"DASTANYA" sa lugar kung saan ako kilala (pantasya)

in tagalogtrail •  6 years ago  (edited)

images (2).jpeg l
pinagkunan

Noong unang panahon maligayang naglalaro ang mga diwata at mga tao. Hindi kailangan matakot ang mga diwata na lumabas dahil nakikita sila sa mga tao. Tinoturing nila itong kauri at kaibigan. Sa paglipas ng panahon may mga diwata na ayaw makihalubilo sa mga tao. Ito ang mga itim na diwata. Wala lang silang magawa sa kapangyarihan ng dating hari kaya sumunod sila pero palihim ng kumokuha ng mga tao. Naghintay ang diwatang itim ng mahabang panahon hanggang sa nanghina ang hari at inatake nya ang kaharian at napatay ang hari dahil may karamdaman ito. Ipinaalaga ang lalakeng anak sa kaibigang tao ng mga ito at binago ang kasarian sa pamamagitan ng pinagbabawal na mahika at ikinasawi ng kanyang ina. Ang batang iyon ay si Sam na naging Samantha. Marami syang katanongan dati pero ngayon nasagot dahil sa librong iniwan sakanya. Handa na si Sam na sumalakay sa mundo ng mga diwata ang dastanya para ibalik sa katahimikan at kapayapaan sa kanyang mundo. Ang dastanya ay ang mundo ng mga diwata, magandang lugar kung saan mapayapa at may malalaking puno. Maganda ang lugar na ito dati pero pumangit ng pumalit si Bangkan ang hari ng mga diwatang itim. .Malupit sya kaya nagsialisan ang maraming diwata at kahit ang mga itim. Hindi na inaalagaan ang kagubatan at ito'y nasira na.
.
IMG_20181017_080519.jpg
.
.
Nakatayo si Sam sa harap ng sampalok habang dahan-dahan itong bumukas papasok sa dastanya. May malakas na kapangyarihan si Sam kaya gigil na gigil syang talonin si Bangkan.
Seryoso ang kanyang mukha habang iniipon ang lakas ng katawan patungo sa kamao.

"Humanda ka sa akin Bangkan"
Pag-apak nya sa pintoan ay iba na ang lugar ang kamyang nakikita. Namangha sya sa nakita sa kapaligiran. Kahit sira na ito malayo ang kagandahan sa mundo ng mga tao. Biglang gumaan ang pamiramdam nya habang pinagmamasdan ang paligid. Malayang malaya ang kanyang nararamdaman. Naglakad na sya patungo sa lugar kung saan naroroon si Bangkan. Sa kanyang paglalakad nadaanan nya ang mga pamilyang nag-iiyakan.

"Wala kang awa bangkan!! Sumpain ka!!"

Ang mapanatag nyang isip ay bigla nanamang napalitan ng galit. Nagmamadali silang naglakad patungo sa palasyo. Nagsitinginan ang mga diwatang nadadaanan nya dahil ramdam nila ang malakas ni aura ni Sam. Naririnig nya ang mga salita na nag-uusap.

"Sino yan???"

"Si Prinsipe yan, iyan ang anak ng dating hari na itinago ng mahabang panahon."

"Prinsipe iligtas nyo po kami."

Nag-iiyakan ngayon ang mga babaeng diwata habang nakaluhod. Hindi na pinansin ni Sam at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi nya maiwasang manlumo ang kanyang puso sa nakikita.
images (3).jpeg
pinagkunan

Narating nila ang palasyo at agad silang pumasok dito. Sa pagbukas ng pinto biglang my lumapit na dalawang itim na engkanto at hinawakam sya para pigilan. Tiningnan nya ng matulis ang dalawa.

"Hindi kayo ang sadya ko kaya pakiusap lang, ayaw ko kayong saktan."

Ramdam ng dalawa ang aura ni Sam pero ayaw nilang maniwala dahil kampante sila na walang mas hihigit pa sa lakas nila na hindi itim na diwata. Nagtatawan lang ang dalawa, habang humahawak sa tiyan nila sa kakahalakhak nito. Tiningnan nila ng matulis din si Sam.

"Ayaw daw tayong saktan, sino ka ba?"

Ngatatawanan pa rin ang dalawa ng malakas, tawang pangungutya. Hinawakam nila si Sam sa balikat, at gumamit ng lakas para palbasin ngunit hindi nila ito maigalaw. Nagtaka ngayon sila at baka humina na kapangyarihan nila dahil sa hindi na sila nakikipaglaban ng malakas. Hindi nila maigalaw si Sam kaya nagsabay silang sumuntok kay Sam. Kitang kita ni Sam ang kamao ng dalawa habang yong iba ay hindi na. Mabilis man ang dalawa mas mabilis si Sam kaya sinangga nya ito ng dalawang kamay nya. Hindi makapaniwala ang dalawa at gulat na gulat ito. Sa paghawak ni Sam sa dalawang kamao, itinapon nya ito sa malayo. Malayo na ang inabotan ng dalawa at hindi pa nakbangon dahil sa bagsak.

"ARAAAYYYYY...!"

Galit na galit ngayon ang dalawa dahil natamo nitong pinsala sa katawan. Sa pagbangon nila nakita na nila agad sa harap nila si Sam. Hindi sila makapaniwala kaya tumingin sila ulit sa bandang pintoan. Ang layo noon pero agad syang nakalapit.

"Sige na tawagin nyo ang panginoon nyo"

Biglang nakaramdam ng takot ang dalawa kaya mapabangga bangga ito sa pader habang tumatakbo. Hilong hilo pa silang dalawa kaya hindi gaanong malinaw ang paningin nila.

images (4).jpeg
pinagkunan

Nagmamadaling tumakbo ang dalawang gwardya patungo kay Bangkan. Hinihingal sila ng mamarating sa panginoo nila, nauutal habang nagsasalita.

"pangino..........panginoon.......may malakas na diwatang naghahanap sa inyo."

Natawa si Bangkan sa sinabi ng dalawa.

"Malakas kamo??!! Kalokohan....!! Wala ng malakas dito kundi ako lang, baka kinakalawang na kayo dahil hindi na kayo nag-eensayo."

Patuloy ang tawa ni Bangkan hanggang sa tumawa din ang nakapaligid sakanyang kasamahan. Hindi naniwala si Bangkan sa sinabi ng dalawang gwardya pero nakita nilang dalawa ang lakas ni Sam kaya ipinipilit nila itong paniwalaan sila.

"Pero panginoon------."

Hindi natapos ang kanilang gustong sabihin dahil naireta dito si Bangkan.

"TAHIMIK!! Baka gusto nyong makatikim sakin!!"

Hindi namalayan ni Bangkan ang presensya ni Sam kaya hindi sya nakailag sa kapangyarihan na kulay kalikasan. Hindi na nakapagpigil si Sam ng makita nya si Bangkan na tawa ng tawa. Nakita nya kasing nakaluhod ang dalawa kaya hula nyang yoon si Bangkan na panginoon nila. Nanlilisik ang mata ni Sam sa galit na parang naiiyak dahil sa ginawa nya mga diwata. Hindi nya ito kilala pero bilang isang prinsipe obligasyon nya na tuongan sila.

Kinuha ni Bangkan ang isang gwardya bilang pananggalang sa tirang iyon.

"LAPASTANGAN!!! Sino ang may makitid na utak ang kumalaban sa akin.?"

Lumapit si Sam sa harap at nagsalita ng malakas.

"AKO!! Si Sam ang tatapos sa kalokohan mo."

"Ikaw??!! Bata....ipapahamak ka ng kagonggongan mo."

Tumawa si Bangkan ng malakas at nagtawanan ang kanyang kasamahan. Halos maluha na si Bangkam sa kamatawa. Bata pa kasi si Sam tingnan at mukhang walang alam. Naireta si Sam dahil sa mga tawa nila kaya biglang nawala si Sam at lumabas sa harap ni Bangkan. Mukhang lalabas ang mata ni Bangkan dahil sa gulat. Hindi na nya mailagan ang suntok ni Sam na malapit sa mukha nya kaya tinakip nya sa mukha nya ang kanyang dalawang kamay na nakacrosa. Ngunit kahit pinigilan nya ito'y natilapon pa rin sya. Habang napalutang sya sa hangin dahil sa lakas ng suntok ng binata hindi sya makapaniwala.

"ANONG....??!!"

Bumagsak sya sa pader at nasira ito. Galit na galit si Bangkan sa nangyari kaya sumigaw ito.

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!! HUMANDA KA!!"

Tinira ng kapangyarahang apoy si Sam ni Bangkan ng malakas. Hindi sya makailag dahil maraming itim na diwata sa likod. Kahit mga itim ito ay isa pa rin ito sa naninirahan sa Dastanya. Hinarang nya ito ng kapangyariham nya, napigilan nya nang una pero nilakasan pa ni Bangkan ang apoy kaya natamaan sya ng apoy pero hindi nakalampas sa likod nya. Nanghina si Sam sa natamo nitong pinsala. At naisip ni Bangkan na proprotektahan nya ang mga diwata. Kaya tinira ngayon ng tinira ni Bangkan kung saan may mga diwatang nakatayo at hinaharang ni Sam. Kahit mga kapwa ni Bangkan na itim na diwata ay tinira pa rin nya ito. Naawa ang lahat sakanya dahil kahit kalaban ay prinotektahan pa rin nya. Bumagsak si Sam dahil sa dami ng tirang natamo nya. Titirahin na sana ni Bangkan mismo si Sam pero biglang humarang ang lahat at nagkaisa. Ngunit walang magawa ang karamihan dahil sa lakas ni Bangkan.

"Mga hangal...hindi nyo ako kaya."

"Huwag nyo akong protektahan at mamatay kayo."

Naiiyak na salita ni Sam dahil naawa sya sa mga diwatang walang awang tinamaan. Galit na galit si Sam sa sarili kaya gusto nyang bumalik ang lakas nya. Pumikit si Sam at nagkonsentrate, inipon ang lakas nya. May binigkas syang mahika na hindi maintindihan at biglang ginapos si Bangkan ng malalakas na ugat ng puno para hindi ito makagalaw.

"Mga kasama ipunin nyo ang lakas nyo sa kamao at itira kay Bangkan. Sabay sabay tayo, para sa DASTANYAAAAAAAAA!!!"

Tinamaan si Bangkan sa pinag isang kapangyarihan ng lahat at hindi ito nakailag dahil nakagapos ito. Dahan dahang nawala ang liwanag ng kapangyarihan nila. At ng nawala ito ay wala ni si Bangkan. Natunaw ito sa lakas ng pinag-isang kapangyarihan nila. Nang makita ito ni Sam agad na bumagsak sya.

"PANGINOON.!"

Nag-alala ang lahat sakanya kaya habang nakahundasay ngumiti sya at nagsalita.

"Sandali pahinga lang ako."

Nakatulog si Sam dahil sa exhausted ito sa laban.

cute-boy-prince-golden-crown-450w-691501894.jpg
pinagkunan

Nang gumising si Sam kinabukasan narinig nya ang mga kantahan at nakita nyang may nagsasayawan. Iba naman ay gumagawa ng circus ng pampalibang at mayroon din'g mga pumoputok sa himpapawid. Masayang masaya ang lahat kaya masaya rin si Sam. Lumabas sya sa palasyo at kumaway kaway habang sinisigaw ang pangalan nya.

"MABUHAY SI PRINSIPE SAM!! MABUHAY....MABUHAY SI PRINSIpe SAM!!MABUHAY...."

Balik na sa payapa ang Dastanya at salamat kay Sam..

WAKAS.....

@romeskie at @chinitacharmer bitin ba?hehe

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang galing naman ng imahinasyon at nabuo mo itong kwento!

Napansin ko lan yong pinagkunan ng mga larawan mo, puro Google ang nakalagay kaya gusto kong ibahagi ang mga ito.
image.png

Hindi na ako gumamit ng @ kasi makakarating sa kanila pag inilagay ko yong link ng artikulo nila. Pakihanap na lang please... Bago may makarating the bandila sa artikulo mo. 😊

haha di ko po gets, anong ibig mong sabihin na the bandila? kakasohan ba ako sa paggamit ng google?sorry hindi ko makuha ang gusto mong ipaliwanag, pwede bang paliwanag nyo po, maraming salamat

Posted using Partiko Android

Medyo mahirap ngang ipaliwanag pero sa madaling salita eh hindi tama ang mga pinagkuhanan mo ng larawan lalong-lalo na yong huli na may tatak na shutterstock. Ang shutterstock ay nagtitinda ng mga larawa sa internet kaya may pirma ang mga larawan nila. At pag ginamit ninuman ang mga larawan nila ng walang pahintulot, may legal na paglabag yon. Para mong ginamit ng walang pahintulot yong paninda nila.

Pakihanap dito sa Steemit yong mga artikulo sa screen shot ko para sa karagdagang impormasyon.

salamat, nagets ko na

Posted using Partiko Android

👍😊

Ang galing ng imagination mo ngot! Maganda ang kwento, kapana panabik ang mga kaganapan. 😚

Gusto ko lng punahin din ang iilan sa mga paragraphs mo. Masyadong mahaba ung iba. Try mo i-maintain ang 3-5 sentences per paragraph lang. ☺ Also tama si macoolette. Yung image source mo, dapat hindi google.

Ayun lang ngot. And im happy that you're improving a lot.