#ULog No. 5: LIHAM PARA SA AKING AMA (A LOVE LETTER FOR MY FATHER - in Filipino language)

in ulog •  7 years ago  (edited)

20180610_165501.jpg

Pa, ilang araw na lang at bibisita na ulit kami ng iyong mga apo sa iyong munting tahanan. Ito ang nakasanayan na ng ating pamilya, ang magkaroon ng lingguhang pagkakasiyahan at pagbubuklod-buklod nating mag-anak.

Ipagluluto kita ng "FaCham" version ko at syempre magluluto ako ng pinakabagong natutunan ko. Sobra akong nananabik sa munti nating salo-salo.

Gusto ko lang ipabatid sa'yo kung gaano kasaya ang aking puso na nakikita mo ang mga ngiti sa labi ng iyong mga apo, at lalong-lalo na ang makita ko ang mga ngiti ng maamo mong mukha sa tuwing kami'y bumibisita sa'yo.

Gusto ko lang ipabatid sa'yo na masaya ako na nayayakap ka namin at nakakasama sa lahat ng saya at lungkot sa aming pinagdadaanang magkakapatid.

Palagi kang nariyan umalalay at nagbibigay ng mga makabuluhang mensahe at paalala na ang Diyos ang tanging sagot sa lahat ng bagay dito sa mundo....

kahit nakita ka naming magkakapatid kung gaano ka nagsakripisyo sa amin..

kahit hirap na hirap kang maitaguyod ang bawat araw kung saan ka pupulot ng pangangailangan namin, lalo na ang pang-araw-araw na pagkain natin...

kahit wala ka ng pamasahe papunta at pauwi galing trabaho, maibigay mo lang ang baon namin, ok lang sa'yo ang magsakripisyong maglakad..

kahit nakikita kitang kape lang ang nainom mo sa buong maghapon, basta't kaming mga anak mo ay may laman ang tiyan..

kahit nararamdaman ko na nahihirapan ka sa pagpapalaki sa amin - pinilit mong maipag-aral kami sa magandang paaralan,...

Ilang taon naming nasaksihan, mula pagkabata at hanggang sa kami'y nagbinata at nagdalaga, alam kong nahihirapan ka, ngunit hindi mo ito ininda.

Hinahangaan kita dahil gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagtalima mo sa Salita ng Diyos, sa paniniwala mo sa Kanya kung gaano Niya tayo kamahal. Hanga ako sa higpit ng kapit mo sa Kanya. Iniisip ko, saan ka humuhugot pa ng lakas at paniniwala kung ang mundo mo ay tila hindi naaayon sa daloy ng iyong buhay?

Paano mo nakikita ang pagmamahal sa'yo ng Diyos kung bawat resulta ng pagod at hirap mo ay tila walang kinakahinatnan, bagkus ang pagsubok na kinakaharap ng pamilya natin ay nadaragdagan?

Ang paniniwala mo sa Panginoon ang siyang naging inspirasyon ko na mayroong Diyos. Salamat at ipinaunawa mo sa amin ang sakripisyo ni Hesus ay walang katumbas. Salamat at nang dahil din sa'yo aking ama, naniniwala ako sa pagmamahal ng Diyos. Ikaw maaari ang repleksyon ng kanyang kadakilaan. Ikaw maaari ang anghel sa aming magkakapatid na siyang nag-aruga at disiplina sa aming lima.

Kay hirap yata maging "single parent". Hindi ko napahalagahan nang labis ang iyong sakripisyo noon hanggang sa akin nang naranasan ang iyong pinagdaanan. Hindi ko masyado napahalagahan marahil dahil sa pinuno mo kami ng iyong pagmamahal at punong-puno ang kasiyahan ang ating pamilya kahit tayo ay mahirap lang. Mayaman kami sa iyong pagmamahal.

Salamat Pa sa lahat-lahat. Itong linggo mababasa mo na itong liham ko sa'yo, dahil magkikita kita ulit tayo. Gusto ko lang malaman mo na sobrang tumatak sa aking puso ang iyong dakilang pagmamahal sa amin.

MAHAL NA MAHAL KITA PA!...

ARAW-ARAW....

LINGGO-LINGGO...

TAON-TAON!

Huwag mo sana akong pagtawanan kung mabasa mo ito. Alam ko, ang sasabihin mo lang "Bakit ka pa gumawa ng liham, parang hindi tayo nagkakasama tuwing katapusan ng linggo."

Oo Pa, alam ko iyan ang sasabihin mo. Kaya kita ginawan ng liham dahil sana nung ika'y nabubuhay pa, madalas sana kitang nasasabihan kung gaano kita kamahal. Itong liham ko sa'yo ay sadyang sa panaginip na lamang. Sa panaginip na lang kita nakakausap, nakakasama, at nayayakap. Sa panaginip na lang tumatakbo ang masasayang memorya at mga bagay na masayang isipin kung ikaw lang sana ay nabubuhay pa.

LAST MESSAGE LEFT BY MY FATHER:

Screenshot_20180217-203039.png

I feel gloomy today.. I miss my Dad sooooooooo much!!!!

Photos are all mine except for the banners.

DYNAMICSHINE.gif

Thank you @surpassinggoogle for this ULog concept as I can express myself fully how I feel each day.

stock-vector-elegant-classical-page-rule-vintage-style-decorative-design-elements-351841472.jpg


Let your loved ones feel how much you love them. Say I love you as often as you could. Life is short until you realize it's too late to see their smile again. - @dynamicshine


Thanks for reading! Steem on!


Join us on Discord (https://discord.gg/FPdn5QZ) if you want to message me directly and of course to meet these awesome and creative people behind #dynamicsteemians, namely:

@dynamicgreentk, @dynamicrypto, @baa.steemit, @symonp, @adam.tran, @thundercurator

stock-vector-elegant-classical-page-rule-vintage-style-decorative-design-elements-351841472.jpg

steembulls_logo.JPG

STEEMBULLS

Check out interesting posts by @evlachsblog (my sister), @ryl, @dangerousangel, @futuremind, @scarletmedia, @ntowl, @eaglespirit, @pkalra, @honeychum, @bunnychum, @guri-gure, @esttyb, and many more!!!

received_10213288088429954.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

You were sponsored by Dynamicrypto for a month of upvotes by IncinBot! Hope you enjoy!

Woooooww...you're aweome @dynamicrypto! I really appreciated it so much! THANK YOU!!!!

Your letter is so touching and so beautiful yet heartbreaking at the same time. I feel every emotion you have poured into writing this. You and I, along with our brothers, still feel this tremendous pain from losing Papa, missing him and longing for him that we wish he was still here with us.

Or sometimes, we hope that we always see him in our dreams. If only we could control our dreams in our sleep state, we would definitely always want to see Papa. At least in our dream.

I started crying so hard at the end of my post... it's still fresh to me.. i just miss him too bad..

I've just read it again. I miss Papa so much even though it has already been 17 years since he passed away.

Ate, can you translate it for me in English in one of your next ULogs pls?

I have actually tried translating it but it doesn't have the same effect as it did with the original version, so I stopped. I intended to send it to you once finished so it could be one of your next ulog posts. Anyway, I will try again and I hope I can deliver, and then will send it to you. I am just still in bed right now and it's 8:16 AM so I am still a bit lazy. Haha!

Nakakalungkot isipin ang mga bagay na dapat ay ginawa natin sa nakaraan, lahat ng bagay at may buhay ay humahantong sa kawalan, maramingsana'y sana ay ganito at ganoon,....subalit huli na ang lahat!
Ramdam ko ang pait sa puso mo @dynamicshine, nawalan din ako ng anak na minamahal, at maraming pagsisi na dapat ay nagawa ko ng siya pa ay nabubuhay....subalit, siguro at datapwat ganito ang tao...huli na ng mabatid ang kamalian.
Napakagandang liham, tagos sa puso.

Totoo @sweetcha.. nawalan kaming magkakapatid ng Ama, two sisters (twin), pati stepmom nang sabay-sabay kinuha sa amin. Kaya ngayon, sobrang nilulubos ko na ang lahat ng pagmamahal ko sa mga taong malapit sa puso ko, dahil sa mga pait ng karanasan ko. Thank you sa pag-appreciate mo sa letter ko for my Dad.

Dyan sa pait tayo tumitibay, at pinipilit na huwag ng maulit pa ang nakaraan...saying "I Love you" to our love ones is free, Ipadama natin iyan sa kanila kung gaano kaimportante ang Pagmamahal sa bawat isa. It's not easy to recover, I know but times heals the pain, kapit kamay lang sissy😊

Yes.. yun lang ang tanging choice natin ang maging matatag. Kung hindi kami pinalaki ng tatay ko nang may takot sa Diyos, baka diko din nakayanan. Buti na lang ang Diyos mismo ang lumalapit saten.

Thanks sis for empathizing with me. It means a lot to me. :)

God is good all the time, pray and belief lang ang the best nating magagawa...my pleasure dear, you are much welcome, napatulo mo kaya luha ko haha😊

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by dynamicshine from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Congratulations @dynamicshine! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!