TagalogSerye - Prompts at ang Anunsyo sa Nagwagi

in tagalogserye •  6 years ago 

Magandang araw mga katropa! Kamusta ang araw niyo? Sana ay ok ang lahat kahit na mabagyo, maulan, at mabaha. Ingat po tayo palagi.

Nais po namin kayong anyayahan para sa isa na namang masayang serye ng dugtungan ng kwento. Ang Tagalogserye. Kung nakikita at sinusundan niyo ang mga regular na lumalahok dito, madali na lamang para sa inyo ang sumali. Pero para sa mga bagong miyembro, narito ang mekaniks ng Tagalogserye.

  1. Bubuo ng grupo na may tig-apat o limang miyembro bawat isa. Mas maraming grupo, mas masaya. Pipiliin ang miyembro gamit ang randomizer para sa patas na labanan. (Magsusulat lang po tayo rito, wala pong pisikal na aksyon at labanan na magaganap.)
  2. Magbibigay ang Pinuno ng Curation na si @jampol ng tinatawag nating prompts na siyang iikutan ng kwento. Iaanunsiyo ito kasama ng anunsiyo sa kung sino ang nanalo sa nakaraang serye.
  3. Ang unang miyembro ng pangkat ay magsusulat ng kwento nang naaayon sa prompts. (Sumunod tayo sa prompts kundi ay mapapalo tayo ng ruler ni @junjun.)
  4. Magsisimulang magsulat ang kasunod kapag nai-labas na ng nauna sa kanya ang unang bagahi. Bawat miyembro ay may nakatalagang araw ung kailan magsusulat ng karugtong.
  5. Matatapos ang serye sa pagtatapos ng pinakahuling magsusulat sa bawat grupo.

Isipin mo na lang, naglalaro kayo ng dugtung-dugtungan. Madali lang, diba?

Ang tanong... Ano ba ang mapapanalunan? Ang sagot...

Ayon kay @junjun (na siyang opisyal na tagagawa ng mga naggagandahang banners)

Ang Olodi ng Tambayan ay isa mga pinakamimithing parangal ng ating mga katropa. Bakit kamo? Hindi naman dahil sa bragging rights at lalong hindi naman dahil sa papremyo. Mallit lang po ang SBD na reward 😅 Para lang po talaga sa banner ang labanan.

Pero siyempre, bukod diyan ay mananalo rin ang maitatanghal na Olodi na 1 Steem. Ang pangkat na mananalo ay may 1 Steem din na paghahati-hatian.

Ito ang mga prompts na napili ng pinaka lider ng @curationcommittee

Tema

  • Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento :

  • Dillema ng mag-asawa
  • Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)
  • May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay
  • Tragic ending

Unang Pangkat

Username Araw ng Post
@jemzemMyerkules
@mrnightmare89Huwebes
@blessedsteemer Byernes
@twotripleowSabado

Ikalawang Pangkat

Username Araw ng Post
@czeraMyerkules
@iyanpol12Huwebes
@beyonddisabilityByernes
@oscargabatSabado

Mga Hurado:

@romeskie

@tpkidkai

Congratulations din sa nagwagi sa nakaraang Tagalog-Serye na si @Beyonddisability aka BD BOOM!

Yung slam note ay ipapadala nalang namin maya maya at kung kailan ma popost ang iyong gawa ay kapag may oras na kami para mag edit ng banner. Medyo abala ang lahat dahil sa proyektong @scholarsph

Kaya, ano pa ang hinihintay niyo? Makigulo na at makisali. Makidugtong at makikwento. Tara na sa Tambayan

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congrats @beyonddisability! OLODI! :)

Posted using Partiko iOS

whoa, tenchu pfuh.

ikaw na ang next @czera.
ang sarap pala maging olodi

Iba ka tlaga OLODIng @Beyonddisability

sali na po kayo
mabuhay ang likhang filipino sa steemit
palaganapin po natin nag likhang Filipino

Congrats olodi @beyondisability! Isa ka n talagang alamat!😊keep it up!