Ulog + Photography =Ulography #6 - Ang Habilin Ni Inay At Itay

in ulog •  7 years ago  (edited)

Ïnay, itay, aalis po muna ako ay mangingibang bayan
Babalik din ako at lagi ko kayong susulatan
Malaki na ako inay, itay, kaya ko ng maghanap buhay
Nakapag tapos na ako ng pag-aaral
Salamat po sa inyo mahal kong magulang.


Mag iingat ka anak, aalahanin mo, hindi madali ang mangibang bayan
Mag ingat ka sa mga higanting, mapag linlang at maka sariling mga suso doon
Hindi lahat ay kaibigan. Tatagan mo ang iyong loob at lagi kang magdadasal
Opo, Inay...Paalam hanggang sa muli.

Aray ko, ang sakit ng mga daanan dito, hindi kagaya sa aming bayan
Lahat ng inaapakan mo ay makinis at malambot
Ang daming paliko-likong daan, saan ako pupunta?
Hindi ko na yata kaya. Pero hindi, nangako ako kay inay at itay.


Ïnay madami akong naging kaibigan ang babait nila, masasaya silang kasama
Pero tama ka inay, hindi pala lahat ng kumikinang sa ibang bayan ay tunay
Marami akong naranasan na hindi kanais nais pero inay ako ay nagpakatatag.


Hindi ako bumitiw Inay, itay, hindi ako nagpatalo sa mga pagsubok na dinanas ko
Bagkus ako ay lumaban at nagsikap na umasenso para kayo ay inyong maipag malaki
Hindi ko sasayangin ang bawat dugo at pawis na inyong pinuhunan para lang ako makapag tapos
Kaya ko at kakayanin ko inay, itay...

Inay, itay, nakahanap na ako ng trabaho at sapat na ang aking ipon
Uuwi na ako sa pasko at tayo ay magsasalo salo
Marami akong natutunan sa ibang ibayo at iyon ay aking ipapamana ko sa aking magiging anak
Ang inyong mga magandang aral at payo sa akin
Siya pala inay, nakilala ko si Susie at dalawa kaming bubuo sa aming mga pangrap
At kayo ay kasama doon. Salamat, inay at itay.....

Ulog + Photography =Ulography. Use #ulog as your primary tag then followed by #ulography and so on. You can post your original photos with story, poetry, quotes or anything that you'll love to share with us. Feel free to use this tag. We are not professional photographers but we are#ulographers:) What is #ulography?
https://steemit.com/ulog/@sunnylife/ulog-photography-ulography-let-s-go-ulographers

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

This post was made from https://ulogs.org

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Great pictures, I haven’t seen snails in a long time!

thanks a lot.
These snails traveled sofar :):)
photos taken in BG.
Always good to see you.
Have a lovely day

  ·  7 years ago (edited)

Wow ang tindi nung nakalambitin patiwarik. Haha. Gravity. 😂 Ang cute nila, kasing-cute ng story.

Gusto ko mag-alaga ng suso. Kahit slow sila parang ang cute lang. Kaso baka madeds lang pag d naalagaan... 😅

Ang dami nila o... Hanap n lng ako ng garden o madamo bka meron din ganyan. Hahaha.

Posted using Partiko Android

haha salamatsis. nakatiwarik mabuhay buhay, kumapit sya mabute
kz mahuhulog sya pag nde kumapit hehehe
wala akong idea pag alaga ng suso, sa kabundukan madami kapag maulan dami nila
parada sila kaya natutuwa ako sa kanila, mabagal pero matyaga.
SAlamat sis. Have a good day

  ·  7 years ago (edited)

:) The beauty of the photos compensated sa sobrang gandang message. Always admired people who managed to work or live abroad. I know it's not easy. (Never had the courage myself.) Pero ang ganda talaga ng photos :)

Posted using Partiko Android

Thank you so much sis:)
yes, dugo at pawis sabi nga ni suso madaming daan na nakakalito
at minsan may bagyo at yelo:(
Have a great day

Literal na dugo at pawis sis. Salamat sa magandang kwento and inspirasyon. GOD BLESS.

Posted using Partiko Android

Mahirap nga sigurong mangibang bayan sis dahil parang magsisimula ka sa una... Magsisimula kang kilalanin yung lugar at lenggwahe nila.. Magsisimula kang mag adjust sa klima na meron sila at higit sa lahat ay wala kang kamag-anak o malapit na kakilala... Pero dahil mabait ka, alam kong marami ka na ring mga kaibigan jan 😊😊😊

Aug. 5 na dito sa Pinas sis.... Huli ata ang UK nang 8 hours... Feliz cumpleaños 😸💕

tama ka dyan sis. Nasanay na den sa buhay ofw peg:)
at m agiging matatag ka tlga.
Salamat sis, mabait pag tulog hihii
Na appreciate ko pagbati mo umagang umaga
ganda boses hihihi

  ·  7 years ago (edited)

Inay at itay malayo man ako.. kayo ang inspirasyon ko sa araw araw na buhay.. matutupad na din ang pangarap ko ... kasama kayo...

#ulography 👍👍👍
Magandang umaga
Magandang buhay @sunnylife

oo nga, itay, inay, mahirap pero matutupad lahat ng pangarap
pag may tyaga may nilaga:)

  ·  7 years ago (edited)

May tyaga may nilaga 👍👍👍 God bless Sis

Mabuti na lamang hindi fast-paced ang napuntahan ni anak at alam mo sis kinilig ako don sa part na natagpuan niya si Susie <3 napakagandang snail love story nito sis <3 <3 <3 God bless madaming lessons ang nakapaloob sa kwentong ito at isa na doon ay ang hwag hahamakin ang mga suso dahil parang langgam din mga yan bukod sa sweet ay masigasig sila sa paghahanapbuhay at pagtupad sa kanilang mga pangarap. :-)...kaya ako pag nakakakita ako ng suso sa daan hinahayaan ko lang lalo na kung mag-isa lang siya kasi naman malay ko naghahanap din siya ng susie nya o kaya tinutupad ang mga pinangako niya sa mga magulang nya. :-)

si Susie ang nagdala sa huli may lovelife sis:)
Salamat sis, matyga den mga susuo kahit umuulan lakad sila ng lakad
natutuwa ako sa kanila kz dami nilang pumaparada lalo na pag maulan
salamat sis God bless

Its a beautiful photo!

thank u

@sunnylife
Beautiful photography mate.
Keep clicking

thank you