This my contribution for the localization of Steem Bluepaper. The translation was done in crowdin. The project still need more translations from different languages. Filipino is at 32%.
Language: Filipino/fil
Proof of Work
Links:
- https://crowdin.com/project/steem-bluepaper
- https://crowdin.com/project/steem-bluepaper/fil#
- https://crowdin.com/translate/steem-bluepaper/370/en-fil
Screen Caps:
Strings
Pambungad
Ang Steem ay nagbibigay ng isang nasusukat na blockchain na protocol 1 para sa publikong pag-gamit at hindi mababagong mga nilalaman, kabilang ang isang mabilis na digital na token (tinatawag na STEEM) 2 na nakukuha sa mga tao gamit ang kanilang mga utak (ito ay tinatawag na "Proof-of-Brain"). Ang dalawang bloke na bumubuo ng protocol na ito ay ang blockchain at ang token, seguridad na nakadepende sa dalawa, hindi mababago at katagalan, at ang integral na kahalagahan sa isa't isa. Higit isang taon nang matagumpay na umaandar ang Steem at nalagpasan pa nito ang Bitcoin at Ethereum sa dami ng transaksyon na na-proseso. 3
Kung ikukumpara sa ibang blockchains, ang Steem ay ang unang pampublikong ginagamit na database para sa mga hindi mababagong nilalaman na gawa sa anyo ng iang teksto at may insentibong mekanismo sa loob. Dahil dito, nagiging pampublikong plataporma ang Steem para sa paglalathala kung saan kahit anong aplikasyon sa Internet ang makakakuha at makakabahagi ng mga impormasyon at data habang binibigyan ng kaukulang gantimpala ang mga nagbibigay ng mga nilalaman na may halaga.
Sa larangan ng crypto-currencies, ang kakaibang katangian ng STEEM ang pagiging "matalino" at "sosyal" kumpara sa iba, gaya sa bitcoin at ether. Ito ay dumudugtong sa dalawang bagong katangian ng token. Una ay ang pool ng mga token na tanging nag-iinsentibo sa mga ginagawang nilalaman at ang paghahanap nito (tinatawag na "rewards pool"). Ang pangalawa ay ang sistema ng pag-boto na nagpapa-angat sa karunungan ng madla para makuha ang halaga ng nilalaman at mabahagi ang mga token. Ang pagsasama-sama ng dalawang katangiang ito ay maihahambing sa Proof-of-Brain na galing sa aspetong Proof-of-Work4, nagpapaliwanag sa gawa ng tao na kailangan para maibahagi ang mga token sa kumunidad. Ang STEEM ay nagiging kasangkapan para sa pagbuo ng mga lumalagong kumunidad dahil sa Proof-of-Brain at naghihikayat sa mga myembro na mag-dagdag ng halaga sa kumunindad.
Dagdag din sa lumalagong teknolohiya ng blockchain at token, Ang Steem ay isang sistema na nagbibigay ng advance na katangian para sa mga gumagamit nito gaya ng Stolen Account Recovery, escrow na serbisyo, promosyon sa mga nilalaman, sistema sa reputasyon at account para sa pag-iipon. Itong lahat ay nagagawa sa loob lang nga tatlong segundong kompirmasyon at walang bayad sa lahat ng transaksyon ng mga gumagamit. Lahat ng ito ay pinapayagang sumuporta sa misyon na magdala ng matalino at sosyal na pera para sa mga nag-aambag ng nilalaman at sa mga bumubuo ng mga kumunidad sa Internet.
Proof of Brain: Matalino at Sosyal na Token
Ang mga token na sistema na nagbibigay gantimpala sa mga gumagamit habang sila ay umaambag sa isang kumunidad na nakabase din sa token na sistema ay nangangailangan ng mekanismo sa pagsusuri sa halaga ng nilalaman: tinatawag namin itong "Proof-of-Brain."
Ang Rewards Pool ("Saan galing ang mga token?")
Isa sa mga pinaka innovatibo (at pinaka hindi maintindihan) na aspeto ng Steem blockchain ay ang "Rewards Pool" kung saan ang mga token ay nanggaling at ibabahagi sa mga may-akda ng mga nilalaman. Para maintindihan kung ano ang Rewards Pool, dapat maunawaan ng isang tao na ang mga token ay ginagawa sa iba't ibang DPoS blockchains kaysa sa PoW blockchains. Sa tradisyonal na PoW blockchains, ang mga token ay regular na ginagawa ngunit binabahagi ito sa hindi tiyak na mga tao kung saan ang kanilang mga makinarya ay nagtatrabaho ("miners").
Magkaiba sa PoW na mga cryptocurrencies, ang mga token sa Steem ay nabubuo sa tiyak na rate ng bawat isang bloke sa loob ng tatlong segundo. Ang mga token na ito ay ibinabahagi sa magkakaibang aktor sa sistema na base sa mga alituntunin na nakalagay sa blockchain. Ang mga aktor na ito ay ang mga gumagawa ng nilalaman, mga saksi, mga curator na nag kukumpitensya sa espesyal na paraan para sa mga token. Hindi tulad sa tradisyonal na PoW sa pagbabahagi, kung saan ang mga minero are nagkukumpitensya gamit ang computer power, ang mga aktor sa Steem network ay nabibigyan ng insentibo para sa paraan na makadagdag ng halaga sa network.
Ang rate sa pag-gawa ng mga bagong token ay nakaset sa 9.5% kada taon sinula noong Desyembre 2016 at unti unting bumababa sa rate na 0.01% bawat 250,000 na bloke, o 0.5% kada taon. Ang paglobo ay patuloy na bumababa sa rate na nakasaad hanggang umabot ito ng 0.95%, pagkatapos ng 20.5 na taon.
Sa supply ng mga bagong token na nabubuo sa Steem blockchain bawat taon, 75% nito ay nasa "rewards pool" na binabahagi para sa mga gumagawa ng nilalaman at nagbibigay halaga sa mga nilalaman. 15% ay binabahagi sa mga stakeholders at ang 10% ay binabahagi sa mga saksi o tinatawag na Witnesses, ang mga gumagawa ng mga bloke sa loob ng Steem DPoS consensus na protocol.
Gantimpala sa Gumagawa ng Nilalaman at mga Curator
Ang mga gumagamit na gumagawa ng mga nilalaman ay dumadagdag ng halaga sa network sa paraan na nakakahikayat sila ng mga bagong tao paa sa plataporma at sa kadahilanan din na ang mga gumagamit ay nakabubuo ng interaksyon sa iba at nalilibang. Pinapagaling nito ang pagbabahagi ng pera sa malawak na kumpol ng mga gumagamit at pinapalaki ang magandang epekto sa network. Ang mga gumagamit na nagbubuhos ng oras para sumuri at bumoto sa mga nilalaman ay may mahalagang papel na ginagampanan para sa pagbabahagi ng pera sa mga gumagamit na nagdaragdag ng halaga. Ang blockchain ang nagbibigay gantimpala sa mga atibidadis na ito na magkaugnay sa kanilang nai-ambag na halaga na base rin sa karunungan ng madla na nakolekta sa paraan ng pagboto.
Pagboto gamit ang Staked-Tokens para Malaman ang Alokasyon ng Pera
Nag-ooperate ang Steem base sa tinatawag na one-STEEM, one-vote. Sa model na ito, ang mga indibidwal na naka-ambag ng marami sa sistema, na sinusukat sa kanilang balanse ng kanilang account, ay mayroon pinaka mataas na impluwensya sa kung paano mabibigyan ng puntos ang bawat kontribusyon. Ang stake ay puwedeng bilhin o makuha.
Ang mga gumagamit ay hindi makakakuha ng dagdag na impluwensya sa pamamagitan ng pag-gawa ng maraming account dahil ang isang account na may dami ng stake ay pareho lang ng impluwensya sa magkaibang account na may parehong dami ng stake. Ang isang paraan lang para ang mga gumagamit ay mapalaki nila ang kanilang impluwensya sa sistema ay ang pagpapalaki ng kanila stake.
Dagdag pa nito, pinapayagan ng ng Steem ang mga myembro na bumoto sa STEEM kung ito ay committed sa 13 na linggo na skedyul sa vesting na tinatawag na Steem Power. Sa model na ito, may mga pinansyal na insentibo ang mgamyembro para bumoto sa paraan na mapalawak nila ang kanilang layuning pangmatagalan para sa halaga ng STEEM.
Progress
From:
To:
Primary Photo taken from this post
Thank you!
Posted on Utopian.io - Rewarding Open Source Contributors
Cheers for your contribution to Utopian.io.
Access to paradise is granted.
[utopian-moderator]
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
The best utopian comment. Thanks @cnts
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
I like how different we all are & that utopian.io is bringing us all together in one great big melting pot of ideas and creativity for the digital age.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Magaling kabayan. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
meep
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
boost
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
meep
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
boost
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
meep
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ayos at magaling to. Nice @themanualbot.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Asan na yung analysis? haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hey @themanualbot I am @utopian-io. I have just upvoted you at 7% Power!
Achievements
Suggestions
Did you know?
Up-vote this comment to grow my power and help Open Source contributions like this one. Want to chat? Join me on Discord https://discord.gg/Pc8HG9x
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit