Kung may isang tao na masasabi kong bihasa sa paggamit ng tayutay, iyon ay walang iba kundi ang aking butihing nanay. Sigurado ako. Mangyari kasi'y apat kaming magkakapatid. At kung hindi siya nakunan nang tatlong beses bago ipinanganak si bunso, bale ba ay pito kaming mga anak niya! Kaya alam na alam ko. Mahilig siyang gumamit ng tayutay.
Paggising pa lamang namin sa umaga eksaherasyon na agad ang una naming maririnig. "Magsibangon na kayo! Tanghali na, nasa banig pa kayo!" Pagtingin ko sa orasan naming prenteng nakasabit sa aming dingding, alas siyete kinse. Araw-araw ay ganyan ang eksena sa bahay namin. At kapag napuna niyang aandap-andap pa kaming magkakapatid at babagal-bagal sa pagliligpit ng hinigaan, gagamit naman siya ng simili o pagtutulad. "Aba'y bilis bilisan niyo ang pagkilos! Para kayong pagong diyan!" Minsan ay hindi pa siya makukuntento at magbibitaw pa siya ng metapora. "Ano'ng hinihintay niyo, pasko?"
Kaya bago pa man kami mag-almusal, busog na kami sa mga tayutay galing kay nanay. Hindi kumpleto ang buong araw ni Mama kapag hindi siya nakapagbagsak ng mga malulupit niyang linyang mayaman sa tayutay. Madalas niyang gamitin ang sikat na sikat niyang oksimoron. "Mainam nang matuto kayo hangga't nandito pa ako dahil kapag wala na ako, mangamatay talaga kayong lahat." Iniisip ko noon kung saan pupunta si Mama at bakit hindi niya ako isasama. Nang minsang tinanong ko siya kung iiwan niya kami, sinagot niya ako ng "Oo, kasi napakatitigas ng mga ulo niyo!" Tingin ko ay hindi iyon tayutay kaya nagpakabait talaga ako. Sinubukan ko.
Kapag naiisip naming magkakapatid na dayain ang mga gawaing bahay namin dati, madalas ay nabubuking niya kami. Kaya naman nagagamitan niya kami ng paradoks niyang "Papunta pa lang kayo, pabalik na ako." Hindi ko na sinubukang itanong sa kaniya kung bakit hindi kami nagkasalubong dahil nauso ang alpombra noon at napakasakit malapatan noon sa balat. Talaga namang bumabakat!
Dahil kami ay mga bata pa dati, hindi maiwasang maubusan talaga ng pasensiya si Mama. Pero hindi naman kami agad-agad na napapalo. May mga palatandaan kaming maririnig na nagbabadya ng nalalapit na hagupit. Madalas ay mauuna ang repitasyon niya. Naku! Naku! Naku kang bata ka! Naku kang bata ka talaga!" Kapag naglilitaniya na siya ng ganiyan, ibig-sabihin niyan ay nasa malayo siya at naghahanap na ng maipanghahampas. Kami naman ay magsusubok na magtago o tumakbo sa Papa namin para makaligtas sa latay.
Madalas ay natutuloy ang kastigo. Makulit talaga kami pero kami naman ay natuto. Pero minsan ay nakaliligtas din naman kami. Marahil ay iyon ang mga panahon na masasabi nating magkaroon ng divine intervention si Mama kasi mariringgan namin siya ng kaniyang apostrope. "Diyos ko! Patawarin!"
Ang larawan ay kuha ni @natelightshow
Ilan lamang iyan sa mga tayutay na walang habas na ginamit ni Mama noon. Hindi naman siya nagtapos ng high school pero masasabi kong napakataba ng utak niya pagdating sa paggamit ng mga tayutay. Naging makulay at punong-puno ng talinghaga ang aming buhay nang dahil doon. Ngayong nakahiwalay na ako sa kaniya ay paminsan-minsang hinahanap-hanap ko ang mga linya ni Mama. Tingin ko ay isa iyon sa mga istilo na gagayahin ko sa kaniya pagdating sa pagpapalaki sa aking anak.
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord
Napaka-relatable ng mga tayutay na ginamit ni nanay! Hahaha. Naalala ko tuloy si Papa dati na ganyang-ganyan din ang linyahan! Silent mode lang kasi si Mama kaya madalang na akong makarinig ng mga ganyang linya. Nakakatuwa, mam Rome! Hindi lang swabe sa entertainment, kundi siksik din sa aral. Makakapag-review rin ang mga mambabasang nakalimot na sa iba't ibang uri ng tayutay. :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Salamat ate @jemzem. Kung alam ko lang na napakamakulay pala ng subject na Filipino noong high school nag gocus sana ako dun noon. Wahahaha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
kaya ayoko ng subject na pilipino eh, ang hirap gamitin at itama ang mga tayutay, noong pumasok ako nito sa klase nagkokodigo lang ako para maicompare ang tamang pangungusap sa paggamit.haha
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang tatay ko man of few words. At madalas action speaks louder than words yun. Pag nagalit wapak agad. Hahaha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
!sbi status
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi @romeskie!
Structure of your total SBI vote value:
A pending upvote balance is tracked for you in our database. Each time you post, your balance is drawn down by up to 20%. If you post again before that amount is replenished, your next upvote will be smaller. Our minimum upvote for posts is $0.012. Your balance accumulates until a minimum upvote can be delivered with 20% of your pending balance.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
!sbi status
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi @romeskie!
Structure of your total SBI vote value:
To reduce blockchain clutter, you can also check your status in our Discord server!
https://discord.gg/VpghTRz