'K A L I K A S A N'

in tula •  7 years ago  (edited)

Kay gandang pagmasdan ang ating kalikasan,
Ginintuang bukid kaloob ng Kaitaasan.
At ang dagat na puno ng kasaganaan,
Upang mabusog tayo na kanyang nilalang.

Huwag nating dumihan ang kapaligiran,
Linising palagi, lalo na ang ating mga bakuran.
Dapat mahalin, ito ay pahalagahan,
Dahil sa Diyos tayo ay may pananagutan.

Bungkalin natin mga lupang nakatiwangwang,
Upang mga palay' humaba't, magka-uhay.
Mga magsasaka halina at tayo'y mag sikhay,
Pagkat ito'y sagot sa oras ng pangangailangan.

Ako'y nalulungkot sa tuwing aking maiisip,
Ang mga minahang lupa'y sira na at masisikip.
Dahil sa mga minerong kaalam ay ipinagkait,
Nang mga kapitalistang yaman lamang, ang nais makamit.

Mahirap isiping sira na ang ozone layer,
Marumi na rin ang ating pasig river.
Dahil na rin sa ating mga pag-aabuso,
Kaya buong sangkatauhan ngayon ay apektado.

Iligtas natin ang ating kalikasan,
Huwag na tayong magsunog ng plastic sa basurahan.
Huwag naring magtapon ng dumi sa'ting karagatan,
At nang kaawaan tayo ng Diyos, na sa atin ay naglalang.


source


Salamat sa inyo mga kaibigan!
sa pag upvote! pag comment! At pag resteem!
Pag palain nawa tayong lahat ng Maykapal!


Love, Iyam 💕

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

galing

Salamat! @mrblu

Upvoted po!

Thank you. @therainbow

Steem On!

Take some imaginary @teardrops (Smart Media Tokens)

Thank you. @steemgigger