Mapagpalang gabi po sa inyong lahat! Narito nanaman po kami upang magbigay ng sakit sa inyong mga ulo sa #tagalogserye ngunit mahigpit na pinapaala nila Toto na #balikrespeto na dapat ngayon ang bawat kwento na isusulat sana po'y inyong masubaybayan ang pagkakasunod-sunod ng kwento. Narito po ang mga naunang Yugto na gawa ng magagaling naming manunulat:
Unang Yugto Ni @rodylina
Ikalawang Yugto Ni @beyonddidsability
Ikatlong Yugto Ni @cheche016
NAKARAAN:
Sa Kwarto ng magulang ni Henry
Papa, natatakot ako mag 21 na si Henry diba at naalala mo ba ang paliwanag sa atin ng manggamot sa Bundok Tralala? -- takot na inalala ng ina ni Henry ang nakaraan
Mama, wag ka matakot sa loob ng 20 taon nating kasama si Henry wala tayong senyales na nakita na sinabi rin ng manggagamot. Monitored natin si Henry kada oras sa school ma o dito sa bahay ngunit ni-isang senyales ay wala. -- pagpapaliwanag ng asawa nito
Sana nga Pa, hindi ko kaya na ang anak natin ay mapahamak at salamat sa iyong pagtanggap, pagmamahal sa kanya at tinuring mo syang tunay na anak. -- sambit ng asawa
Mahal ko kayo ni Henry ... Mahal ko kayo ng anak ko... -- buong pusong niyakap ang kanyang asawa
Samantala, sa kwarto Ni Ashley...
"Ano kaya ang mapang ito?" tanong Ni Ashley habang hawak-hawak at waring sinisipat-sipat ang mapang nakuha nila sa baul ng kanilang Lola.
Nasa harapan niya ang tatlong bagay na kanilang nakuha mula sa baul. Ang bugkos ng buhok, ang kwintas at ang mapa. Sa kakaisip niya, di niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kaniyang kama. Muli nanamang dumalaw ang kaniyang Lola sa kaniyang panaginip.
"Ash, apo... Kailangan mong puntahan ang lugar na nasa mapa at doo'y dalhin mo ang kwintas. Huwag na huwag mo itong iwawaglit sa iyong pangin. May isang nilalang na nais kumuha nito!" Pakiusap ng kaniyang Lola.
Biglang napabalikwas Si Ashley mula sa kaniyang pagtulog. Agad na hinanap ng kaniyang paningin ang tatlong bagay na mula sa baul lalo na ang kwintas na binilin ng kaniyang Lola. Nag-asikaso saglit ng sarili at siya'y umalis ng bahay dala-dala ang kwintas at mapa.
Binabaybay Ni Ashley ang isang lugar na tila hindi napupuntahan ng mga tao. Isa itong liblib na lugar na may matataas na damo.
"Ano bang gusto mo!? Bakit ba tayo nandito?" Naguguluhang tanong Ni Henry sa kaniyang sarili na kung titingnan mo siya tila ba nababaliw na siya. Ngunit ang kaniyang kausap ay ang isa niyang pagkatao na wala yatang pakialam sa kaniyang nararamdaman.
Agad-agad na nagtago sa likod ng puno Si Ashley ng kaniyang marinig ang boses Ni Henry.
"Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?" sa isip-isip Ni Ashley. Nanahimik na lamang siya sa likod ng puno at sinubaybayan Si Henry habang sapu-sapo ang kaniyang dibdib kung nasaan ang kwintas na bili ng kaniyang Lola ay kaniyang suot-suot.
Umupo Si Henry sa isang nakatumba na punong kahoy. Tila may hinihintay. Matatlim na ang mga mata nito hindi katulad kanina ng siya ay dumating sa lugar na yon.
"Ang tagal naman nito umalis! Makaalis na nga, babalik na lamang akong muli!" Naiinip na sambit Ni Ashley.
Maya-maya pa'y balak na niyang umalis ngunit nakita siya Ni Henry!
"Ash? Anong ginagawa mo dito?" Tanong agad Ni Henry sa kaniya ng siya ay makita.
Matatalim pa rin ang mga mata nito na tila nakakahiwa ang bawat tingin nito.
"Ha'? Ah' eh'? Ui' nandito ka rin pala?" Nalilitong sagot Ni Ashley kay Henry.
"Di ko rin nga alam bakit ako narito. Naligaw lamang ako Henry. Sige ha'? Mauna na ko sayong umuwi mag-aalas tres na rin pala ng hapon. Kailangan ko ng umuwi baka hanapin ako sa bahay!" Pasubaling paliwanag Ni Ashley kay Henry habang iniiwasan ito ng tingin sa mga mata nito dahil may kakaiba siyang nararamdaman dito na hindi tama.
Akmang aalis na Si Ashley ngunit nahakan bigla Ni Henry ang kaniyang braso. Mahigpit ang paghawak nito kaya naman medyo nasasaktan siya.
"Henry, nasasaktan ako!" Habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kaniya Ni Henry.
"Ang ganda naman ng kwintas mo?" Sabay sambit nito at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.
Hinawakan nito ang kwintas at biglang pahablot nitong tinanggal sa leeg Ni Ashley!
"Sakin yan! Ibalik mo yan saken Henry! Ano bang problema mo?" Pagalit niyang sambit kay Henry habang pinipilit niyang agawin muli ang kwintas ng kaniyang Lola mula rito.
Ngunit tila hindi siya naririnig Ni Henry. Hindi niya alam na hindi pala ito ang kilala niyang Henry, dahil ito ang demonyong nasa katauhan Ni Henry na Si Evil Albino! Isang demonyong nilalang na naghahanap ng katawan na masasaniban noon. At dahil bata pa noon Si Henry at malinis pa ang budhi nito, mabilis niyang napasok ang katawan nito at dito'y nanirahan. Minsan lamang siyang lumabas sa katawan Ni Henry dahil hinahanap nga niya ang kwintas na ngayon ay nsa mga kamay na niya!
"Huwag mo kong tawaging Henry! Dahil hindi ako Si Henry! Ako Si Albino!" Pagpapakilala Ni Evil Allbino.
Biglang nawalan ng malay ang katawan Ni Henry at lumabas ang isang kulay pulang nilalang.
"Hahahaha'... Sa wakas nasa mga kamay ko na ang kwintas! Upang aking matupad ang naudlot na ritwal noon dahil sa mga pakilamerang tao dito sa inyong mundo!" Humahalakhak ngunit galit na wika Ni Albino.
Hindi matinag-tinag Si Ashley sa kaniyang kinakatayuan. Talagang siya ay nagulat sa mga nangyayari! Maya-maya pa'y tila nahimasmasan, dali-dali niyang nilapitan Si Henry na kanina lamang ay nawalan ng malay. Tinapik-tapik niya ito sa mukha habang ito ay ginigising.
"Henry! Henry! Gumising ka! Huy anu ba!" paulit-ulit na sinasampal Ni Ashley Si Henry.
Nahimasmasan rin naman Si Henry at agad na nandilat ang mga mata dahil sa nakitang pulang nilalang sa kanilang harapan.
"S-sino ka?!" Tanong niya sa demonyong Si Albino.
"Ako? Hindi ba't ako ikaw?! Hahahaha'..." tila nang-aasar nitong tugon kay Henry.
Dahan-dahan na tumayo Si Henry at inaalalayan siya Ni Ashley.
"Naguguluhan ako! Bakit nasa loob kita ng katawan? Ano bang motibo mo at maging kami ay iyong ginugulo!" Galit na tanong Ni Henry kay Albino.
"S-saka bakit inaangkin mo ang kwintas na iyan? Sa Lola ko yan! Ibalik mo yan sakin dahil hindi yan sayo!" Naiinis na tanong naman Ni Ashley.
Bumaling ng tingin Si Albino sa dalawa. At ngumisi na tila nang-uuyam.
"Ginamit ko lamang ang iyong katawan Henry. Nanirahan ako sa loob ng iyong katawan sa mahabang panahon habang hindi ko pa natatagpuan ang aking hinahanap. Ngunit ngayon ay hindi na kita kailangan dahil nasa mga kamay ko na ang kwintas!" Mahabang paliwanag Ni Albino kay Henry.
Bigla naman lumipat ang tingin nito kay Ashley.
"Hindi ito sa Lola mo! Sa akin ito na kaniyang ninakaw! Nilinlang niya ako! Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat ng aking pagmamahal sa kaniya ito ang kaniyang igaganti sa akin! Kahit na kinalimutan ko at pinilit na makibagay sa mga tao dito sa mundo ninyo! Mahabang panahon na ang lumipas at alam ko na siya ay sumakabilang buhay na. Kinuha niya sa akin ang kwintas na ito upang ako ay manghina at hindi magawa ang aking mga dapat gawin! Kaya naman hindi ako tumigil sa paghahanap ng kwintas kong ito at ngayon ay nasa akin na! Hahahaha'... Mahaba niya ring paliwanag kay Ashley...
Itutuloy...
- Ngayong nasa mga kamay na Ni Evil Albino ang kwintas nito, manahimik na kaya ito at bumalik na sa kaniyang mundo?
- Ano ang koneksyon ng bugkos na buhok?
- Ang mapa, ano ba talaga ang meron sa lugar na nasa mapang iyon?
Malalaman po natin ang mga yan sa susunod na yugto! Maraming salamat po sa pagbabasa nawa'y nahatid ko ng maayos ang #tagalogserye ngayon na may #balikrespeto.
Mga Karakter
• Evil Albino -Ang nilalang sa loob ng katawan Ni Henry.
• Boyish Girl - Ashley Trinidad na kapag nakita ng mga kalalakihan ay siguradong mabibighani sila kahit ito ay tila lalaki kung kumilos
Mga Elemento sa Kwento na nagamit
• Lock of Hair ✔
• Tomb (ang puntod ni Lola)✔
• Split Personality ✔
• Mapa ✔
• Kwintas ✔
Tema ng ika-Pitong Serye
Unang Pangkat : Thriller
Unang Pangkat:
@rodylina
@beyonddisability
@julie26
@cheche016
@kendallron
@valerie15
push na iyan
#balikrespeto
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit