dati kong larawan sa facebook
Hindi ko makwento ng detalyado pero alam ko ang panahon na dumaan. Third year college ako sa paaralan ng Palompon at buwan ng Enero. Kakabalik ko lang sa paaralan pagkatapos ng Christmas na bakasyon. Bigla nakatanggap ako ng tawag sa hindi kilalang numero. Nagulat ako kung sino iyon dahil kakahiwalay ko lang sa dati kong kasintahan. Iniwan ako dahil sa iba ang mahal nya at dahan-dahan kong tinanggap ang katotohanan. Sinagot ko ang tawag sa aking phone. "Hello." Ang sabi ko. May sumagot na babae at alam ko ang boses na 'yon. Biglang bumangon ang sa hukay ang pag-ibig kong akala kong namatay na. Nagbalikan kami at dumaan ang isang linggo nagtapat sya sa'kin.
"Buntis ako pero nasa sa'yo na 'yon kung tanggapin mo ako."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi nya. Hindi ko rin naman kayang magalit at sumbatan sya. Hindi ako sumagot ng ilang oras dahil iniisip ko kung ano ba ang dapat kung isagot. Sa pagtahimik ko sumabay naman ang sumisigaw sa iyak ang aking puso. Mahal ko sya at alam kong hindi ko sya kayang iwan despite sa sitwasyon ko na gusto kong makatapos sa pag-aaral. Hindi ko talaga kung anong sasabihin kaya matagal akong sumagot ng "Ha??!!"
Nagsimula syang mag kwento na ginahasa daw sya ng dating nyang kasintahan. Hindi nya ginusto ang nangyari pero natatakot syang magsumbong sa pulis kasi nahihiya sya. Galit na galit ako dahil hinayaan nya lang mangyari sakanya 'yun. Ngunit kahit galit ako nakaramdam ako ng awa dahil iniisip ko ang sitwasyon nya. Paano nya sasabihin sa mga magulang nya ang nangyari sakanya. Nagkwentohan kami ng matagal at naging maayos din ang lahat. Kinain ko ang pride ko at tinanggap sya. Hindi ko na iniintindi ang pag-aaral ko dahil sinunod ko ang puso ko.
Lumipas ang araw at buwan na hindi na ako pumapasok pero hindi alam ng mga magulang ko iyun. Pumunta ako sa lugar ng babaeng mahal ko para panagotan ang dinadala nya at nagkunwari ako na ako ang nakabuntis sakanya. Sa pagsasama namin sinubokan kong mamuhay sa bundok kahit wala akong alam kung pano ang mga trabahong bukid. Tiniis ko ang lahat para maalagaan sya at the same time may makakain sya. Hindi sa nagmamataas ako pero ang life status nila ay nabibilang sa mahirap lang. Pinag-aralan kung kumain ng kamoteng kahoy kahit sumasama ang tiyan ko dahil hindi ko nasubokan kumain simula ng nagkamalay ako.
Isinilang na nya ang bata at halatang hindi sakin talaga. Kahit mga tao doon maraming sabi-sabi na parang hindi daw talaga ako ang ama dahil malayo sa hitsura. Kahit naririnig ko mismo ang mga sinasabi nila binabalewala ko lang lahat 'yun. Kaso noong malakas na sya at nakakaalis na palagi na nya akong inaaway. Napapaiyak na lang ako kasi parang nararamdaman ko na hindi na nya ako mahal. Alam ko naman pero pinagsisinungalingan ko lang ang sarili ko. Sinasaktan na nya ako kahit wala akong ginagawang masama. Nagtanong lang ako kung nasaan sya dahil umiiyak ang bata at hindi ko kayang patigilin ito. 'Yun lang naman pero nakikipag-away na sya ng grabe. Sa pag-aaway namin bigla nya akong binato ng cellphone at tumama sa ulo ko. (nakakatawa kong iisipin ko ngayon,haha)
Nanlamig ako pero hindi ko sya kayang iwan. Naging maayos din naman ang pagkalipas ng oras.
Nagpasya akong umuwi sa'min dahil umiiyak na daw ang mama ko. Alam nya kung saan ako pero gusto pa rin nya akong makita. Umuwi ako sa bahay at pagkarating ko gusto kong bumalik agad. Gusto ko mang bumalik pero ayaw akong pabalikin ng kasintahan ko para daw maghanap ako ng trabaho para sa binyag ng bata. Tinanggap ko ang rason nya dahil tama nga rin naman. Ngunit kahit nakabigay ako ng pang binyag ay hindi pa rin nya ako pinabalik dahil maliit lang daw ang nabigay kong pera. Sa uulitin maayos lang din. Pero pagkalipas ng ilang linggo nalaman ko na lang na kaya ayaw nya akong papuntahin dahil ang totoong nakabuntis sakanya ay nagbalikan sila. Ang tunay na ama ang dumalo sa binyag ng bata. Hindi ko matanggap ang nangyari pero wala akong magawa dahil ayaw na nya talaga sa'kin. Gusto kong pumunta pero pinagbantaan nya ako. Napag-isip ko hindi na nya talaga ako gustong makita kaya hinayaan ko na lang sarili ko na umiyak ng umiyak. Ipaintindi sa sarili na ito ang aking pagkabigo. Pagkabigo sa pagmamahal at kabiguan sa aking pag-aaral.
wakas
Salamat sa pagbasa at pasensya medyo napahaba.hehe
Ang husay ng pagkakakuwento mo nito @mrnightmare89. Ramdam ko ung pinagdaanan mo pero naipahayag mo nang walang pait.
Ang laki ng improvement ng pagsusulat mo. Kudos!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha ganoon po ba madam, salamat
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Naninikip ang dibdib ko matapos mabasa yung kwento mo. Keep moving forward lang talaga. 💔
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hehe matagl ng panahon yan but pag sa kwento ganyan tslaga gusto kong ending.hehe anyway salamat sa pagtambay
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
anu ba yan. bakit ginawa mo ito sa sarili mo bro :)
hindi mo deserve ito.
it feels.
makakahanap ka ng para sa iyo bro.
meron yan
mahusay ang pagkakagawa bro. mas pinatindi na ito ay totoong buhay
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha ayos lang, it's all in the past..im okay now
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
happy to know
This comment was made from https://ulogs.org
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit