#Ulog 004 (6/14/18) : INDEPENDENCE DAY

in ulog •  7 years ago  (edited)

IMG_20180614_195940-516x516.jpg

(note: This is a Tagalog Ulog Post)

Hunyo 12, Iginunita ang ika-120 Araw ng Kasarinlan (Independece Day) sa Pilipinas.

IMG_20180614_195508-219x220.jpg

Taon-taon ang selebrasyon ng ating kalayaan. 120-taon nang malaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop. Nakasulat sa mga pahina ng libro at paulit ulit itinuturo ng mga titser sa bawat estudyante.

Pero napaisip ako.....

Malaya nga ba talaga tayo?

Malaya ba tayo sa mga bansang gusto umangkin nang dapat ay nararapat sa mga Pilipino? O, patuloy pa rin tayo titiklop dahil malalakas sila?

Malaya ba tayong gawin ang ninanais natin? O, susunod tayo sa gusto ng iba?

Malaya ba talaga tayong magsalita kung ano man ang nasa isip natin? O, nahihiya tayong magbigay ng opinyon dahil baka pagtawanan lang?

Malaya ba tayong magmahal? O, mananatili na lang na palihim dahil sa mga mapanghusgang mata?

Ito ang mga bagay na sumagi sa isipan ko..

Iba-iba tayo ng bersyon o ibig sabihin ng Kalayaan. At ang pagiging malaya ay may kaakibat na responsibilidad na hindi dapat sayangin.

Ang importante malawak ang pananaw natin at respituhin ang bawat isa.

Mabuhay ang Pilipinas!

To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!