" K A I BI G A N "

in tula •  7 years ago 

Mayroon akong naging kaibigan,
Kasama ko siya noong aking kabataan,

Lagi kong na ala-ala ang aming kamusmusan,
Naglalaro kami palagi ng bahay-bahayan.

Sabay kaming pumapasok sa aming eskwelahan,
Naghahati kami sa baon, at nagkukwentohan.

Kay sarap alalahanin ang mga nakaraan,
Lalo na at tungkol ito sa aking kaibigan.

Masaya kami palagi at nagtatawanan,
Magkasama kaming, abutin ang magandang kapalaran.

Subalit sadyang ang panahon ay mapaglaro,
Kailangang ako ay mag aral sa malayo.

At kaming magkaibigan ay nagkahiwalay,
Hindi na ulit kami nagkita ng kay tagal-tagal.

Subalit ang sensya ay laging may paraan,
Nakita ko sa facebook ang kanyang pangalan.

Sobrang saya sa puso ang aming naramdaman,
Muli kaming nagkabalik-taktakan, at nag kwentohan.

Nalaman namin ang naging buhay-buhay,
Na ang bawat isa sa amin ay nakamit ang tagumpay.

Walang makaka-putol sa magandang samahan,
Tunay at tapat ang aming pagka-kaibigan.

Ngayong buwan ng Mayo ay muli kaming magkikita,
Ng aking kaibigan sa simulat-simula pa.

Aming babalikan ang magandang mga alaala,
Na pinagsaluhan namin noong kami ay bata pa.


source

ORIHINAL NA TULA!
Tapat na kaibigan!
Sana ay mgustuhan nyo!
Salamat sa pag FOLLOW @iyam
At pag
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

maganda...ipagpatuloy nyo lng po..

upvoted this post..

Maraming salamat. @leslyfay