Nakakasama pala ng loob kapag yung isang trabaho na pinagpuyatan mo eh ginagawa na rin ng ibang tao. Ahahahaha!
Bad trip. Pero ang tagal ko raw kasi eh. Gusto ng nagpapagawa, magawa ko yung plano at calculation sa loob ng ilang araw lang. Pero dapat yung parehong section na ginamit nila sa bidding ang gamitin ko sa design tapos papasa. Magic. Hehehe. Hindi ko kaya eh. Tsaka may iba pa rin kasing nagpapa-consult sa akin. Wala pa nga akong bayad dun kahit sinko. Hindi naman din kasi sila nagrequest ng proposal, basta gawin ko lang daw. Ayun! Ginawa ko naman. Nung nakita nila malalaki ang section ng Poste ko, ibaba ko raw kasi lugi sila sa bidding. Naiintindihan ko rin naman. Tropa ko rin naman sila kaya ayos lang.
Kasabay nito, nagbago ang mga pwesto ng poste. Ayun, surely magbabago ang framing concept. Magbabago ang loading. Magbabago ang model. Sa madaling sabi, back to zero. Ginawa ko ulit. Mobilize na raw sila. May tao at equipment na sa site. Kailangan na raw bumili ng bakal.
Sabi ko gagawin ko kaya ko. Ang kaso lang hindi naabot ng kaya ko yung requirements nila. Ayun, minsan isang gabi habang nagpapahinga ako, nakita kong may post yung isang kaibigan kong Structural. Tiningnan kong mabuti. Sabi ko sa sarili ko kamukha ng ginagawa ko. Teka, hindi ito kamukha ng ginagawa ko. Pati latag ng bakal sa truss kamukha. Bilang ng frame at pwesto ng mga poste. Ahahahaha!! Hindi ito kamukha. Ito yun!!
Medyo sumama ang loob ko. Bakit hindi man lang ako inabisuhan. Na-te-temp akong itanong kung anong section ginamit nya para ma-kumpara ko. Pero, hindi na lang. Hayaan mo na. Client na mag-judge. Pero dahil ibang software ang gamit malamang mas mabilis at maliit ang section na makuha nya. Hindi naman natin masisisi ang mga tropang Client kasi ang tagal ko eh. Anyway, nandyan na yan. Tapusin ko na lang para hindi halatang nakita ko na. Mag-iwan lang ako ng pwede pa nilang itanong sa akin.
Una kong pinasa yung Bakal. Hindi sila nag-response. Sunod kong pinasa kinabukasan yung pundsyon. Sabi ko message lang ako kung may kailangan pa. Hindi ko binigay yung Footing Tie Beam at Pedestal. Hinihintay ko pa kung magreply sila. Pero kung hindi sila mag-reply, mag-send ako ng billing. Papansin lang. Nararamdaman ko na hindi na ulit sila magpapagawa sa akin.
Buntong hininga
Trabaho lang walang personalan. Tropa ko pa rin ba sila? Naman! Nasa kanila ang karapatan na kumuha ng ibang Structural kung nakikita nilang hindi ko kaya ang hinihingi nila. Masama pa ba loob ko? Hindi na. Kung sakali mang hindi na sila magpagawa sa akin, ayos lang din siguro. Ang hirap kasi maging Client ang kaibigan. Ang hirap maningil. Hehehe. Busy ka sa trabaho na pinagagwa nila pero hindi mo alam kung magiging pera yung pinaghirapan mo. Ahahaha! Ang hirap kasi magpresyo. Ahahaha! Sana pala hindi naging ganun ang simula namin. Ang hirap lang kapag nagsimula na ng ganun. Dapat kasi kapag binigyan nila ang ng plano para gawin, nagreply ako ng proposal. Charge to experience lang. Hehehe.
Ano na ngayon? Move on. May iba pang trabaho ngayon. Client come and go. Pero ang kaibigan at tropa nandyan lang palagi. Kung magpagawa pa sila sa susunod, magrereply na ako ng Proposal.