Ang buhay sa Probinsya

in tula •  7 years ago 

Payak na buhay ang mayroon sa probinsiya

Sariwa ang hangin, at ang paligid ay kaiga-igaya

Ang mga gulay at prutas dito lahat ay sagana

Mga alagang hayop sa tabi ng bahay ay naglipana

Pwede mo itong hulilin, at ihatid sa kanila

Halos lahat ng mga kapitbahay ay magkakakilala

Kaya madali lang hanapin kung saan sila ay nakatira

Matulungin, at masipag din ang mga tao sa probinsya

Kung may trabaho sa bukid, ay madaling natatapos

Sapagkat ang pagtutulungan, ay nasa puso at lubos

Sa mga panahong ang bawat isa ay may mga problema

Asahan mong may karamay, bukas palagi ang palad nila

Hindi maiiwasan kung minsan, ay mayroong sigalot

Subalit madaling maayos, pagkat ang galit ay hindi poot

Ang buhay sa probinsya, simple lang pero masaya

Hindi masyadong kumplekado, ang lahat ay makakaya.

  Payak na pamumuhay..

    Sariwa at masarap na prutas..

  Nagtutulungan..

  Maalaga sa mga hayop..

    Simple lang ang buhay..


source

Follow @iyam
Upvote! Comment! Resteem!
Maraming salamat sa lahat...

Love, iyam 💕

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Upvoted te

Salamat @mrblu

thanks for posting steemitdavao tags

Upvoted and resteem

davao.png

Salamat po @steemitdavao

maganda pag patuloy

Maraming salamat sa suporta @dontryme