#ULOG Day 5 Ewan - Tula ni Joan

in ulog •  7 years ago 

Ewan - Tula ni Joan

Minsan hindi mo alam bakit ganun bakit ganyan
Tuloy wala kang magawa kundi hayaan na lang
Minsan nagtataka ka pa, "Sabi mo, siguro hindi naman"
Tapos magugulat ka na lang, "Sana hindi mo na lang nalaman"

May mga bagay sana naagapan pa pero minsan huli na
May mga bagay mahirap tanggapin pero ano pa nga ba
May mga bagay na akala mo tama pero mali pala
May mga bagay na inaasahan mo wala palang pag asa

Sayang kung pwede lang sana nagawan pa ng paraan
Sayang kung pwede lang sana hindi mo pinayagan
Sayang ang pera, pagod at panahon na inilaan
Sayang ang lahat ng iyongpinuhunan

Nakita mo na ang kinalabasan
Walang ibang hatid kundi kalungkutan
Sayang lahat ng pinaghirapan
Uuwi ka na naman na Luhaan

Paano mo ba haharapin ang iyong mga magulang?
Paano mo sasabihin na uulit ka na naman?
Paano mo sasabihin na bagsak ka na naman?
Paano mo sasabihin ang katotohanan?

Ayaw mo sumuko pero nakakapagod din
Ilang taong pagsubok pero wala pa rin
Siguro ay dapat mo na lang aminin
Ang pagkatalo ay dapat tanggapin

Magtrabaho ka muna at saka mo na balikan
Ang Unibersidad nandyan lang naman
Magsumikap ka at ng iyong mahandaan
Ibang bahagi ng iyong buhay paglalakbay

Lumipas ang ilang taon nagawa mo ding balikan
Ang lahat ng mga kulang na iyong iniwan
Isa isang naipasa kahit talagang nahirapan
Di mo akalain na iyong mararanasan

Sa wakas graduate ka na sabi mo sa sarili mo
Sa wakas naisip mo pwede ka na magtrabaho
Ang iniwan mong trabaho yun din binalikan mo
Di mo pala kakailanganin ng Diploma gaya ng inakala mo

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Minsan di na talaga kailangan ng Diploma. With a lot of graduates and less job offers underemployment is a thing. Madaming nagaakala na porket may diploma ka maganda na buhay mo.

Ang tagal ko nagwork sa Call center tapos naiisip ko talaga bumalik school, nung bumalik ako after 5 yrs na tumigil, sa Call center pa din naman ako nagtrabaho. Ganun pa din pala. NI hindi ko na nga hinintay diploma ko lumabas. Awa naman ng Diyos maayos naman lahat pero naisip ko talaga kung di pala ako nagbalik school ganun din naman :)

Yes ma'am. But if you want to explore other job opportunities you can do so since you are a college grad.

True pero kasi minahal ko na yang work ko :) HIndi man ako sa call center nag work ngayon madami ako natutunan dun at na i apply ko na sa bago kong work (Connected pa dins a customers ) Keep Smiling and thanks for commenting @harlot!