Magandang araw po sa lahat ng #uloggers at #steemgiggers! Narito po ang una kong qoutes para sa #ulog at sana po ay magustuhan nyo.
Iba't ibang klase ang ibig sabhin ng luha sa buhay ng bawat isa sa atin, kahit anong tibay ng dibdib natin ang luha ay di kayang pigilang ninuman.
May luha ng pagdurusa: ang luhang ito ay yung nakagawa ng kasalanan tapos ang kunsekwensya ng kanyang kasalanan ay kanya ng pinagdusahan, at sa hirap na kanyang nararanasan ay napapaluha siya, at iyon ang luha ng pagdurusa.
May luha naman ng pagsisi: ito ang luha kung pinagsisihan natin ang kasalanan ating nagawa sa ating kapwa at sa ating sarili. At kapag tayo nagkasala at nakunsensya tayo sa ating ginawa napapaiyak tayo kung bakit natin iyon nagawa sa ating mahal sa buhay,kaibigan at mga taong malapit sa ating buhay at minsan sa mga taong di natin kilala.
May luha naman ng pagkapoot: Ito ang luha na puno ng galit,hinanakit sa mga taong umagrabyado sayu, at sa mga taong inaalipusta ka at minsan tinatapakan ang iyong pagkatao. At higit sa lahat kapa ikaw ay niloko. Dahil sa sobrang galit mo sa puso,napapaluha ka dahil sa sobrang hinanakit na dulot ng kasalanang ng ibang tao.
May luha naman ng kaligayahan: Ang luhang ito ay dahil sa kagalakan na naramadaman mo, ito yung tagumpay at mga bagay na minimithi mo at nakamit mo na. At kapag ikaw ay nanalo sa patimpalak o anumang bagay..ito yung tinatawag na luha ng tagumpay.
May luha naman ng sawi o kalungkutan: Ito ang luha ng mga taong nabigo sa pag ibig,iniwan ng mga mahal sa buhay at yung mga taon napapalayo sayu at naiisip mo sila. At ito ang luha ng kalungkutan.
Ang luha ay walang pinipili, lalaki man, babae, mayaman man o mahirap, matipuno man o payat, mayabang, astig o anu ka pa man sa mundong ito. Lahat tayo ay lumuluha.
Sana po ay nagustuhan nyo ang munting #qoutes ko sa sa araw na ito. Hanggang sa muli.😊👧
Marigen aka @greatwarrior79