Katha ni Marigen aka @greatwarrior79
Noong binuhos ng Diyos ang kagandahan,
Isa ka ba sa mga nabiyayaan?
Gandang kakaiba at tila ba mga lalaki ay nagagayuma,
Halos napapalingon kapag ikaw ay dumaraan na.
Mga mata mo ay kay pungay at parang nangungusap,
Kaya naman mga binata ay napapasulyap.
Korte ng katawan ay parang coka kola,
At ang tindig ay pang miss universe pa.
Ngunit di lahat sa ganda ay pinagpala,
Mayroon namang kahit tumingin sa salamin ay nahihiya.
Mayroon namang ipinagmamaybang at grabe umalipusta,
At halos gawing dios ang kanilang magandang mukha.
Ang kagandahan ay may epektong mabuti at masama,
At depende ito sa mga nagdadala.
Minsan ay ginagamit para sa karangalang ng bansa,
At minsan ito naman ang puhunan para kumita.
Di lahat ng magaganda ay mahinhin at malambing,
Mayroon naman mga papansin.
Kaya nga may kasabihan na laging naririnig natin,
Mas mabuting pangit ang mukha kaysa mukha'y maganda,ngunit ugali naman ay di kaaya aya.
Lagi nating tatandaan ang kagandahan ay biyaya ng Panginoon,
Kaya huwag natin abusuhin kundi ito ay pagyamanin.
Dahil ito ay natatanging regalo sa atin,
Dahil di lahat ay may gandang angkin.
Kagandahan ay di po sapat,
Sapagkat lumilipas kumukunat ang balat.
Ang tunay na ganda ay sa puso nasusukat,
Ang magmahal ng wagas at umibig ng tapat.
Salamat sa pagbasa sa aking munting tula.😊
Hanggang sa muli
Marigen aka @greatwarrior79
Note : Make Sir Terry aka @surpassinggoogle your witness:
If you have a spare vote, kindly vote "steemgigs" as witness by visiting https://steemit.com/~witnesses typing "steemgigs" into the first search box for witnesses!