Meron akong kakilala na hindi tinupad ang pangakong binitawan. Pakiramdam ko noon ay bigong-bigo ako. Bagsak ang aking diwa at parang gusto ko ng ihinto ang takbo ng oras at bumalik sa panahong hindi pa siya nangangako. Magkaganunpaman, hindi siya ang bumigo sa akin. Alam niyo kung bakit? Kasi ako mismo ang naniwala sa kanyang mga pangako, umasang matutupad balang araw, at nangarap na makamtan ang resulta ng pangakong iyon. Ang naging kasalanan lang niya ay siya ang pinagmulan ng pangako pero ang kabiguan ay sa akin nag-ugat.
Ang taong iyon ay walang iba kundi ang minahal kong lalaki isang taon na ang nakakaraan. Nakilala ko siya sa paraang puno ng kasinungalingan. Wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa kanya noon hanggang sa kanya ko rin narinig ang katotohanang isa siyang gumagamit ng bawal na gamot at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa araw ng aking kaarawan ay sumuko siya at masasabi kong isang napakagandang regalo niya iyon sa akin na hindi kailanman mabibili ng pera. Minsan ko siyang binisita sa bilangguan at maraming beses siyang nangako na hindi niya ako ipagpapalit ninuman.
Dumaan ang apat na buwan ay dumalang na ang kanyang pagpapadala ng mga mensahe hanggang sa mabalitaan ko na lang na nakalabas na pala siya. Sinubukan kong ikontak ang numero niya sa akin pero hindi ko siya maabot. Sa mga panahong iyon, ang pag-asang naroroon sa puso ko ay pinangibabawan na ng pangamba, takot at pag-aalala.
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtatrabaho hanggang sa isang araw ay nakatanggap ako ng mensahe sa kanya. Kinumusta niya ako at nakipagkuwentuhan sa akin sandali ng bigla na lang kakaiba ang laman ng isang mensahe niya sa akin; “Hi! Puwede bang tigilan mo ang bf ko kasi ikakasal na kami!” Pagkabasa ko pa lang ng mensahe na iyon ay agad akong tumawag sa kanya. Babae ang sumagot at doon ko nalaman ang katotohanang niloloko niya ako simula noong wala pa siya sa bilangguan!
Ano na naman ito, isa ba itong bangungot ng pagkabigo? Nasaan na ang mga pangako niya sa akin at ginawa niya akong tangang naghihintay sa kanyang tuparin ang mga iyon? Nagtiwala lang ba ako sa wala? Lahat ng mga ito ay walang katapusang umiikot sa aking utak pero natutunan ko kalaunan na tumayo at tanggapin na nararapat siya para sa iba.
Maraming salamat na lang at dumating siya sa buhay ko upang tulongan akong maging mas matatag at matapang na harapin ang anumang kabiguang darating pa sa aking buhay. Ako ay buong pusong humahakbang pasulong sa buhay na ito na punong-puno ng kamisteryosohan.
Hanggang sa muli,
Grabe ang daming niyo pong napagdaanan. Tunay nga po na ang buhay ay sadyang mahiwaga. Madapa man tayo sa unang pagkakataon ang mahalaga po ay bumangon tayo.
Salamat po sa pagsusulat ng Tagalog na likha at nawa'y palarin po kayo sa patimpalak ng steemph.cebu
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat tagalogtrail! Tama, hangga`t may hininga, may pag-asa. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wala pong anuman 😍
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit