Kung Huling Araw Mo Na | A Filipino Poem

in tula •  6 years ago 

Kung huling araw mo na, ano ang gagawin mo?
Lulugmok ka ba sa sulok o gagawin lahat ng gusto?
Sasabihin mo ba sa lahat ng minamahal o itatago ito?
Hihintaying maubos ang oras o susulitin ito?

Image Source | Time Flies

Kung huling araw mo na, sino ang gustong makita?
Mga kamag-anak na malapit o pinakamatalik na kaibigan?
O baka naman ang nais ay matanaw ang pasyalan
Na kahit aninag lang ay labis na ang kaligayahan?

Image Source | One-Third of Humanity Can't See the Milky Way

Kung huling araw mo na, ano ang gusto mong puntahan?
'Yung malalayong magagandang tanawin ba o mga pasyalang may pailawan,
'Di kaya sa tabing dagat para simoy ng hangin ay amoyin,
O kaya doon sa lugar kung saan ang mga minamahal ay ka piling.

Image Source | PickPik

Kung huling araw mo na, sana ikaw ay masaya,
Na walang pagsisisi sa mga pupuntahan, kakainin at makakasama.
Malubos mo pa sana ang bawat segundo
Na walang bigat sa loob at maligaya ang ala-ala mo.

Image Source | Poets and Quants

✨✨✨✨✨✨

Minsan talaga dinadalaw tayo ng mga tanong sa buhay 'pag madaling araw na. Hahaha. Sana natuwa ka sa pagbabasa ng tulang ito!

Salamat sa pagbabasa! 🤗😀😊

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!