TAGALOGSERYE: Unang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in tagalogserye •  6 years ago  (edited)

Magandang araw mga katropa! Ako po si @romeskie at narito ang unang bahagi ng Tagalogserye ng Ikalawang Pangkat.

image

Mahigpit ang pagkakahawak ni Lenny sa braso ni Andy. Halos makaladkad na nito ang dalaga sa sobrang bilis ng pagtakbo nila. Nasa unahan nila si Emman nagkukumahog ding tumakbo palabas ng masukal na kakahuyan. Nabitawan ni Lenny si Andy dahil napatid ito sa isang malaking ugat ng puno. “Lenny!” Nahihintakutang tili ni Andy sa takot na maiwanan siya ng binata. Agad na bumalik si Lenny para tulungang tumayo ang kababata. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon para tingnan kung napilayan o nasaktan ba ito. Sa sasakyan na lang, isip ng binata. “Dalian mo Andy! Emman, ayun ang sasakyan. i-start mo na agad!” Hindi pa siya tuluyang makahinga nang maluwag dahil hindi pa rin sila nakalalayo sa kakahuyan. Hindi niya alam kung ano ang nabulabog niya sa munting kubo na iyon at ni hindi rin niya alam kung hinahabol pa rin ba sila nito. Nagmamadali silang makasakay, kanya-kanya silang pasok sa sasakyan. Agad na pinaharurot ni Emman ang kotse. Ayaw niyang tumingin sa rearview mirror sa takot. Deretso harurot hanggang sa makarating sila sa bayan. Maraming tao. Mangyari kasi’y piyesta sa bayan ngayon at maraming nakahandang programa sa buong magdamag.

image
nakaka shokot na balur sa kagubatan


••.•´•.••Ilang dekada ang nakararaan…••.•´•.••


Masayang naghahabulan sina Amanda at Leandro sa gitna ng mga puno sa kakahuyan na iyon. Dinig na dinig ang mapang-akit na hagikhik ng dalaga habang pinagsasalit-salitan nitong tumakbo sa mga hanay ng puno. Si Leandro naman ay natatawa habang nakatago sa isa sa mga puno, nakaabang sa pagsulpot ng kasintahan. Nang mahuli nito si Amanda ay niyakap niya ito mula sa likuran at pinupog ng halik sa batok na siyang ikinakiliti ng dalaga.

image
Mga mahaharot na maglovers in the forest

Buong suyong hinaplos ng dalaga ang pisngi ng iniibig. Titig na titig ito sa mga mapupungay nitong mga mata na bagama’t bakas ang hirap ay punong-puno ng kasiyahan. Bumaling ang kanyang mga mata sa matangos at prominente nitong ilong na siya namang hinahangaan ng karamihan ng kadalagahan sa kanilang nayon. Pero ang pinakagusto niya ay ang biloy nito sa pisngi na sadya nitong pinalilitaw para magpa-cute sa kanya. Si Leandro rin naman ay titig na titig sa mapupulang labi ni Amanda. Palapit na nang palapit ang mukha nito sa kasintahan nang may nagsalita mula sa di kalayuan.

image
Super papable na taga-araro ng bukid nila Amanda

“Alam niyong naririto lamang ako, baka lamang nakakalimutan ninyo. Kanina pa ako suyang-suya sa mga harutan ninyo. Mag-gagabi na, baka maaari na tayong bumalik sa mansiyon bago pa man maghanap ang iyong Papa, Amanda?” Si Alyanna ang kasambahay nina Amanda na siyang itinalaga ng kanyang ama para samahan siya kahit saan siya pumunta. Naging matalik na rin silang magkaibigan kaya hinahayaan nito ang lahat ng nais niyang gawin.

Bahagyang napahiya si Amanda sa tinuran ng kaibigan. Inalalayan siya ng binata na makatayo. “Tama rin naman si Alyanna,” turan ng isa pang tinig. Lalong namula ang pisngi ni Amanda nang maalala niyang naroroon din si Ramon na kaibigan naman ni Leandro. “Kanina pa ako naghahanap ng atchara dahil malapit na akong masuka,” tatawa-tawa nitong sabi.

“Huwag mo silang intindihin Mahal ko. Nananaghili lamang ang mga iyan dahil hindi nila alam ang ligayang nararamdaman natin,” pang-aalo sa kaniya ni Leandro. “Tara na at nang makauwi na tayo.” At nilisan na ng apat ang parteng iyon ng kagubatan. Doon nila napagkasunduang manirahan kapag nagsasama na sila. Malayo at tago sa kanyang ama. Handa siyang mamuhay nang simple sa piling ng lalakeng pinakaiibig.

image
Galit na fatherdearest ni Amanda

Napalis ang ngiti ni Amanda nang makita ang ama na nakaabang sa kaniya sa veranda. Tiim bagang itong nakatitig sa kaniya habang naka-abrisete. “Akala mo ba ay maloloko mo ako nang matagal? Hindi ako makapapayag na mauwi ka lamang sa pagiging maybahay ng magsasakang iyon! At sa dinami-rami ng manliligaw mo ay ang lalaking iyon pa!” Buong disgustong pahayag ng kanyang ama. “Ipadadala kita sa Amerika. Walang buting maidudulot sa iyo ang lalakeng iyon!"

Nag-uumiyak na tumakbo si Amanda sa kaniyang kuwarto. Hindi mapipigilan ng kaniyang ama ang kanilang pag-iibigan. Buo na ang kaniyang desisyon…


••.•´•.••Ilang Araw ang nakararaan…••.•´•.••


image
pinagkunan

Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise
Kksshksssshkk kkksssshhhhhk eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!

Paulit-ulit na pinatugtog ni Andy ang cassette tape na nakita niya sa mga karton sa bodega nila. Hinahanap niya ang antigo nilang plawta ngunit ito ang nakita niya. “Huwag mo sabihing uuwi ka sa probinsiya niyo para lang hanapin yang bahay kubo na yan?” tanong ni Emman sa kababata. “Bakasyon naman kaya pwede tayong pumunta at mag-treasure hunting!” pang-eenganyo ni Andy kay Lenny. “Ok lang sa akin. Siguro natatakot to si Emman kaya ayaw niya,” pang-aasar ni Lenny.
“Parang horror movie ang datingan kasi! May address pa talaga? At may picture pa talaga ng bahay na pupuntahan? Ano to? Invitation card para sa Halloween party?” Medyo nahihintakutan nga siya pero ayaw niyang ipahalata. Hindi araw-araw may makikita kang cassette tape na may kasama nang cassette player at lyrics at picture ng bahay kubo.


••.•´•.••Kasalukuyang panahon…••.•´•.••


image
Tulalang babaeng pagkaganda ganda

“Ok ka lang ba?” Tanong ni Lenny kay Emman. “Oo, okey lang ako. Bakit ba kasi tayo tumakbo? Ano nga bang tinatakbuhan natin?” Tanong nito. “Hindi ko rin sure. Narinig ko na lang si Andy na sumigaw kaya pinuntahan ko siya at tumakbo na tayo palayo dun sa bahay. Ano ba kasi ang nakita mo, Andy?” Napatapak sa break si Emman nang makita ang nasa backseat. Babaeng naka kulay puting damit. Maputlang-maputla ito at halos tulala. Walang kahit isa sa kanilang dalawang lalaki ang gustong magsalita. Medyo napatili pa si Emman nag magsalita ang babae sa likod ng sasakyan. “Hi. Salamat sa pagsagip niyo sa akin. Pero parang naiwan yata natin ang kaibigan niyo."

Napagpasyahan nilang sabihin sa mga magulang ni Andy na nawawala ang dalaga para tulungan sila nitong maghanap. Natigilan sa pagpasok ng bahay-bakasyunan ang dalawang binata. Naroroon si Andy sa kusina. Ngumiti ito kay Lenny na parang walang nangyari. "Nariyan na pala kayo. Akala ko naligaw na kayo."

••.•´•.••ITUTULOY...••.•´•.••

BIilang ng salitang ginamit: 1001

PROMPTS:

Story:

"Isang gabi, tinahak ng isang grupo ng mga estudyante ang kakahuyan (forest) matapos makinig ng isang natagpuang cassette tape."

Obstacles:

  • "Isang karakter ang palagian na lang nakatuon ang isip sa mga maling bagay."

  • "Isang karakter ang takot mahusgahan."

Moments:

  • "Ang ilan sa mga karakter ay nagkaron ng malalim na usapan habang nasa kagubatan."

  • "Ang isang karakter ay aksidenteng nailigtas ng isa pang karakter."

Tema

HORROR + ROMANCE

Saang shortcut dumaan si Andy?

Sino ang babaeng nasa likod ng kotse?

Ano ang humabol sa kanila sa kakahuyan?

Bakit tumili si Emman?

Paano na ang mga single kung bawal na ang mag-isa sa EDSA?

@oscargabat, ikaw na ang bahala sa mga kasagutan.

Narito ang iskedyul ng ating mga tagakwento ngayong linggong ito:

ARAWUNANG PANGKATIKALAWANG PANGKAT
Miyerkules@jemzem@romeskie
Huwebes@twotripleow@oscargabat
Biyernes@czera@mrnightmare89
Sabado@beyonddisability@iyanpol12

Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nakakamangha ang iyong kuwento..kapanapanabik..susundan ko tong kwento..sa sunod sali uli ako hehe

Salamat @blessedsteemer. Bilang matatakutin ako talaga, sinigurado kong sa umaga ako gagawa. Hahaha. Hindi ko rin alam kung ano ang kahihinatnan ng magkakaibigan na iyan. Susubaybayan ko rin ang karugtong ng mga lagrupo ko. Kahit na matatakutin ako. Hahaha

Hahha..yan gusto ko nkakatakot at nkakahindik na mga pangyayari..susundam ko ang susunod na kabanata.😊

kinakabahan na ako ah sa ganda ng storya, baka di ko madogtongan ng maayos.hehe
by the way ang lugar ay hindi dapat mabago diba at pangalan ng karakter?

Posted using Partiko Android

Pwede mong dalhin sa kung saan man abutin ng iyong imahinasyon. Basta hindi lang mawala ang tema. May limit tayo ng sampung characterd ngayon. Bawat bagong tao na ipapasok mo ay dadagdag sa limit natin. :-)

Ang ganda nun panimula, Rome. Naitaaas na talaga ang suspense. Epektibo ang pagka-horror ng kuwento, at gaya mo sa umaga lang din ako magbabasa. Magaling at kaabang-abang.

Matatakutin ka rin pala. Hahaha. Ayan. May kasama na ako. Pero kailangan mong namnamin ang kuwe to dahil ikaw ang hurado. Wahahaha.

Maghahanda lang ako sa post nila @johnpd at @beyonddisability. Nabiktima na ako dati nila sa mga horror post nila haha. Pero ganunpaman, sa di mawaring dahilan, intereseado pa rin ako sa genre. Sa pagkakabasa ko sa akda mo, medjo naenganyo ako magsulat haha

Naku. Mukhang may aabangan din ako sa yo ah. Haha. Ilabas mo na yan! Hahha

nyak. yung pixur yung nakaktakot du nsa gawa ko dati...
NadineMunoz.

Speaking of Lenny. Wala ng kadugtong yung Leni ko ....

Alam mo ba yung pakiramdam na unti unti kong iniiskrol yung page kasi baka may nakakatakot na litrato? Si jericho pala! Hahaha... @romeskie

Posted using Partiko iOS

Wahahaha. Wala pang katatakutan. Buti na lang talaga ako ang nauna. Kung hindi naku po! Lagot na talaga! Hahaha

Isa akong horror fanatic kaya sobrang natuwa ako sa panimulang ito. Umpisa pa lang suspense na.

Gusto ko nang malaman kung ano ang koneksyon ng cassete tape sa dalawang mag irog. Meron nga kaya? May kutob na ako sa nangyari, pero baka may kakaibang plot twist din na di namin lahat inaasahan! Sana ay may pasabog sa susunod na bahagi. 😄

Pero ang pinaka-nagustuhan ko ay ang cliffhanger na ending! Excited akong malaman kung paano ninyo idedevelop ang kwento at ang explanation sa nangyari kay Andy. Nakakapanabik talaga!

Mahusay na panimula ate Rome! ☺👏

Haha. Salamat Minmin! Excited na rin ako kung ano ang kalalabasan. Hehehe

ong gondo nito bes. aylabit

Haha.. thanks bes!

At nagsisi akong binasa ko 'to ng madaling araw. 😭
Ayoko kay gurlaloo na nasa backseat! Lakas makapanindig ng bangs. Ay lab horror. Pero ngayon lang ulit ako nakapagbasa ng horror stories kaya medyo hindi na ako sanay. 😂