Walang nawala, pero may nagbago,
Dahil hawak-hawak mo pa rin naman ang mga kamay ko,
Pero hindi na kasing higpit ng dating pagkakahawak mo.
Walang nawala pero may nagbago,
Dahil ako pa rin naman palagi ang kasama mo,
Sa bawat lakad mo, sa bawat pupuntahan mo,
Pero bakit parang nasa iba ang mga mata mo, ang isip mo.
Walang nawala pero may nagbago,
Dahil kausap mo pa rin naman ako hanggang sa pag lalim ng gabi,
Pero tila hindi na gaya ng dati na nagdudulot ng ngiti.
Walang nawala pero may nagbago,
Dahil snasabi mo pa rin naman ang mga katagang mahal mo ako,
Pero tila hindi na produkto ng pag-ibig na totoo.
Walang na wala pero may nagbago,
Teka mali! may nawala at kasabay nito ang pagbabago
Noong hawak ko pa ang mga kamay mo,
Noong kasama mo pa ako sa mga lakad mo,
Maski noong sinasabi mong mahal mo pa rin ako.
Nasa akin ka pa rin pero wala na ako sayo.
Mahalaga ka pa rin sakin pero wala nalang ako sayo.
Minamahal parin kita pero wala na yung pagmamahal mo.
Oo! Nabulag ako sa dahil nandito ka pa rin sa tabi ko,
Kahit alam ko sa sarili ko, na balewala na ako sayo.
Mas pinili ko maging bulag, maging bingi,
Dahil hindi ko kaya na mawala ka kaya mas pinili kong magkunwari.
Kahit harap-harapan mo na akong niloloko,
Kahit harap-harap mo na akong ginagago,
Mas pinili kong pumikit at sarilihin nalang ang nararamdaman na sakit.
Dahil inisip ko na baka hindi na naman to mauulit.
Kaya pinagbigyan kita, dumilat ako, ngumiti, at sinalubong ka.
Sabay tanong ng kumain ka na ba?
Sagot mo naman ng oo, kumain na ako.
Sabay talikod, dirediretso
Pinagmasdan ko ang padabog na pag-akyat ng mga paa mo.
Kasabay nito, ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi mo man lang naalala na ngayon ang ating anibersaryo.
Pinaghanda pa naman kita ng paborito nating adobo.
Kinabukasan, kumakalam ang tiyan dahil mas pinili kong wag nalang maghapunan.
Kapag hindi naman kasi kita kasabay hindi ako ginaganahan.
Ininit ko ang niluto kong adobo,
Nilagay ko sa lunchbox na regalo ko dati sayo.
Tinanggap mo, sabay sambit ng una na ko.
Pahabol ko naman ng wag ka papagutom mahal, sana maubos mo.
Hinintay ko sa pinto ang pag-uwi mo,
Sinalubong kita ng halik at yakap na dating kinanabikan mo.
Kitang kita sayo ang pagod,
Kaya hinayaan ko nalang na ikaw ay matulog.
Sa pag-aayos ko ng mga gamit mo,
May nakita ako,
HIndi mo manlang nagalaw ang niluto kong adobo.
Pero hindi yun ang kinagulat ko,
Kundi ang mga mensahe at larawan ng ibang kinakasama mo.
Habang binabasa ko yun ramdam na ramdam ko,
Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko.
Ang bigat-bigat, ang sakit-sakit
Durog na durog ako,
Sobrang nag pakatanga pala ako sayo.
Kaya pakiusap kung ayaw mo na,
Iwan mo na ako.
Dahil hindi ko kayang lumayo,
kaya ikaw nalang ang gumawa nito,
Hindi ko kayang bumitaw,
Kaya ikaw nalang yung umayaw,
Hindi ko kayang bitawan ang lahat,
Kaya pakiusap, ikaw nalang ang mag lapat,
Nang mga malalaking agwat,
Upang ang ating mga landas ay hindi na muling mag tapat,
At magdulot ng mga panibagong sugat.
Ganun pa man, Mahal salamat.
Photo Source: Pixabay
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca
teardrops is great platform to enjoy our sorrows.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
naku, naku sir relate ako sa tula mo,
naalala ko tuloy nung mga panahon na sya pa ang laman ng puso
dumating din samin ang panahon na sinasabi mo
parang walang nawala pero ang totoo lahat nagbago.
huhuhuh.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit