @bearone for use in your future posts.
https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmTz8ppE2SHNUqnwphLtAqNzSCD6N8qof9k74nxv83vSeN
Brought to you by @quochuy (steem witness)https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmVUpcbnbyQ9PUHcjtjkFkMYkWd6FRprSS6i47sFnRjL3J
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit