Tula, Isang Katha :: PAGBABAGO | hinding-hindi maiiwasan ang isang pagbabago

in tula •  7 years ago 

images (1).jpeg

PAGBABAGO

Araw araw tayong nagkakasama
At simula pagkabata tayo'y magkabarkada
Pero bakit ika'y nagbago na
Pagkakaibigan ay 'di na kilala

Sa malaking puno, ating binuo
Mga pangarap natin sa mundo
Peks Man yan ang iyong sambit
Tiwala sa isa't isa ay 'di nawaglit

Kaya kaibigan, anong nangyari?
Bakit ba puno ng poot at pighati
Para sa mundong alam nating kaygulo
Hindi ka ba nasanay sa ating mundo?

Sana ay maunawaan, ako rin ay nasasaktan
Habang nakikita kang galit ng walang dahilan
Pero 'di naman kita masisisi
Nangyari nga sayo ay 'di dapat ipagmalaki

Nawala nga naman sayo ang lahat
Na alam ko'y sayo talaga ay hindi nararapat
Pero wag sana itong gawing dahilan
Upang pangarap ay mapunta sa kawalan

Heto ako, ang iyong matalik na kaibigan
Hinding hindi kita bibitawan
Kahit man araw araw mo akong saktan
Sapagkat ang totoong tao ay 'di nang-iiwan


Minsan, hindi natin maikakaila na nagbabago talaga ang tao. Ngunit ang isang mabigat na pagbabago ay yung nakikita mo siyang nagbabago dahil sa isang trahedya. Kay saklap naman siguro ang mawalan ng mga mahal sa buhay na sa isang iglap lang ay tila nawala na nang tuluyan. Kaya kaibigan, hayaan mo na ipadama ko sa iyo na hindi ka pa nag-iisa.

Isang kaibigan ang handang umagapay at magpapaalala sa iyo kung paano mabuhay

Isang Tula, Isang Katha para sa pusong sawi at nangangailangan ng kalinga

Image source

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Tama, may mga pagkakataon na nagbabago ang mga tao dahil sa mga bagay na hindi rin natin maintindihan.
Yung iba umiiwas dahil may nararamdaman na pala silang pag-ibig at ayaw masira ang pagkakaibigan. O yung iba naman umiiwas dahil sa hindi nila alam kung paano nila ma e express ang kanilang saloobin.

Gayumpaman bilang isang kaibigan sa panahong kailangan nila ng karamay harinawa'y nandoon tayo para alalayan sila.

Salamat sa iyong pagpansin sa aking katha. Tunay nga at alam ko ang "feeling" na mahulog sa isang kaibigan ngunit mas pipiliin mo ang ano ang nararapat. Gayunpaman, bilang isang kaibigan, dapat tayo maging handa kahit ano man ang pwedeng mangyari.

Salamat ulit @tagalogtrail

Tama naman mga tao ay nagbabago.. pero ang tunay na kaibigan ang laging na diyan handa kang damayan. Salamat sa akda mong Tula @leryam12

Salamat @fherdz, tunay na hindi natin dapat iwan ang isang kaibigan kahit ano man ang mangyari :D Damay damayan lang ito :)

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by leryam12 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.