Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Hindi ako binigo ng manunulat sa eksaktong kilabot na hinahanap ko. Matagumpay niyang nabigyan ng katapusan ang kwento at very unpredictable din ang naisip niyang twist. Ang ganda ng pagkaka-build up ng katatakutan at misteryo. Nabigyang kasagutan din lahat ng mga namumuong ispekulasyon ko sa simula pa lang ng kwento. Hindi ko talaga inaasahan ang magiging kahihinatnan ng kwento. Napabilib ako sa husay magpa-ikot ng awtor.
Pinkish : Alright! Gusto ko kung paano nalutas ang mga pangyayari, ang denoument, at kung paano tinapos ang kwento, pati na rin ang cliffhanger. Gusto ko lang bigyang puna ang pagkadami-raming kakulangan at kalabisan sa dayalogo. Mainam para sa isang awtor ang pag-proofread sa kanyang sariling gawa. O kung may pagkakataon, ipasuri ito sa kritiko o kaibigan na malinaw ang mata.
"Lydia wag mong galawin ang apo ako! Bumalik ka sa hagdan!"
"Magsilayas kayo mga ligaw na kaluluwa". "Iwanan nyo ang apo ako."
"Jem apo ako. Bakit mo kami iniwan"
Mapapalampas ko pa sana kung isang ulit lang, pero lampas na sa pagtitimpi ko ang pagkakamali.
Isa pang nais kong punahin ay ang tamang paggamit ng mga punctuation marks. Base sa alituntunin ng tamang paggamit ng wikang Filipino, hindi maaaring sundan ng iba pang marka ang tandang padamdam.
"Jem!, apo ko!. Jem!. Jem!"
At panghuli sa aking ipinagsusungit, ginagaya ng mga millenials ang maling trend na pinapauso ng aspiring writers at typists, ang unli na paggamit ng exclamation point. Kung ang ninanais ng awtor ay palakasin ang boses ng gumaganap na aktor o kaya ay pataasin ang timbre ng boses, ang letra ang dapat dagdagan, hindi ang exclamation point. Uulitin ko, isang beses lang na exclamation point, sapat na para sa wastong emosyon na hinihingi ng salaysay.
Maling Halimbawa...
"Lola!! anong nangyayari, Lola!!!!!!", nahihilakbutang si Jem.
Tamang Paggamit...
"Lola! Anong nangyayari, Lolaaah!", nahihilakbutang si Jem.
Dark : Katulad ng mga nauusong horror films sa ngayon, palaging may karugtong pa rin sa huli na manggugulat sa mga manonood. Very satisfying. Balanced na balanced ang timpla ng horror, hindi pilit manakot. Nagbigay linaw din ang pagsasaayos ng timeline. Plus points iyon sa may-akda. Minus points naman ang pagkakamali sa paggamit ng ng at nang. One more thing, hindi gumamit ng larawan ang may-akda pero tagumpay siya sa pagpapatindig ng aking balahibo, at sa paglikot ng aking imahinasyon sa paranormal.
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng huling kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @beyonddisability makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit