Unang Entry ko sa #uloghugot Contest ni @sunnylife Ika-apat na Linggo "Bakit siya at bakit hindi ako?" :-)❤️

in ulog •  6 years ago 

Bakit siya at bakit hindi ako?

Ito ang tanong na magpahanggang ngayon, ay hinahananapan ko ng lunas....este, kasagutan. Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa mo akong ipagpalit. Hindi ko talaga inasahan na mangyayari ito sa atin. Alam kong masaya naman tayo dati, bumuo tayo ng pamilyang nababalutan ng biyaya ng pagmamahal. Akala ko nga panghabang-buhay mo kaming paninindigan ng mga anak natin. Hindi pala. Umasa lang ako sa wala.

Alam mo noon pa ma'y ramdam ko na na meron ka ng iba. Nanahimik na lamang ako. Sabi ko "okey lang na dagdagan mo ako, basta't mananatili ang suporta mo sa mga bata." Ngunit inabuso mo ang pananahimik ko. Kaya naman ginawa ko lahat upang maipagpatuloy mo ang pagiging ama mo sa mga anak natin. Pasensya ka na dahil sadyang ako ang kinalinga at pinanigan ng batas.

Noong nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob, sinubukan kong alamin ang anyo ng taong ipinalit mo sa akin. Nabigla naman ako sa nalaman ko at aking natuklasan. Bakit siya at bakit hindi ako? Ano bang meron siya na wala ako? Oo nga pala, kitang-kita ko kung anong meron siya na wala sa akin....EDAD... Meron na pala siyang edad. Nakakainsulto lang hahahah. Akala ko ipinagpalit mo ako sa mas bata, mas sariwa. Hindi pala, nagkamali ako. Bakit siya at bakit hindi ako? Ikaw at tanging ikaw lamang ang sadyang makakapagbigay ng lunas...este kasagutan sa walang kamatayang tanong ng bayan, Bakit siya at bakit hindi ako?

Araw-araw sa radyo, noon sa dating pinapasukan kong opisina, naririnig ko ang makatotohanang hugot ng mga pamosong DJs na yon. Sabi sa umpisa "Una, magdasal ka para mabuhay ka; pangalawa, magtoothbrush ka para mabuhay naman ang iba" Aliw na aliw ako sa pakikinig hahahah at natutuwa ako tuwing umaga dahil sa kanila. At alam mo bang isang matinding hugot ang lagi nilang sinasabi pag patapos na segment nila? "Walang matatag na relasyon sa malanding may determinasyon!" Ayun o! Hugot much di ba? hahahaha Mula non lagi na kong nakakahugot.

Bakit siya at bakit hindi ako? Well, partially, parang may idea na ako kahit papaano. Daig nya kasi ako una sa edad, pangalawa deadly ang combination nya, malanding may determinasyon. Kaya naman nabuwag ang inaakala ko noon na matatag na relasyon natin. Huwag kang mag-alala, maayos at tahimik naman kami ng mga anak natin. Sa awa ng Diyos, nakakaraos naman kami araw-araw. Kaya kung nasaan ka man ngayon, alam ko at sigurado akong buhay ka pa, gayahin mo naman ang multo, paminsan-minsan. Magparamdam ka naman kung may time ka, ok?

Huwag kang mag-alala, kasi ang sinasabi ko lang naman ay para sa mga anak natin. Hindi ko hinihiling na bumalik ka sa akin. Sanay na akong mag-isa. Ang iniisip ko lamang ay para sa kapakanan mga anak natin. Magparamdam ka sa kanila. Huwag na huwag mong iisipin na kasama ako sa panawagang iyan. "X" na kita, matagal na at hindi ko na kailangang hanapin pa ang value mo. Kuha mo?

End of hugot hahaha.

Ito po ang aking entry sa Ika-apat na linggo ng #uloghugot contest ni @sunnylife, "Bakit siya at bakit hindi ako?" Isang malamig at halos umaga na ng linggo sa inyong lahat, aming mga minamahal na tagasubaybay, kasabayan sa pagtawa, pag-emote, paghugot, mapajologs ka pa o mapa KGG (KaGalangGalang), mga minamahal na steemians, uloggers, hugot kings & queens, kaibigan, kapamilya, kapuso, kabarkada at sa inyong lahat. Ito'y simpleng realisasyon ko base po sa aking tunay na karanasan. Ang tanging maibabahagi ko lamang ay kung anong meron ako, hindi ko po maibabahagi ang anumang wala po sa akin. Sana po ay nasiyahan kayo at hindi po nasayang ang inyong oras sa pagbabasa at pagbisita sa aking post. Maraming salamat sa iyo @sunnylife sa pacontest na ito. At kahit matapos na ang lahat ng tema, makakaasa kayong patuloy ako sa paghatid ng aking malalalim na hugot, mga may pinanggagalingang kataga na mula sa kaibuturan ng aking pusong nasaktan, nagmove on, nagmahal, nag steemit at ngayon hugotera pa :-D

Pawang katuwaan lamang po at flaws allowed hwag po kayong matakot o mangiming magsumite din ng inyong mga entry.

Thank you so much and God bless us all.

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed and hoping to be a cool month of August 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)


(thank you sis @sunnylife)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box. Please do check out @paradise-found's posts for the great announcement, our dear Papa Bear :-)❤️ Please join the curation trail. :-) And win SBD :-)


(Photo credits: mam @sunnylife)

Please check this link and join our prayer warriors here in steemit https://steemit.com/christian-trail/@wilx/christians-on-steemit-let-us-follow-and-support-each-other-pt-7-join-the-christian-trail

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@arcange
@yehey

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(credits to @bloghound)


(credits @jhunbaniqued)


This post was made from https://ulogs.org

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hard to read this but pics are awesome!

it's written in Filipino. thank you for dropping by :-)

You welcome @shirleynpenalosa!

Informative and initiative content keep it up

ay grabee sis sa hugot as in hugutan na ang lalim ng sakettt
bakit sya at hindi ako??
"Walang matatag na relasyon sa malanding may determinasyon!"
grabee nagulat ako ngayon ko lang narinig ang linya na ito
hindi bale sis panoorin mo nag video ko na naka tag ka
someday...someday.....keri yan, ikaw pa.
Mabuhay#hugotqueen !!
salamat sis

This comment was made from https://ulogs.org

hahahaha....sa...love...radio...yan...sis...mon...to...fri...nakikinig...kami...non...natatawa...ako...tag..line...nila..nicholehyala...at...christsuper...yan...sis...hahahaha

Buenas tardes muy buen trabajo. Saludos desde Venezuela. Te invito visitar mi blog hasta luego