"P A N A L A N G IN"

in tula •  7 years ago 

Paano ko aaluin ang nasaktan mong damdamin?
Paano ko aalisin ang lungkot na nadarama?
Paano ko ibabalik ang masasayang araw natin?
Paano ko haharapin na hindi na kita kapiling?

Masakit mang isipin na nawalang parang bula,
Mga pagtitis at paghihirap mula pa sa simula,
Ganito na lang ba matatapos ang ating pagsasama?
Wala na bang solusyon ang ating mga problema?

Kung ito ang sagot sa aking mga tanong,
Ang iwan kami at sa iba ay kumanlong,
Kung masaya ka na sa iyong mga desisyon,
Seguro nga panahon na para sundin ang iyong opinyon.

Subalit sana naman ay huwag mong limutin,
Na nandito pa rin kami, kahit malayo ka na sa amin,
Kahit anong oras na kailangan mo kami,
Nandito palagi at kaylan man ay hindi mag-aatubili.

Sana nga ay matapos na, ang landong sa ating buhay,
At magkaroon na tayo ng pusong matiwasay,
Panalangin ko sa Diyos, ibigay sayo ang kanyang gabay,
Upang ang nararamdamang sakit ay mawala na at humupay.


source

Tula mula sa puso!
Sana magustuhan nyo!
Paki - FOLLOW @iyam
UPVOTE!
COMMENT!

RESTEEM!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Amen..

thank you for posting steemitdavao tags:

Upvoted and resteem your post

thanks for promoting steemit on davao city phillipines

Thank you @steemitdavao
you're always welcome