Kadalasa'y pinagtitinginan pagkat sa pangkat ay naiiba,
Di mapigilan at magbubulungan pa nga sila.
Hindi ko maiwasan, ako minsa'y natatawa,
Mga matang kay rumi bakit ganoon sila?
Sa pagkakaibigan madalas ako'y nag iisa,
'Di naman literal na nagiisa pero sadyang naiiba.
Noong nag aaral mga kaibigan ko'y 'kuya',
Tapos ngayon madalas kong kasama ay mga buddy na.
Madaming nagtataka, ako ay lesbian daw ba?
Aba! di ako tibo, sagot ko lagi sakanila.
Minsan na nga akong nainis sa paulit ulit na tanong nila,
Kaya aking sinasagot nalang eh, 'oo! pake mo ba?'
Kilos at porma ko ay talagang panlalake minsan,
Pero di ibig sabihin na babae rin ay gusto na.
Sadyang mas kumportableng magsuot ng malaking lonta,
Kaysa mga pambabaeng kita na halos kaluluwa.
Ako yung pang apat mula sa kaliwa. Haha! :> Nag byahe pa kami sa zambales para dito. Train hard para sa elite international.
Salita at galawa nasanay akong may angas na,
Nahawa na ata sa mga lalakeng unggoy na kasama.
Pero di naman nababago at straight naman ako,
Di ko lang talaga tipo mga pambabaeng laro.
Mas masaya akong laruin, mga jolens at goma
Natutuwang tumalon ng mataas sa luksong baka.
Sa habulan pa nga'y di ako natatalo aba,
Sa grupo ng batang kalalakihan ako yung babaeng walang kaba.
Dati akong pumasok sa grupo ng mga babae,
Katawan ko't beywang ay sinukubang bumayle.
Sayaw na kendeng kendeng di ko talaga madale,
Kulang nalang ay pakuluan mga buto kong matinde.
Di lumaon ay, napasok ko rin ang gusto ko
Mapasama sa mga taong kung saa'y kumportable ako.
Di ako naiilang kumilos at umindayo,
Kapag mga malaking boses ang nasa paligid ko.
Eto after gig sa star city, pagoda na kami.
Mula nang sila'y nakilala, buhay ko'y nakumpleto
'Di man perpekto pero samahan nami'y panalo.
Sa dalawamput limang kalalakihan ay nagiisa lang ako,
Pero habang buhay kami na'y magkakatukayo.
Sa gabi gabing ensayo o sa mga lakad ng grupo,
Sa biruan at tawanan o kaya'y laban sa ibang ibayo.
Minsan kahit pagbili ng mga isusuot ko,
Di sila nawala at laging kadikit ko.
Kahit na minsa'y walang naman sa akin na-issue,
kaya't inaakala nilang titibbo tibo ako.
Di naman kailangan ng relasyon para magmahalan,
At lalong hindi hadlang ang edad at uri sa samahan.
Left side, I am with the Philippine boys attraction after guesting tapos sa right side naman nasa field kami ng New explicit dance crew, after nila maglaro sa putikan pinupunas nila sakin yung putik nila. Ang dudungis. Hahaha lol
Kami'y magkakapatid sa puso at gawa,
Minsa'y may pagtatalo pero tawanan parin ang mananalo.
Alam ng bawat isa kung ano ang ayaw at mga gusto,
Halos ayaw maghiwalay hanggang sa pag tulog na kamo.
Di rin nagtagal mga bulong bulungan at isyu,
Kanila din naintindihan na buo ang samahan namin.
Mga dating bumabatikos, naging naka suporta namin,
Mas lalong dumami at tumatag samahan namin.
May iba paring nagtataka bakit napasama ako sakanila,
Bakit naman hindi kung maayos naman mga ugali nila?
Sino aayaw sa mga lalakeng lage kang pinatatawa,
Tapos kahit nasaan ka ay laging aalagaan ka.
Eto, pati pag pose sa picture kelangan pare-parehas pa kami. Laptrip! Haha :P
Hinding hindi mababagot kapag nandiyan sila,
Mga mukha palang nila, ako na'y natatawa.
Kapag may nais magpakilala ay kelangan humarap sakanila,
Akala mo'y mga kuya pero mas matanda ako sakanila.
Lahat kami'y inlove oo lahat kami'y nagmamahal,
Lahat kami'y may bisyo na 'di na matatanggal.
Di namin kayang iwanan kayang naming sumugal,
Hindi kanino pa man kundi sa nagiisang si 'sayaw'.
Kung kayo'y ay kagaya ng sitwasyon kong kakaiba,
Huwag kang padadala sa sinasabi ng iba.
Ituloy ang mga bagay kung saan ka masaya,
Di kailangan paapekto sa mga sinasabi nila,
Bakit ka hihinto kung ang ginagawa'y tama?
Bakit ka mahihiya kung wala namang masama.
Wag mong ipagpapalit kaligayahan sa salita nila,
Mga tao'y sadyang ganyan, nabubuhay sa pang huhusga.
Kilala mo ang sarili mo higit kanino pa,
Para saan pa't may sarili kang isip kung makikinig ka lang sa iba?
Kahit anong ginagawa mo basta's nasa tamang daan ka,
Huwag ka mag aalinlangan isnabin mo lang sila.
After guesting with my N.X.T boys.
~~~~~0o0~~~~~
Magandang hapon mga kabayan! Naisipan ko lang bigla gumawa nitong tula, naalala ko kasi yung mga araw na naiisip sila ng masama. Haha! Natatawa parin ako hanggang ngayon nung akala nila'y tibo ako, kaya pag tumutog yung kanta ni Moira, napapangiti ako.
Wala bang sampol dyan? 😎Ang ganda ng tula at solid ang mensahe. Agree po ako dyan, mabuhay ang indibidwaliwad! Naitampok namin ang iyong akda sa arawang edisyon ng @tagalogtrail.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nice one
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post was shared in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit