Watching youtube videos in vlc | explained in Filipino language

in utopian-io •  7 years ago  (edited)

Magandang araw po sa inyong lahat. Andito po ako ulit ngayon upang turoan kayo kung papano gumamit ng vlc media player para mapanood niyo ang paboritong bidyo sa youtube. Napakadali lang ang prosesong ito, sundan niyo lang ang mga gagawin ko at matututunan niyo agad ito. Kaya tara na!

Dapat ngayon may vlc media player kanang naka instal sa iyong kompyuter, kung wala pa rin eh bahala kana sa buhay mo. Pero kung gusto mo ng mag instal ng vlc pindotin mo lang ang link nato https://www.videolan.org/vlc/index.html , tapos pindotin mo ang Download VLC para ma i-download mo ang app nila, pagkatapos magdownload i-instal mo agad sa iyong kompyuter para makapagsimula na tayo.

image.png

Paki bukas na ng iyong VLC media player, pindotin mo lang ng dalawang beses ang icon sa vlc.

image.png

Ngayong nakabukas na ang iyong VLC media player, paki bukas din ng browser mo at pumunta ka sa Youtube at hanapin mo ang bidyo na gusto mong mapanood sa vlc.

image.png

Pagkatapos mong mahanap ang bidyo na gusto mong makita sa vlc, kopyahin mo ang link nito. Yan yung nilagyan ko ng pulang kahon sa piktyur.

image.png

Ngayong may kopya kana sa link ng bidyo sa youtube, pumunta ka na ulit sa VLC media player mo. Dito, pindotin mo ang Media > Stream.

image.png

Pagkapindot mo sa Stream mabubuksan mo ang bagong window na nakapangalang Open Media.

image.png

Ngayon pindotin mo ang Network na tab, pagkatapos mo ma pindot ito hihingan ka nila ng link. Dito mo ilagay o idikit ang iyong link na nakopya sa youtube.

image.png

Pagkatapos mong mailagay ang link, pindotin mo ang palasong paibaba upang makita mo ang iyong mga opsyun, ngayon piliin mo ang Play para makapagsimula na itong kumuha ng data galing sa youtube o pwed mo ring pindotin ang Ctrl + P sa iyong keyboard.

image.png

Tagumpay! Maaari mo ng mapanood ang bidyo na galing sa youtube gamit ang VLC media player.

image.png

Hanggang dito nalang, sana'y may natutunan kayo sa simpleng pagtuturong ito.

Paalam,



Posted on Utopian.io - Rewarding Open Source Contributors

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Your contribution cannot be approved because it is a duplicate. It is very similar to a contribution that was already accepted here.

You can contact us on Discord.
[utopian-moderator]