Sa Paglabas ko sa aming Bakuran (Morning Poem)

in tula •  7 years ago 

Image Source


Sa paglabas ko
sa aming bakuran...
Tumingala ako sa kalawakan,
Hinanap ang mga maririkit
na bituin sa gabing nagdaan,
Wala na sila, wala na nga, Ngunit,
Sinalubong ako ng
Bughaw na kalangitan

Sa paglabas ko
sa aming bakuran...
Sinalubong ako ng
Init ni haring araw
Na sa pakiramdam
Ay kay gaan,
Wala na, wala na nga
Ang lungkot sa nagdaang
Gabi, na aking iniyakan

Mabilis ang takbo ng oras
May pagsasalungat ang ugoy ng
mundo

Naging mapusok
Ang paggulong ng pawis
Ng kargador sa pabrika
At mahinahon naman
ang unang patak ng
Hamog nakakapit sa Gumamela

Napakasangsang ng
Usok ng Marlboro
Ni Tiyo Delfin habang
Nagbabasa ng diyaryo
At napakalimuyak naman nng
usok mula sa carinderia sa may kanto

Nakabibingi ang ingay ng daan
at kay banayad naman ang unang
tilaok ng Tandang sa bakuran

Sa paglabas ko
Sa aming bakuran...
Sumasayaw ang puno,
Kasama ang preskong
ihip ng hangin

Sa paglabas ko
Sa aming bakuran...
Nagpapahinga na ang
Mga Ulap na tumatakbo
Buong maghapon, kahapon

Mabilis ang takbo
Ng oras, Ngunit,
May kapayapaan
Ang musika ng Mundo

Napakatamis ng ngiti
Ng mga magkakapit-bahay at
Halinghing ng magsing-irog,

Kay gaan sa pakiramdam
Ang huni ng mga ibon at kanilang
Lagaslas habang naglalaro ng habulan
Sa may bubungan

Nagsasalubong ang ingay ng mundo sa
oras na ito at ang kapanatagan
ng kalooban ko

Dahil

Sa paglabas ko
Sa aming bakuran,
Ang Umaga'y aking tinulaan


Image Source


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

LOWE 👌 HAHAHA HIIII! 👋👋👋

Wa man ka nag ingun sai!!!!

Nagmention ko do sa akong introductory post. Wa diay manotify? Haha

Excellent post, interesting photos. Godspeed!

nice poem :)

salamat madame!

Ang angas boss! parang tamang tama dto sa lugar namin.yung tatay ko nagyoyosi sa labas habang hinihintay nanay ko dumating galing palengke tapos may carinderia sa kanto na kapag umaga naamoy nga mga bagong lutong ulam.pinoy na pinoy mga ganitong eksena!

salamat komento ang appreciation madame!!

Sinong bituin? Si Starla na naman? Ahahaha!

ULOOL!! CELESTIAL BODIES YAN LAHAT!

HAHAHA, wala pa gihapon ka, kamove on louie! HAHAHA

Pakyu ulol