Tagalogserye | Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in tagalogtrail •  6 years ago 


Ang nakaraan

“Congratulations on closing the deal Renzie! I knew you can do it!” umirap pa ito sa kaniya bago tuluyang isinara ang pinto ng opisina ng boss.

Sa pagpapatuloy
Pagsara ng pinto ay siya namang pag-astang modelo ni Amanda. Tatlong hakbang at nasa pintuan na sya. Nakapamewang ang isang kamay at kinuskos ang isang palad sa likod ulo ng tatlong beses . Matapos ay dagling inunat ang braso at pinilantik ang mga daliri sa hangin. Isang pitk ng buong katawan ang binigay nya sabay nguso sa saradong pinto. Fierce looking and turn around. Walk, walk, walk... habang humahagis ang mga balakang. Turn around ulit at pag-ikot niya nauntog ang ulo niya sa matitigas na dibdib ni Samuel.

"Anu ba, panira ka talagang lalaki ka eh noh. Bakit bigla kang sumusulpot. Wala ka naman dito kanina ah." pag-aanas ni Diana habang nakauswad ang mga dibdib

"Andito ako. Nasa ilalim ako ng table at inayos ang mga sala-salabat na wire. Salamat sa kabobohan mo at magkakasunog dito sa opisina." sarkastikong tugon ng tila nagmemenopause na si Samuel.

"Ouch! makaboba. O sya ikaw na ang Mr. Perfect", sabay dutdot ni Diana ng kanyang hintuturo sa matigas na dibdib ng kaopisina. "Ikaw na ang hardworking at best asset ng kompanya. At, ako naman ang muse", at minwestra niya ang dalawang kamay sa ulo na tila may suot-suot na korona. Taas noo pa ang ating bida.

"Oy, may utang ka pa sa akin. Alalahanin mo ako nag-ayos ng corrupted file mo. Nuknukan ka ba naman kasi ng kaengotan hindi sana tayo napuyat kagabi."

"Aray number two. Quota ka na ha. Kanina boba ngayon, engot. Ano naman susunod? Moron, parasite, utak-biya, birdbrain? Emeged. Ang lufet mo talaga. Kasing lupit ng pagkakasuklay ng buhok mo. Pina-feng shui mo ba yan. Hanep ang pagkakaplantsa eh. Wax ba yan o gel?", sabay hawak ni Diana sa buhok ni Samuel na nakaupo na sa harap ng kompyuter.

"Wag ka nga. Wag mo guluhin ang buhok ko", pag-iwas ni Samuel kasabay ng pagkunot ng noo at pagtitig ng masama sa mukha ni Diana.

"Galit agad!? O sya sige", hands-off ang dalaga turn around na tinapos sa pamewang. "Pero sobrang salamat talaga bes sa tulong mo. Kung wala ka paano na talaga ako. Your my life saver" Sabay yakap kay Samuel na nakaupo. Anupa't nalunod ito sa masagang dibdib ng dalaga".

"Teka, teka, teka", di mawaring sagot ni Samuel na tila kinakapos ng hininga. "Nalulukot ang damit ko" singhal nito pero nakahawak sa kanyang ulo.

"Emeged sori bes. Nagulo ko ang buhok mo". Tuluyan na ngang ginulo ni Diana ang buhok ng kaopisina. "Mas bagay sayo ang ganyan. Tapos buksan mo itong itaas na butones ng polo mo. Alisin nating yang kay kapal mong salamin. Tact out natin yang suot mo. Oha, heartrob na!" tuwang-tuwang hirit ni Diana.

"Akin na nga yang salamin ko", hahablutin sana ni Samuel ang kanyang salamin pero naiwas ito ni Diana.

"Oops! ayoko. Mas pogi ka pag walang salamin.

At nag-agawan na sa salamin ang dalawa. Hanggang macorner sa Diana sa dingding at pilit pa ring inaabot ni Samuel ang iniiwas-iwas nitong salamin. Di nila napansin ang malaswa nilang itsura ng biglang bumukas ang opisina ni boss.

"Horrible! at dito nyo pa nakuhang maglandian!?", paglabas ni Amanda sa opisina dala ang isang tasa ng kape na wala ng laman. "Porke nasa lunch break ang iba ganyan na ang asta. Sinusulit lang na walang tao", pang-uuyam ng nakakaimbyernang babaita.

"Edi wew! Ikaw kaya ang ganun! pagbulong ni Diana sabay abot ng salamin ni Samuel.

"May sinasabi ka Diana?!" pagsisiguro ng nakakaimbyernang babaita

"Wala po. Sabi ko po akin na po yang tasa at hindi kayo dapat ang naglalabas niyan", kay tamis ng ngiti ng ating bida sabay kuha ng tasa. Talikod at make face haha.

Pumunta na si Amanda sa kanyang opisina pero bago yun. Binagsakan nya na naman ng isang bundok na file ang table ni Samuel. "Trabaho tayo ha hindi landian", sarkastikong ngiti ni Amanda. Alam nyang nahopia moments na naman ito at binubuhos na lang sa iba ang frsutrations.

"Yes mam, Sorry po", tangi niyang tugon.

Pagkahugas ng tasa sa pantry binalikan ni Diana si Samuel para magpaalam.

"Kasalanan mo ito eh. Nadagdagan tuloy trabaho ko", pagsusungit ng makisig pero obsessive compulsive na si Samuel.

"Libre na lang kita ng favorite mong frappe bukas. Oo na dalawa na utang ko sa iyo Mr Perfect", pag-aalo ni Diana

Nakaayos na ulit ang buhok ni Samuel. Nakabutones at nakatact in na ulit ang polo nito. Suot na nyang muli ang kulay itim at old fashioned na salamin.

"Mas pogi ka kanina. Pero saksakan ka ng sungit. Parehas na parehas sa boss mo na nangmemenopause na rin. Ewan ko ba sa inyo. Bakit kayo mga walang lablayp. Tutok ba kayo sa trabaho o iba lang ang prefered gender ninyo. Ahaha. Oy biro lang".

Nagpokus si Samuel sa kompyuter ulit. Di pinapansin si Diana. Di lumilingon. Para na syang hangin.

"Luh sya, nagtampo agad. Alam ko namang straight na straight ka. Alam mo naman ako palengkera lang talaga. Pero si sir ahihi. Bakit kaya wala man lang akong nakikitang gf nun. Beki kaya ang lolo mo WAHAHAHAHA!"

"Ehem!"

Yung boses na yun. Pamilyar yung timbre nun. Kahit ehem lang yun. Alam na alam ni Diana yun. Nanigas syang parang yelo sa kinatatayuan.

"Ms Casimsiman, I need you at my office right now", walang emosyong sabi ni bossing Warren.

"S si-sir yes s-sir", magkandautal-utal na tugon ng daldalerang sekretarya.

Tumalikod na ang bossing. Si Samuel naman ay impit ang tawa. Nagsimula ng ma-stress si Diana pero sumunod sa hakbang ng amo.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Ayan ang comedy! Hahaha. Nice one bes! Salamat sa pgpuno ng comedy. Hehehe