"Ang Huling Sulat kong Ito" - Salamat at Paalam SteemIt

in teardrops •  7 years ago 

image

Di ko maipaliwanag ang aking nadarama
Di ko alam kung susuko na o lalaban pa
Dito sa mundong puno ng hirap at sakit
Gusto ko nalang matulog at pumikit

Naguguluhan ako sa pagkakataong ito
Kahit anong gawin ko ganun sakin mga tao
Siguro nga kailangan kong magisip
Upang ang mga tao sa akin ay walang masilip

Hindi ako perpekto pero hindi din ako gago
Nagkakamali din ako sana maintindihan nyo
Nabibingi, Nasasaktan din naman ako
Sa mga salitang lumalabas sa bibig nyo.

Mahirap nga ba ako pagkatiwalaan?
O sadyang di nyo lang ako kayang paniwalaan
Mahirap talaga pag puro mali nalang nakikita
Hindi nila makita ang malaking troso sa kanilang mga mata

Naging makasarili nga ba talaga ako?
O hindi nyo lang siguro nakikita ang halaga ko?
Siguro nung mga panahon na minamahal ko kayo
Hindi sakin nakatuon ang atensyon nyo.

Sa mga taong hanggang ngayon nagdududa
Sige nga alalahanin mo at magisip ka?
Sinaktan lang ba kita? Pinahirapan lang ba kita?
Baka kasi di mo naiisip kung paano kita napapasaya

Sa pagkakataong ito gusto kong malaman nyo.
Sa kabila ng lahat mahal na mahal ko kayo.
Gusto ko nalang tumahimik itikom ang bibig
Umupo sa isang tabi at di na gagawin ang aking ibig.

Salamat sa SteemIt kasi binago mo ang mundo ko
Nawa`y madami kapang matulungang mga tao.
Pero ngayon, Paalam muna masakit man sa akin
Pero sa tingin ko kailangan kong tanggapin.
Na ang mundong minahal ko ng maaga
Kailangan ko munang tigilan at bitawan na


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

don't give up!

Hold on brother

why is that?

Hi jd, i also struggle a lot in steemit,.but because of so many communities that help me to go on ,i am still here..do'nt give up..just enjoy it:)

powerful poem. you have shared hidden emotions and feelings. you have shared address pain and suffering in the most remarkable way. you have embrace the hurt and aches. i salute you for that brother. but bear in mind, everything in this world is temporary. all of those experiences will fade a way and it will be your life changing lessons and learning. never lose hope and never give up.

Stay strong. Lahat nman tau dumadaan sa ganyan. Kapit lang. Lahat tau may halaga.