Kay ganda ng kapaligiran

in tula •  7 years ago  (edited)

Kay gandang pagmasdan ng ating kapaligiran,
At kaaya-aya sa mata, kung ito ay tingnan,
Ibinigay ito sa atin ng kaitaasan,
Dapat palagi nating mahalin, at alagaan,

Kung itataas mo ng tanaw ang iyong paningin,
Makikita mo sa langit, bughaw na papawirin,
Mga ulap na iba't-iba ang kulay, at mga hugis,
Ang lahat ng ito sa mundo, ay walang kawangis.

At kung itutok mo sa bukid, ang iyong mga mata,
Pagmamasdan mo dito ang mga luntian na bunga,
Itinanim ng mga masisipag na magbubukid,
Upang ang mga pagkain, nandiyan lang sa paligid.

Halina't puntahan natin ang ating karagatan,
Saganang mga isda, dito ay makikita natin,
Mga alon at puting buhangin ay nakakasilaw,
Kay sarap na maglaro, maligo at magtampisaw.

Sana'y ibigay lagi ang tahimik na panahon,
At makita natin ang ganda ng kapaligiran,
Mahalin, ingatan atin itong pahalagahan,
Upang magtagal, hindi kunin ng kaitaasan.


source

Orihinal na tula katha ni @iyam
Sana magustuhan nyo!
Salamat mga kaibigan sa pag:
FOLLOW! UPVOTE! COMMENT! RESTEEM!

Love, iyam 💕

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang ganda nga! Ganda ng mga pix nakakarelax.

Salamat po @leeart

upvoted ate

Salamat @mrblu

Upvoted..nice view

Thank you @hellokittyphil

Upvoted 👍👍👍