Philippine Poetry and Song Contest #1, "Munting Tinig"

in wikang-filipino •  7 years ago  (edited)

Hanggang saan mo kayang pagtiwalaan ang iyong sarili para maabot ang gusto mong makamit?

Maghihintay ka pa ba sa himala o ikaw na mismo ang gagawa?
Ano ang 'yong suhestiyon, sapat ba na sarili mo ang gawin mong inspirasyon?

Sa lahat na pinagdaanan, masasabi natin na talagang mahirap mabuhay sa mundong walang kasiguraduhan. Pero may gusto akong ipahiwatig sa inyo, kaibigan:

"Magtiwala ka lang sa iyong sariling kakayahan, at sigurado akong iyong pangarap ay makakamtan."


Ito ang aking akda para sa paligsahan na pinangunahan ni @jassennessaj para maipakita sa bawat Pilipino ang iba't ibang kakayahan na taglay nito.

Di ako sigurado kung ito'y mahahabol pa
Susubukan ko lang, wala namang masama.

Sana'y inyong magustuhan ang tulang "Munting Tinig" na orihinal kong likha.


MUNTING TINIG

946193842ff50039c18e9896aa909044--black-white-photos-black-and-white-01-01.jpeg

Sana'y inyong marinig
Ang aking munting tinig
Kumakatok sa bawat puso
Sigaw ay "Tulungan mo 'ko"

"Saklolo!" sabay tingin sa ulap
Hiling sa bituing kumukutitap
Pwede ka bang makausap?
Tuparin sana aking mga pangarap

Pangarap kong makapasok sa paaralan
Kumain ng sabay sa hapagkainan
Manatili sa magandang tirahan
At magising sa kama kinaumagahan

Pero biglang natanong kung nasaan
Iba yata ang namalayan
Ako'y nakahiga sa gitna ng daan
Maraming tao ako'y napapalibutan

Ano kaya ang problema?
Bakit nila ako tinititigan?
Ako'y nanaginip lamang ba?
Gusto kong malaman

"Pedro! Pedro!" tawag ng nanay ko
Napaupo, napalingon, napatakbo
Pumunta sa kinaroroonan nito
At paulit ulit na sinabi ito:

"Nanaginip ka na naman ba
Sa pangarap mong walang pag-asa?
Mas mabuting manlimos ka
Magkakapera ka pa!"

Napakamot sa ulo, napaiyak ako
Dahil siya ang nanay ko
Na dapat maniwala sa kakayahan ko
Pero binigo ako, nasaktan ng todo

Dahil sa bigat ng dinaramdam
Luha ko ay nag-uunahan
Sabay sa pagpatak ng ulan
Sana maibsan ang sakit na nararamdaman

Hindi ako susuko, magsisikap ako
Anuman ang pagdadaanan ko
Walang halong biro
Para sa pagtupad ng mga pangarap ko

Oo, hindi man madali ang buhay
Kahit dugo at pawis ang iaalay
Sa kabila ng aking kahirapan
Pagsuko ang aking iniiwasan

Ako'y isang hamak na batang lansangan
Walang pinagkaiba sa batang may magandang kapalaran
Sapagkat sa Diyos na pag-ibig ang taglay
Lahat tayo ay pantay-pantay

Kaya kapuso, kapatid, kapamilya
Munting tinig ko'y naririnig mo na ba?
Tulungan ang sariling 'wag mawalan ng pag-asa
Dahil ako'y naniniwala na kaya mo pa

MisamisOccidental_0-01.jpeg
Source



Ang mga litrato ay aking inedit na nagpapakita ng pagsusumikap ng ating mga kabataan sa gitna ng kahirapan. Kahit anumang problema, mahalagang bigyan ang sarili ng tiwala.
Pinagmulan ng mga kuha:
1, 2, 3, 4, 5

Salamat mga Mahal kong Steemians.

Nagmamahal,

Queenjventurer

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ito'y napakaganda! At nakikita ko ang sarili ko na isa sa mga batang ito. Pinagkaitan ng tadhana. Pero dahil sa determinasyon na umunlad sa buhay, sabayan ng matatayog na pangarap, walang imposible!

Salamat sa iyong gawa @queenjventurer.

Best of luck, kabayan!

Salamat kabayan @jassennessaj.
Nang dahil sa paligsahan na ito, nasubukan ko ulit ang aking hilig sa paggawa ng tula.
Hoping for more to come.
God bless you 😊

Deserving piece. Congrats! :)

Wow. Thank you so much @zararina. I appreciate it. 😊