Ang larawang ito ay galing kay @toto-ph na nagbabalik.
Unang-una samahan niyo kaming gunitain ang "Buwan ng Wika" ngayong Agosto. Kaya naman tara na simula na natin ang kinasasabikang Tagalog Serye.
Naglalakad si Charlois sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila nang may tangkang dumukot na armadong kalalakihan sa dalaga. Mabuti na lang at may pulis na rumisponde agad-agad. Bigo ang mga armadong kalalakihan sa pagdukot kay Chaloise kaya naman umuwi silang bokya. Inanyayahan si Charlois ng mga pulis sa presinto upang magsalaysay; "Iha kilala mo ba iyong mga taong dudukot sana sa iyo at ano ang kanilang motibo, alam mo ba?" Tanong ni tinyente Genaro Carillo kay Charlois.
Papasok po kasi ako sa trabaho sir nang mangyari ang tangkang pagdukot sa akin sir at wala po akong alam kung bakit nila nagawa iyon. Malas po sir at hindi ko po nakita ang kanilang mga mukha kasi po mayroon po kasi silang mga bonet na nakataklob sa mukha. Wala pong plate number ang SUV na ginamit nila. Pakiramdam ko po ay planadong-planado ang lahat. Marami nga po palang salamat sir at sa mga kasamahan niyo na nagligtas sa akin kani-kanina lang. Kung hindi po dahil sa inyo ay baka po kung ano na ang nangyari sa akin ngayon. Salaysay ni Charloise sa tinyenteng pulis.
Patuloy ang tanungan nila tinyente at Charlois sa himpilan upang klaruhin ang lahat. Pinag-ingat nang mabuti si Charlois at pinayuhan pa ng mga pulis kung ano ang gagawin nito kung saka-sakali mang maulit ang trahedyang nangyari.
Samantala pinagalitan naman ni Zera ang kaniyang mga tauhan dahil bigo silang madukot si Charlois. "Ano ba naman kayo mga inutil kayong lahat isang babae lang ang dudukutin niyo hindi niyo pa magawa. Anlalaki niyong mga gunggong." Bulyaw ni Zera sa mga tauhan at sabay sindi ng yosi at umupo sa mamahalin niyang sofa.
Pasensorry mo madam Zera. Hayaan niyo po at hinding-hindi na mauulit ang nangyari. Ipagpaumanhin niyo ang aming pagiging baguhan. Mangiyak-ngiyak na wika ng tauhan.
Mga inutil kayo magsilayas kayo sa paningin ko. Yamot na yamot na pabulyaw ni Zera sa mga tauhan.
Walang nagawa ang pobreng mga tauhan kaya naman napilitan na lang sila umalis at baka samain pa sila sa kanilang madam Zera. Isip nang isip si Zera kung paano niya maibibigay ang hiling sa kaniya ng taong nagpalaki sa kaniya. Isa lamang ang hiling ni doktor Jaypian Asalor at si Charlois ang makapagbibigay katuparan sa hiling ni Jaypian. Si Jaypian ay isang baog na doktor na gustong sakupin ang sanlibutan at ang tanging paraan ay magkaroon siya ng isang supling na lalaki sa pinagpalang babae. Ang sinasabing pinagpalang babae ay ang babae na may nakatagong asong lobo na may siyam na buntot sa loob ng katawan. Ayon sa mga siyentipikong mga tiga-Pangasinan at tiga-Rizal ang makasaysayang asong lobo noong panahon ng hapon ay ang naging sandata ng mga hapon nang tangkang iligtas ng mga amerikano ang Pilipinas labas sa mga hapon. Bago namatay ang huling bikyu (bikyu ang tawag sa taong taglay ang kapangyarihan ng lobong siyam na buntot) ay naipasa niya ang pagiging bikyu niya sa lola ni Charlois hanggang makarating kay Charlois.
Kaya pala ganoon na lang kadesperado si doktor Jaypian na anakan si Charlois. Kahit pala alam niyang baog siya ay magkakaanak pa rin siya sa tulong ni Charlois na isang bikyu.
Mindoro Oriental.
Sa lungsod ng Calapan idinestino si Charlois ng kaniyang amo sapagkat nagpatayo ang amo ni Charlois ng isang malaking mall doon. Bilang isang magaling na arkitekto, si Charlois ang napili ng kaniyang amo na ipadala sa Mindoro Oriental.
Tahimik ang naging buhay ni Charlois sa Mindoro. Walang polusyon, walang krimeng nagaganap at malayo sa mga tsismosang tao. Sa una ay nanibago si Charlois at kinalaunan ay nakasanayan din niya. Tanging musika lang ang kaniyang naging kakampi sa araw-araw na buhay sa Mindoro Oriental.
"Mga kababayan ko
Dapat lang malaman niyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayroon naman kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang iyong minimithi"
Sayaw nang sayaw at kanta nang kanta si Charlois habang nakikinig sa awitin ni Francis Magalona. Nang matapos ang "Mga kababayan ko" ay ang sumunod na kanta naman ay "I'm the man from Manila" at huling-huli naman ay Kaleidoscope World. Masayang-masaya si Charlois sa pinakikingang mga kanta ngunit lingid sa kaniyang kaalaman siya ay hindi isang ordinaryong babae. Siya ay isang bikyu.
Sa kabilang dako naman. Napagpasiyahan naman ni Zera na bisitahin ang kaniyang kapatid sa Mindoro Oriental. Kaya naman dali-daling nag-impake si Zera ng mga gamit at agad tumulak sa Mindoro Oriental.
Nang makarating sa bahay ng ate ay agad niyang niyakap ang pamangkin na babae sunod ay ang kapatid nito. Miss na miss na ni Zera ang mga pamangkin, sa katunayan ay marami siyang dalang pasalubong sa mga bata. Bitbit-bitbit ito ng kaniyang mga aliping bodyguards.
"Tita Tita ano iyang nasa likod mo? Bakit may drawing kang Butterfly sa likod mo?" Tanong ng musmos na bata sa tiyahin niyang matagal niyang hindi nakita.
Aaah. Ito bang nasa likod ko? Isa itong tattoo at hindi ito isang drawing lang. Ang drawing ay nabubura, ang tattoo naman hindi. Kaya permanente na ito. Paliwanag ni Zera sa pamangkin.
Masayang-masaya ang pamilya ni Zera dahil ngayon lang ulit sila nagkita-kita. Tanging sa Skype lang sila nagkauusap ng kaniyang ate at pamangkin. Walang sinayang na oras ang magkakapamilya. Gasuhan diyan, gasuhan doon ang nangyari. Nagmistulang isang nanay ang dating ni Zera.
Makalipas ang isang linggo ay nagpasiya na si Zera na bumalik na ng Marikina. Nang biglang tumawag si doktor Jaypian kay Zera. Sinagot ni Zera ang tawag ng doktor at nag-usap sila nang masinsinan.
"Zera anak. Ayon kay detective Rafael si Charloise ay nandiyan din sa Mindoro Oriental. Hanapin mo at magmadali ka pagkatapos ay dalahin mo siya sa akin, nang sa gayon ay matupad ko na ang aking layunin dito sa ating mundo." Boses manyakis ng tatay-tatayan ni Zera sa cellphone.
Opo itay. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang makuha si Charloise. Hindi pa naman niya ako kilala at wala siyang kamalay-malay sa mga plano natin. Sige po tay huwag po kayo mag-alala at ipaubaya mo na po sa akin ang lahat-lahat. Inis na inis na sagot sa ama.
ITUTULOY....
Magkrus na kaya ang landas nina Zera at Charlois? Abangan bukas ang susunod na kabanata sa panulat ni @romeskie.
Narito ang prompt para sa linggong ito.
Mga Karakter:
Hero: Charloise (didiskarte na siya sa susunod na kabanata)
Villain: Jaypian Asalor at Zera.
Bilang ng mga salita: 1,012.
Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakalilito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler at saka minus points sa buong team)
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Slavery. [CHECK]
Tattoo. [CHECK]
Rescue. [CHECK]
Tema ng Tagalog-Serye:
Action, Sci-fi, Fantasy, Thriller, Suspense and Adventure.
Unang Pangkat
Username
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability
Ikalawang Pangkat
Username
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem
Hahaha!!! Masayang panimula ito 2k. Di na naman kami nakalagpas sa kwento mo! 😅 Pero gusto q ang karakter ni Charlois dito. May pa Naruto pa sa pagkatao niya. Haha. Sooo me! At si Doktor baog naman di na nagbago ang karakter! Manyakis pa rin! 😂🤣
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahaha Jinchuriki ang peg. Madiskarteng bida yan si Charlois abangan mo na lang ang paglakas niya haha. Si Rome ang nakaisip na baog iyong doktor haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
sinimulan mo na naman master
wahahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
O bakit nanaman detective? Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
yung tungkol sa manyakis na doktor master wahaahahahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wahaha! Nagtataka lang ako bakit pabago bago spelling name ni charlois/chaloise/charloise. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo nga boss nahahalata tuloy kung sino ang bida haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Matinding kwento ito..hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Malupit si Genaro Carillo haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahah nung una kong binasa po ito ginoo, isa ang pinaka naging problema ko.
Paano bigkasin ang Charlois ito ba ay Charlo, Charlwa o Char-lois
Tapos napagtanto ko na si Min pala yun hahahah.
Ang galing ng simula, yung doktor ulit ano kaya ang mangyayari. Saktong sakton makakapag backread na ako ng mga kwento dahil sa day-off sa manukan ngayon.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kung totoo Charlwa, pero dahil si Minmin ang gusto niya daw ay Charloys haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Weeew! Ayos ang panimula boss. Buti na lang kaunti na ang karakter na nilagay mo sa panimula. Ayos din ang daloy ng kwento at hindi mahirap sundan. Kudos sa introng ito.👍❤
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang mahirap sa'yo boss hehe kilala na kita.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit