Philippine Poetry and Song Contest #1, "Ako'y Pinagkaitan".--Official Entry.

in wikang-filipino •  7 years ago 

Official Entry for Philippine Poetry and Song Contest#1 organized by @jassennessaj.

Have a good read Kababayans!

"Ako'y Pinagkaitan"

images (40).jpg
source

Bulag ako
Ipinanganak akong bulag sa mundo
Pero hindi ito hadlang upang ako'y matuto
Alam ko ang kulay sa paligid ko
Alam ko ang kulay ng mga tao
Hindi ko man makita ang kagandahan ng kalikasan,
Alam ko na ito ay luntian dahil nababatid ko ang kapayapaan.
Hindi ko man makita ang sinag ng araw,
Alam kong ito ay dilaw dahil sa mainit nitong ilaw.
Hindi ko man makita ang malawak na karagatan
Alam kong bughaw ito dahil sa lamig na nararamdaman.
Hindi ko man makita ang alab ng apoy,
Alam kong ito ay pula dahil ankin nitong katapangan.

Oo bulag ako
Madilim ang paligid na aking nakikita
Pero may liwanag akong natatanaw
Liwanag na hindi matutumbasan ng kahit anuman- kabutihan.

images (41).jpg
source

Pepe at bingi ako
Ipinanganak akong pepe at bingi sa mundo
Pero di ito naging hadlang para maihayag ko ang gusto ko
At makinig at malaman ang opinyon ng ibang tao.

Iisang boses lang ang kaya kong mailabas
Pero yung kamay ko ang tulay upang iba'y makausap
Kahit anung sigaw mo ay di ko marinig
Pero nakikita ko sa mukha mong maligalig ang gusto mong ipahiwatig

images (42).jpg
source

Lumpo ako
Takaw sa pangungutya at panghuhusga ng ibang tao
Pinagtatawanan dahil naiiba kung maglakad
Inaapi dahil hindi naman kayang mang-api ng iba

Lumpo man sa pisikal, di naman matitibag ang tibay
Tatag ng puso ang pinapakita
Nagbibigay ng inspirasyon sa iba na pinagpala
Inutil kung tignan ng iilan
walang humpay ang pangungutya ng karamihan
Subalit ganyan man ang nararanasan
handang magtiis para sa ninanais

unnamed (1).jpg
source

Akoy pinagkaitan
Hindi ako bulag, lumpo, pepe o bingi
ngunit akoy pinagkaitan
Ninakawan ng kapayapan, kaligayahan at tiwala sa sarili.

Kapayapaan na sanay tinatamasa,
kaligayahan na tunay na sanay nararamdaman
at ang tiwala sa sarili na dapat hindi nananakaw ninuman.

Pinagkaitan man ako sa mundo ito
di magiiba ang paniniwala ko
Na tayong lahat ay hindi perpekto
at tayong lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos ko.

"best of time"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

great posts

Hataw ang bugso at hitik sa emosyon ang tulang ito!

great post ! @themanualbot !

l like it

Whatever you say, you are absolutely right. The world is so cruel to the person with disability. Shame.

I agree but the world is cruel not only for those who has some disabilities. The world is also cruel to every person who strive to survive and to live and this world.

Upvoted. Nice lyrics/poetry. Beautiful

Nice post kabayan! glad to see some great Pinoy authors here.

awesoe lyrics

welcome to my blog @farhannaqvi7 where i give you happiness in just few second

Napakamatalinghaga! Maraming salamat @themanualbot sa pagsali.

Best of luck, Kabayan!

Nice poem. This is gonna be a hard contest to judge :D

Magaling at malalim!

Magaling ang pag kakasulat mo! Saludo ako sayo!

Magandang entry. :)

So deep hehe! Okay lang pinagkaitan, importante kaya mo pa din bumangon. :)