" I N O S E N T E " #tulapilipinas

in tula •  6 years ago 

Inosenteng pagmasdan, mukha ng kawalang malay
Mga batang naglalaro, kung minsan sila ay nag-aaway
Subalit kahit ganoon, sa kabila ng kanilang kamusmusan
Maaaninag mo sa kanila, nasa puso ang pagmamahalan.

Kung iyong makikita, mga batang umiiyak at tumatawa
Walang mababakas na kalungkutan, sa kanilang mga mukha
Asahan mo na mangingiti ka, sa bawat aksyon at porma nila
Tumingin ka lang sa kanila, ang problema mo ay mawawala.

Kahit na kung minsan sila ay makukulit, at laging pasaway
Isang dampi lang ng labi nila, ayaw mo na sila ay mawalay
Kaya dapat nating silang bigyan ng tunay na pagmamahal
Arugain sila at akayin sa tama, hindi ka dapat na mapagal.

Huwag nating hahayaan, na maliligaw sila ng mga landas
Gabayan sila palagi, ipadama ang pag-ibig sa lahat ng oras
Inosente pa sila, at wala pang alam sa tama at kamalian
Kaya dapat sa tuwina, handa ka na sila ay laging alalayan.

Wika ni Dr. Jose Rizal, mga kabataan ang pag-asa ng bayan
Kaya hindi sila dapat na pabayaan, bagkus ay ating alagaan
Sapagkat sa ating Diyos, malaki ang ating pananagutan
Inosente sila, at kailangan pa nila ang gabay ng mga magulang.

32294128_608406232830363_1018093405919510528_n (1).jpg

Thanks for dropping by!
Please....
Follow! Upvote! Comment! Resteem!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!