Munimuni ni K: Sa KabigoansteemCreated with Sketch.

in tagalogtrail •  6 years ago  (edited)

20180930_065209_0001.png

Sa mga taong hilig magsulat, ang dumanas ng kabigoan ay tila isang biyaya — at sumpa.

Kasabay ng pagbaha ng luha sa mga mata'y bumubulosok din ang mga salitang naisusulat sa dati'y mga blankong pahina. Halos 'di masabayan ng mga kamay ang mga salita't pangungusap na namumuo sa isipan. Mga kamay na tila 'di alintana na limang oras na mula ng pinulot nito ang maalikabok na pluma at sinimulan ang paghilom sa sugat ng kahapon sa pamamagitan ng pagbuhos nito sa papel. Dahil sa pagsusulat, pagpinta, o paggawa nakahanap ng gamot sa sakit — nakahanap ng lugar kung saan pwedeng isuka ang mga ideyang nabuo matapos makainom ng alak, na kahit kay pait ay tinitiis para lamang malimutan saglit ang mas mapait na alaalang walang tigil ang takbo sa isipan.

Ito ang biyayang dala ng kabigoan. Mula sa pangit na karanasan ay nabubuo ang mga pinakamaganda at pinakamakabagbag damdaming tula’t kanta, at iba pang obra maestra.

Pero kadalasa'y sumpa sa imahinasyon ng isang makata ang kabigoan — pumipigil na makautal ng salita o makagawa ng tula. Napapalitan ang lahat ng luhang bumabaha.

Nakakalunod at nagpapalunod. Kesa labanan ang rumaragasang sakit mas madali minsan ang bumitaw at magpa-anod.

Masakit, nakakalungkot, nakakabanas ang makaranas ng kabigoan at kasawian.

Di lang makata ang nakakaramdam ng biyaya't sumpang ito. Pati ang mga pinakabatikan sa kanikanilang larangan o kahit pa musmos na bata'y nabibigo't nasasaktan.

Pero di makakailang sadyang parte na ito ng buhay — ang sakit. Nagpapaalala itong tayo'y buhay, na kahit hindi perpekto ang mundong ating kinagagalawan at hindi patas ang gulong ng ating mga buhay, tayo'y humihinga at sa bawat paghinga tayo ay darama.

Nakakalunod man minsan ang mga emosyong dala ng kabigoan, ang pagkapit ang tangi nating magagawa. Kahit na tila wala namang makakapitan, maniwala ka lamang na ang Diyos Amang Maylikha ay siguradong maglalaan ng magsasalba sa’yo mula sa baha ng kalungkutang nadarama mo.

Pero kahit na ito ang natural na takbo ng buhay, kung sumpa o biyaya ang mabigo't masaktan ay 'di ko pa rin talaga mahinuha.

Eh ikaw ba? Ang kabigoan ba’y biyaya o sumpa?

20180930_074306_0001.png

All images are edited using Canva.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

word play. Kay inam po ng inyong mga salitang ginamit. Makabuluhan. Simboliko

  • Kasabay ng pagbaha ng luha sa mga mata'y bumubulosok din ang mga salitang naisusulat sa dati'y mga blankong pahina
  • at sinimulan ang paghilom sa sugat ng kahapon sa pamamagitan ng pagbuhos nito sa papel.

makatang-makata ang lapit ng estilo
may ilang bagay lamanag akong nais na bigyang punto gaya ng paggamit ng letra "u" sa halip na "o"
bumubulosok = bumubulussok
kabiguoan= kabiguan

at ang paggamit ng gitling sa salitang
kanikanilang= kani-kanilang

napakahusay po nito. Mabuhay po kayo @itisokaye

Maraming maraming salamat @beyonddisability ☺️
Malaking bagay po sa akin ang mga pinoint out niyo. Sa totoo lang eh medyo kulang pa talaga ang nalalaman ko sa maayos na pagsusulat sa Filipino kaya marami pong salamat. 😊



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

  ·  6 years ago (edited)

Napakahusay ng akda na ito. Nakakawiling basahin, at malalim.

Maraming salamat po. 😊

Ang ganda ng pagkakalarawan mo ng kabiguan. Mahusay ang pagkakalahad mo ng dalawang mukha nito. At gusto ko rin ang payo mo sa bandang huli - kung paano natin dapat harapin ang kabiguan. Mahusay din ang paghingi mo ng opinyon ng iyong mambabasa bilang pangwakas ng iyong akda. Aabangan ko pa ang iba mo pang mga obra @itisokaye. :-)

Madam @romeskie maraming salamat po. Malaking bagay po sakin ang iyong mga komento. Salamat naman at nakuha niyo pa rin po yung point ng muni-muning ito dahil talagang nahirapan akong isalin sa Filipino yung mga iniisip ko. 😅


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.