CAGAYAN DE ORO CITY – Itinaas na ng Office of the Civil Defense (OCD)-Northern Mindanao ang alerto kaugnay sa nakatakdang pag-landfall ng Bagyong Basyang sa Caraga region bukas.
Ito ay matapos mapabilang ang mga probinsya ng rehiyon na ipinaalerto dahil sa mga pag-ulang inaasahan na magreresulta sa malawakang pagbaha dala ng nasabing sama ng panahon sa Mindanao.
Sinabi ni OCD regional director Rosario Gonzalez na nasa code blue na sila dahil sa paghahanda para makaiwas sa anumang sakuna ang mga residente.
Partikular na pinaalerto ni Gonzalez ang mga residente na nasa Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Lanao del Norte at Misamis Occidental na maaring daanan ng bagyo sa pagtama sa kalupaan ng Caraga bukas.