Ang Olodi ng Tambayan ay isa mga pinakamimithing parangal ng ating mga katropa. Bakit kamo? Hindi naman dahil sa bragging rights at lalong hindi naman dahil sa papremyo.Etong post po na ito ay ginawa para maitampok ang ating Olodi na syang pinagbotohan ng mga katropa sa Tambayan discord. P.S. Ang banner po ay gawa ko - Junjun
Ang ating Olodi ay isa sa mga pinaka unang naging bahagi din ng Tambayan. Kasama namin siya sa kalokohan at sa pagiging kwela din. Madalas lagi din syang absent at late pag nagpapasa ng kwento hahahah.
Sabi nga niya Steemit is Life per Jowa Trabaho is lifer.
Nakilala sya sa mga malulupit na akda gaya ng Bitter No More at ang kanyang kontrobersyal na Masked Coquet
Engineer sa umaga. Inspirational Writer sa freetime. Ayan ang aming OLODI na si @Jemzem.
.
Pangalan : Itago n'yo na lang ako sa pangalang Jemarie Fuentes
Nickname : Jemzem, Jem, Zem. Ayoko kapag tinatawag akong Jemarie. At umiinit naman ulo ko kapag tinatawag akong Jema. :D
Lugar : Queen City of the South
Impluwensiya sa pagsusulat : Ang ate ko na dating maghilig magsulat ng pabebeng slambook, mga maikling kwento, at diary na hindi niya alam na binabasa ko dati. Hahahahah. At ang aking iniidolong si Bo Sanchez para sa mga inspirasyonal na tema.
Genre ng sulatin : Kahit ano maliban sa erotica. Ahemmm. Huwag nang kokontra!
Paboritong kulay : Blue, Black, and White
Paboritong pagkain : Boyfie ko. Charooot! Hahahha. Kahit ano gaya ng talong, upo, patola, itlog, hotdog, etc. basta masustansya.
Paboritong inumin : Puwede na ang tubig...as chaser. Charot
Paboritong hayop : Birdie (niya)
Kung magiging hayop ka, ano ito at bakit? : Matagal na po akong hayop, sabi ni erpats.
Paboritong superhero : Powerpuff girls
Paboritong musika : R&B, Pop, Rock
Paboritong puntahan kapag summer : Beach!
Paboritong puntahan kapag tag-ulan : Sa kwarto ko lang. Sarap matulog buong araw kapag maulan.
Kung isasapelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap? : Si Anne Curtis or Angelina Jolie
Ano’ng pamagat ng pelikula ng buhay mo?: Shake, Rattle and Roll
Paboritong flavor ng sorbetes : Chocolate. Hehehehe
Paboritong cartoon character : Pikachu
Kung makakapunta ka saan mang panig ng mundo, saan ito at bakit? : Neverland. Para ma-experience kong lumipad at muling maging bata.
Pangarap na trabaho : Businesswoman
Paboritong libangan : Matulog
Magbanggit ng isang bagay na kinaiinisan mo : Yung pauli-ulit na tanong mula sa isang tao. Hanggang tatlong beses ko lang kayang ulitin ang sagot. Kapag lumagpas na ng tatlong beses, gahdgadajhdueglksd!
Pinaka-kakaibang pagkain na natikman : Saang or conch shells. Isang beses lang akong nakatikim, at ang sarap nga naman talaga!
Magbanggit ng isang normal na bagay na wirdo sa pananaw mo : slurping
Gusto mong matulad ang buhay mo kay : Bo Sanchez
Pinakaunang ginagawa mo sa umaga : Idilat ang mata tapos bumalik sa pagtulog.
Lugar na pinaka-ayaw mong mapuntahan : Impyerno
Paboritong gulay : Talong, upo, etc. Lahat ng gulay ay kinakain ko.
Paboritong prutas : Bayabas, papaya na hilaw, basta yung madaling mapitas sa bakuran ng kapitbahay.
Magbigay ng isang sitwasyon na kinatatakutan mo : Hindi makaahon sa depresyon.
Magbigay ng isang bagay na kinaaadikan mo : Matulog at kumain.
Larangan na gusto mong sumikat : Pagnenegosyo na from rags to riches ang peg.
Pinaka-ayaw mong trabaho : Trabaho kung saan kailangang humarap sa maraming tao.
Pinakamasakit na salita na kaya mong bitawan : Wala kang kwenta!
Magbanggit ng isang bagay na pinapangarap mo : Matupad lahat ng business goals ko para matupad ko na rin ang pangarap kong maging "instrument of love".
Mensahe sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas : No comment na lang.
Larangan na masasabi mong hindi mo kaya : Ballroom dance
Kung magkakaroon ka ng tindahan, ano ibebenta mo at bakit? : Libro at mga pagkain. Kasi kung magnenegosyo tayo, dapat doon sa negosyong malapit sa iyong puso o sa mga bagay na pinagkakainteresan natin. :)
Gamit sa makabagong teknolohiya na gusto mong magkaroon : Android na kayang gawin automatically ang mga naiisip kong gawin.
Paboritong iluto : Monggo at ginisang repolyo. Iyan ang specialty ko noong nagluluto pa ako. In fairness, sarap na sarap mga kasama ko sa boarding house dati. Hahahha.
Kung mapapadpad ka sa isang isla, magbigay ng isang bagay na kailangang-kailangan mo : . Boyfie ko. Para mukhang hindi naman talaga kami nawawala, nagha-honeymoon lang. hehehe
Kung tatakbo ka sa eleksyon, ano ang slogan mo? : Walang slogan kasi hindi ako tatakbo. Gagapang, pwede.
Magbigay ng isang produkto na gusto mong gawan ng patalastas : Yung masarap na pagkain. Tapos sasadyain kong magkamali para uulit-ulitin ko ang pagsubo hanggang sa mabusog ako.
Pambihirang talento na kaya mong gawin : Matulog ng 24 hours.
Kinatatakutan na costume kapag halloween : Yung natural na mukha ng kaaway, no need na ang costume.
Paksa na pwede mong ituro : Kahit ano siguro maliban sa English. Mabobobo mga estudyante ko kung ako ang English teacher nila.
Paboritong suotin : Butas-butas kong damit-pambahay kasi komportable at may sentimental value.
Bansa na nais sakupin : Japan
Kung magiging superhero ka, anong kapangyarihan ang nais mo?: Ang patibukin ang puso ng mga bitter na tao.
Pangyayari sa nakaraan na gusto mong balikan : Noong nag-uumapaw pa ang pagiging positibo ko sa buhay.
Award na gustong mapanalunan : Nobel Prize
Mensahe sa mga nais magsulat : Magsulat ka dahil gusto mo, hindi dahil gusto ng iba. Magsulat ka para sa satisfaction mo, hindi sa satisfaction ng iba. Dahil kung may tagahanga ka man o wala, magsusulat ka pa rin. Kung may babatikos sa iyo, natural na panghinaan ka ng loob, pero babangon ka pa rin. Dahil iyan ang gusto mo. At bilang manunulat, maging positibo lang sa ibabatong kritisismo sa iyo. Kung positibo ito, magpasalamat at pagbutihan pa. Kung negatibo naman, piliting tumingin sa positibong bahagi o gawin itong aral para pag-ibayuhin mo pa ang pagsusulat. Sulat lang nang sulat! <3
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congrats sa Olodi award sis! Sobrang deserve! Nakakatuwa ang mga sagot mo. Hahaha. Lalo na pag about sa boyfie mo! 😅😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nakssss olodi pala tlga pero d ko akalain ang iba s mga nabasa ko. Hahaha. Kaya pala title pa lang... 😂
Ayaw ko rin sana s trabahong involved ang maraming tao pero andun ang pera. Kaya ata d ako yumayaman ng bongga e. 😂
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit