Ang Kabutihan ng Pagsusulat
Minsan ang pagsulat ay paraan para palayain ang mga damdaming hindi mo masabi-sabi. Isa rin iitong behikulo upang maipamalas ang mga nagkakagulong mga kaisipan sa utak na nangingiming ibahagi. Sa pagsulat maaari mong ikubli ang tunay mong pagkatao sa iyong magiging mambabasa lalo at higit kung nais mo ng probadong buhay o upang mas kalitiin pa ang mga isipan ng mga tumatangkilik.
Walang limitasyon ang pagsulat. Maaari kang sumulat kapag galit. Pwedeng magsulat kung masaya o kung nalulungkot. Maaari ring kapag natatakot o kung may nais ipahayag ng di magawa ng harapan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nagawa mong ilabas ang iyong saloobing kay tagal na sinisiil at hindi alam kung paano nga ba ibubulalas.
Naging tagapagligtas ko ang pagsusulat noong panahong ako ay lugmok na lugmok. Sa gabay ng pusikit na liwanag doon ko nabuo ang aking mga dyornal. Ang nakakatuwa kapag iyong babalikan, maitatanong mo sa sarili : "Paano ko naisulat ito", "Ako nga ba ang nagsulat nito"
Dahil sa aking pagsulat nagkaroon ako ng pagkakataon na manalo sa isang patimpalak. Ito ay ang Word Poetry Challenge ni G. @jassennessaj. Salamat na lang at si Bb. @chameh ang hurado noon at napili nya ang aking likha. Matapos ng pagkapanalo ay akin namang tungkulin na bigyang tema susunod na edisyon ng Word Poetry Challenge. Ang namili ako sa dalawa kung Unang Araw ng Pasukan o Watawat ng Pilipinas para napapanahon dahil pasukan na muli at nalalapit na ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Aking pinili ang temang "Watawat ng Pilipinas" dahil bihira ng magkaroon ng ganitong tema ng mga tula.
Nung ako ay naging hurado
Pihong maraming sasali sa patimpalak na ito dahil napapanahon ang tema. At hindi nga ako nagkamali. Umabot ng 22 entry ang dumating. Aaminin ko na ako ay lubos na nahirapan sa pagpili at may nagtable pa nga para sa ikalawa at ikatlong pwesto. Pero dapat ay 3 lamang ang mapipili. Kung kaya't upang masolusyunan ang tabla ay pinaboto ko sa isang manunulat na kaibigan rin ang mga napiling tula at nabuo na nga ang listahan ng mga nagwagi. Ang hirap mamili para kang namimili sa pagitan ng pera o kahon... Laban ba o bawi. Haha.
Lubos akong nagagalak sa mga nabasa kong akda. Ang dami kong nakitang iba't ibang estilo ng pagtula. May mga tumimo sa aking puso at mayroon namang nagpahanga sa akin dahil sa impormasyon nitong taglay. Sana ay nabuhay ang espiritung Pilipino dahil sa gawaing ito.
Isa lamang din akong ordinaryong tao na mahilig sumulat gaya ng mga lumahok. Ang ilan pa sa mga sumali ay siya kong mga hinahangaan sa pagsusulat. Para sa akin isang karangalan na maranasan ang pagkakataong ito.
Ang aking Mensahe
Sumakit po ang aking ulo at damdamin ko'y nakaliti
binigyan nyo po ako ng malaking ngiti
Tunay na mayroon pang mga Pilipino
na may pagsinta sa bayang sinilangan ko
bagaman naimpluwensyahan ng ibang kultura ng banyaga
ang pagkakakilanlan ay di naman pala nawala
Ako ay naluha
tumindig ang aking balahibo
Ako ay humanga
napatayo sa upuan ko
Ako ay pumalakpak mag-isa
sa sobrang saya
habang aking binabasa
kay inam ninyong mga akda
Salamat po sa pagsali
sulat lang ng sulat
di ka man ngayon mapili
sa sususnod na patimpalak ikaw ay magugulat
Dahil ikaw na ang nagwagi
Dahil talento mo ay ibinahagi at di kinubli
Salamat Ginoong Jassennessaj sa karanasang ito
isang pangarap ang natupad, nagkatotoo
Akalain mong makatyempong naging hurado
ng mga naggagalingang lodi ko
Kahit minsan, kahit ngayon lang
Hanggang sa pagtanda nakatatak na ito sa isipan
Hindi ko malilimutan.
isang karangalang tahimik na itatago bilang yaman.
Mabuhay po ang makatang Pilipino!!!
Narito po ang mga akda ng mga lumahok sa patimpalak :)
akda ni @brapollo29
"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas"akda ni @joco0820
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @amayphin
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @jerylmaeada
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @jumargachomiano
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @steembytes
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
akda ni @talentedkid
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @wondersofnature
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
akda ni @bitterpie
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @twotripleow
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @cradle
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @spreadyourword
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
- akda ni @greatwarrior
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
akda ni @nielfid
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @jemio-art
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
akda ni @jembee
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @thequeenlives
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinasakda ni @oscargabat
Word Poetry Challenge #5 : Watawat Ng Pilipinas
Congratulations @beyonddisability! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit