Magandang buhay mga katropa! Gaya ng ipinangako ko, narito na naman po tayo sa isa pang patimpalak na lalong magpapalawig ng ating kasanayan sa pagsusulat sa wikang Filipino. Naritong muli ang "Tapusin ang Kwento".
Ngayong linggong ito ay nais kong hikayatin kayong lahat na maglakbay sa mundo ng pantasya. Bago ko ibigay ang simula ng kuwentong inyong tatapusin, narito muna ang mga mekaniks.
- Ang inyong akda ay dapat nakasulat sa wikang Filipino. Maaaring gumamit ng wikang ingles kung hindi maiiwasan pero panatilihing nasa 90% ang wikang Filipino.
- Ang genre na inyong gagamitin ay fantasy/pantasya. Maaari ring haluan ng ibang tema pero hindi dapat mawala ang orihinal na genre.
- Hindi dapat lalampas sa isanlibo't limandaang salita ang inyong akda. Sisimulan amg bilang ng salita mula sa inyong dugtong sa kwento. Hindi kabilang ang panimulang kwento na ibabahagi ko.
- I-upvote at resteem ang post na ito para mas marami tayong mahikayat.
- Orihinal na akda lamang ang aming tatanggapin.
- Gamitin ang #tagalogtrail at #steemph sa inyong mga tags.
- Maaaring magpasa ng dalawang akda.
- Kung gagamit ng larawan ay lagyan ng nararapat na credit kung hindi iyo.
- I-comment ang link ng iyong akda para maisali sa patimpalak.
- Ang deadline ng pagpasa ng mga akda ay sa October 16, 2018 ng tanghali.
Heto na ang simula ng ating kwento:
"Ipinamamana ko ang aking mansiyon kay Joaquin Emmanuel Delfin. Ipinamamana ko naman sa aking apo na si Samantha Lorraine de Vera ang aking kuwaderno at pluma." Halos wala sa sarili si Samantha habang pinakikinggan ang last will and testament ng kaniyang lolo. Patay na ang kaniyang lolo at hindi man lang niya ito nakita kahit sa huling sandali. Pumanaw itong iniisip na masama pa rin ang kaniyang loob dito. Napukaw ang atensiyon niya ng huling binasa ng kanilang attorney. "Naroroon ang lahat ng kasagutan sa lahat ng iyong tanong tungkol sa iyong pagkatao. Sana ay mamulat ang iyong mga mata." At pumirma na silang dalawa ni Jake sa lahat ng mga kailangang pirmahan. Si Jake ang katiwala ng kaniyang lolo na inampon na rin nito. Kasabay niya itong lumaki sa malaking bahay kaya parang kapatid na ang turing niya rito.
Pamilyar kay Samantha ang kuwadernong sinasaad sa last will and testament. Madalas niyang inaabutan ang kaniyang lolo na nakatunghay dito habang hawak ang isang lumang pluma. Sa tuwing magtatanong siya rito ay twinang sagot nito, "May mga bagay na mauunawaan mo lamang sa tamang panahon."
At ito na ang tamang panahon. Nang makita niya ang kuwaderno ay agad agad niya itong binuklat. Kumunot ang kaniyang noo at halos magsalubong ang kaniyang kilay.Amoy na amoy ang pagkaluma ng kuwaderno. Ngunit hindi iyon ang nagpakunot sa kaniyang noo. Ilang pahina ang kaniyang inilipat-lipat, lahat ay blangko. Nakita niya ang pluma na nakalagay sa isang lumang kahon. Kinuha niya ito at isinulat sa kwaderno na animo'y ginigising ang tulog na tinta nito. Kinahig niya nang makailang ulit sa isang pahina ngunit walang tintang lumalabas mula rito. "Ano itong laro mo Lolo? Ito ba ang sagot mo sa lahat ng mga tanong ko? Nasaan ang paliwanag na hinihintay ko?"
Halo-halong emosyon ang nananahan sa kaniyang puso. Pagkadismaya. Galit sa sarili dahil hindi niya na inabutan ang lolo dahil sa poot na inalagaan niya sa kaniyang dibdib, ang poot sa taong pinagkatiwalaan niya nang husto. At ang pangungulila sa taong nag-aruga sa kaniya mula nang magkamalay siya. Hinayaan niya nang lumaya ang kaniyang damdamin. Unti-unting umagos ang mga luhang kaytagal niyang pinigilang humulagpos. Hindi niya namalayan ang pagbabagong nagaganap sa kuwaderno sa bawat pagpatak ng kaniyang luha rito.
Pipili ako ng tatlong akda na mananalo ng mga sumusunod:
3rd place: 1 steem
2nd Place: 2 steem
1st place: 3 steem
Nais kong magpasalamat sa ating mga sponsors
Maraming salamat sa palagiang pagsuporta!
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Napakalayo nitong gawa ko na ito sa comment ni cheetah.
https://steemit.com/fiction/@twotripleow/angkaharianngromelandia-rjrqzscwzi
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sana'y makahabol pa. Ang hina ng internet.
STORY HERE.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
madam ano ang pluma?hehe
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
madam entry ko, habol paba?hehe
https://steemit.com/tagalogtrail/@mrnightmare89/tapusin-ang-kwento-ni-romeskie
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit