My #ULOG #9- A TAGALOG POETRY FOR A LOVING MOTHER("HAPPY MOTHERS DAY TO ALL MOTHERS IN THE WORLD"!)

in ulog •  7 years ago  (edited)

pixlr_20180513012810260.jpg
pinagkuhanannglitrato

Happy mothers day po sa lahat ng Nanay o Ilaw ng tahanan sa buong mundo! Ako po ay munting handog na tula na aking ginawa o kinatha para sa mga nanay na nagaruga,nagmahal, huwaran at walang sawang magmahal sa pamilya.😊 Sana magustuhan nyu po ang simple kong handog na tula. Para po sa inyo po ito na mga ILAW NG TAHANAN!



U5duL1k4yds5mchWjfZQfZJsi8vmq12_640x480.png

"PAGMAMAHAL NG ISANG ULIRANG INA"



Siyam na buwan ka nyang iningatan, At halos araw-gabi ka niyang sinusubuan ng di mo alam.
Ingat na ingat siya sa kanyang bawat hakbang, upang ikaw ay di malaglag sa kanyang sinapupunan
.


Dumating na ang iyong kapanganakan, humihilab na ang kanyang pakiramdam, sabay pa sa pagsipa mo sa loob ng kanyang tiyan.
Tiniis nya ang sakit na kanyng nararamdaman,
At halos ang isa paa nya ay nasa bingit ng kamatayan,para lamang sa mundong ibabaw ikaw ay maisilang
.


Pagmamahal at pag aruga sayo ay pinadama, at halos di ka padapuan sa mga insekto, buong proteksyon ay ginawa nya sayo,para di makagat ng mga ito.
Halos di na makatulog kapag ikaw ay umuuha, ngunit tumatahan ka kapag ikaw hinehele na nya
.


download.jpg
pingkuhanannglitrato


Sa iyong unang hakbang ikaw ay kanyang inalalayan, hanggang sa ikaw ay makalakad ng tuluyan.
O' anong laking galak ng puso niya nang ikaw ay magsimulang tumatawa,at nagsasalita na ng salitang "mama"
.


Dumating ang araw ng ikaw ay magkaedad na, ngunit di pa rin nagbago ang kanyang pag aruga.
Pagod ay di nya alintana, basta ikaw ay nakikita nyang masaya
.


Kapag may proyekto ka sa paaralan, ikaw ay kanyang tinutulungan.
Kapag me asaynment ka na ikaw nahihirapan, ikaw ay kanyag tinutruan.
Kapag may problema ka sa ibang larangan, andiyan siya upang ikaw ah kanyang patnubayan
.


O' ang pagmamahal ng isang ina ay di kayang tumbasan, kahit ipunin mo ang kayamanan sa mundo.
Di mo mapapantayan at mababayaran ang pag aruga at pagmamahal ng isang ulirang ina
.

U5duL1k4yds5mchWjfZQfZJsi8vmq12_640x480.png

Happy mothers day po sa lahat ng nanay sa buong mundo! Sana po nagustuhan nyu ang munting handog kong tula para sa inyong lahat na mga ilaw ng tahanan! Mabuhay po kayong lahat! Pati na rin na mga nanay na uloggers!

Lubos na bumabati;

@blessedsteemer

U5duL1k4yds5mchWjfZQfZJsi8vmq12_640x480.png

received_1948987111801248.png

DQmSLek3q4CXzLfHoWaY1px4et3ESobadxfM3upJjVEbcPW.gif

DQmXwdaAxXJyxotb81TV5NZewMsG64y3UgMTyXAfKdriGH8.jpg

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens

Support and Vote "steemgigs" for witness. It will be really helpful. He run a full public RPC 256 GB node as well to balance the steem ecosystem on "wss://steemd.steemgigs.org"

To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses.

If you want @surpassinggoogle to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

Join us in Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT

DQmWpisRXDF56mV3DgzzPUxb3R2ozseR48YVr2YKtwtrBcV-1.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!